Sa isang private memorial Cemetery kung saan nakalibing si Fernando Mondragon dahil sa car accident makalipas apat na taon bago ang kaarawan ng kanyang unica hijang si Cassandra Maxelle Mondragon. Isang lalaki na nakasuot ng itim na hoodie jacket at itim na ray-ban eye glass na siyang papunta sa puntod ng magkapatid. Inilagay ng lalaki ang dalawang bulaklak sa harap ng dalawang lapida sabay sindi ng dilaw na kandila sa mismo harap ng lapida. Simo’y ng hangin na bumabalot sa paligid. Katahimikan na kahit boses ng isang bata ay wala kang maririnig sapagkat awit ng mga ibon ang nasa buong paligid lamang ang iyong maririnig. Umupo ang lalaki at kanyang tinignan ang lapida sabay hinga ng malalim. Kanya itong nilinis gamit ang puting panyo sa isang lapida na nakapangalan kay Wendelle Mondragon.

