ISANG matamis na ngiti ang bumungad sa umaga ni Aika. Si Tray. May dala itong snacks and chocolates. Napakunot noo agad si Aika. Heto na naman. She feels awkward again. Bakit kailangan niya pang magbigay ng ganito? Hindi naman siya nanliligaw ah? Aniya sa isipan. “Good morning, Aiks.” Bati agad nito. Ani mo ay nakapako na ang ngiti sa mga labi nito. Iniabot agad nito ang mga dala niya. “Tray, you don’t need to bring me these.” Pagpaapaalala ni Aika sa kanya in a calm voice. Medyo okay na siya ngayon dahil nakapagpahinga siya ng maaga kagabi after she reviewed. Iba talaga kapag inspired. “Hindi kailangan pero gusto ko. You’ll be needing this para sa exams natin mamaya. You have to be active. ‘di ba, you are aiming for top 1? Isa pa, I have something against Monic na makakapagtanggal sa

