INIISIP na kaagad ni Trayvon na talo na siya kahit na alam niyang hindi pa man nagsisimula ang laban. Ngayon na nalaman na niya na may pagtingin si Aika kay Mikael, ano pa bang magagawa niya? Nasasaktan siya at lagi iyong kaakibat ng pagmamahal. Pagkatapos ng panghuling exam nila sa araw na ‘to ay nakita niya si Aika na lumabas ng university kasama si Mikael. Iniisip niya na baka may tutorial sessions lang ang mga ito so he did not bother follow them. Ayaw niyang masakal niya si Aika dahil sa pagiging seloso niya. After all, wala rin naman na sila. It won’t be reasonable kapag tinodo niya ang paggwardya niya rito. Aika is an independent person. Sa nakikita niya naman kay Mikael, mukhang wala naman itong interes sa dalaga o sa kahit na sinong babae. Bagay na ipinagtataka niya. “Mag-isa ka

