IYAK nang iyak si Aika sa balikat ni Trayvon. Luckily, naroon lang pa la siya sa building malapit sa cubicle at tumatambay para ilabas ang sama ng loob niya hanggang sa narinig niya ang komosyon na nangyari kaya nagmadali syang nagpunta sa pinanggagalingan ng boses. Kilala niya kasi iyon. Hindi siya puwedeng magkamali at tama nga ang kutob niya. Sinira niya ang door knob ng cubicle at naabutan niya doon si Aika na iyak nang iyak. “Aiks, tahan na, please. We’ll make sure na igaganti kita sa kanila.” Pagpapatahan nito. “T-Tray, I-I was looking for you. Hindi ko alam na sinusundan pa la nila ako. They purposely locked me in para hindi ako makapaghanda sa final exams natin na magsisimula bukas. I didn’t expect that they’ll come this far!” galit na galit ito na nag-iiyak sa balikat ni Tray.

