EPISODE 14: Wala sa sarili kong inihagis ang sarili ko sa kama nang makarating ako sa kwarto namin ni Cha. Tulog na ito kaya dahan-dahan lang ang pagkilos ko rito sa loob. Habang nakahiga ako pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang lahat. Ang hirap lang talagang isipin ng sitwasyon ko ngayon. Nakakakonsensiya. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip at pasado alas-kwatro ng umaga ako nagising. Dahil malapit na ang collaboration event, hindi na kami masyadong abala sa boutique dahil tapos naman na kami sa lahat ng trabaho namin. Naghihintay na lang kami ng final output ng coutures. “One month na pala simula noong birthday ni Brandon, ‘no?” Bahagya akong napatigil sa paghuhugas ng mga gulat at napatingin kay Marie. Kausap nito si Sheina,

