Sa loob ng opisina habang nag – uusap – usap ang anim na magkakaibigan na sina Yuki, Janice, Sandra, Dysiree, Zyliree at Cassandra para sa paghahanda ng pag alis nila kasama ang lahat ng empleyado ng Mondragon De Villa. Dahil sa hindi inaasahang surpresa na natanggap ni Cassie sa kanyang mga empleyado ay naisip nitong ibalik bilang pasasalamat sa lahat kaya nagpaalam ang dalagita sa kanyang ina at sa kanyang lolo na bigyan ng isang linggong bakasyon ang empleyado na siyang pumayag ang kanyang ina at lolo. Kanilang naisip na pumunta sa isang pinakamalaking resort na siyang pinupuntahan ng mga tourista. Ang Milla’s Highland Resort. Isa sa pinakamalaking isla at resort na pinagmamay ari ng magulang ni Janice Delos Reyes na siyang kaibigan ni Cassandra. Si Janice ay isa sa pinakamatahimik na b

