CERISE "CERISE!" narinig ko ang malakas na pagkatok niya sa pinto pero hindi ko alam kung paano siya haharapin, "kausapin mo ako. May nagawa ba akong mali? Sabihin mo kung ano kailangan kong gawin upang ituloy natin ang kasal." 'Wala kang pagkakamali, Angelo,’ bulong ko sa isip ko. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang pagsipa niya sa pinto. "Angelo huminahon ka!" narinig kong saad ni Nay Ella, "nangako ka sa akin. Nangako kang hindi mo pipilitin si Cerise." 'I am sorry Angelo,' muli akong napaluha, 'nangako akong ipaglalaban kita pero paano kung ikaw ang magiging kalaban ko? Paano kung ikaw mismo ang tututol sa kasal natin?' "Sige! Hindi na matutuloy ang kasal natin. ‘Yan ba ang gusto mong marinig?" ramdam ko ang galit sa tinig niya, "kakalimutan kita! Maghahanap ako ng ibang babae,

