Bea's POV
Three days passed so quickly. The routine of my life has been repeating itself over and over for those three days.
Papasok ako sa trabaho ng gabi at uuwing masama ang loob ko sa umaga. Gano'n palagi ang senaryo sa buong tatlong araw na lumipas. Naipasok ko na rin pala sa isang pribadong paaralan ang kambal. Even if the tuition fee is expensive, I can be reassured that my siblings are in good hands.
Pikit mata ko na lang inabot ang ilang buwan kong ipon. Kambal ang may autism kaya talagang mabigat-bigat ang tuition fee. Ang importante sa akin ngayon ay makakapag-aral na sila.
Kailangan ko lang ulit talagang kumayod para makapag-ipon. Kailangang tuloy-tuloy ang therapy ng kambal.
Nagtaka ako nang maraming naglalabas-masok sa loob ng Bar na pinagtratrabahuan ko. Kunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit maraming nagkalat na camera sa labas ng Bar na pinagtra-trabahuan ko.
Halatang abala rin ang lahat ng tao na nakita ko na mag-ayos ng mga wires.
Agad pumasok sa isip ko ang gagamit ng Bar para sa isang teleserye. Hindi ko man lang nabalitaan na ngayon na... ngayon na ba?
Nagmamadali akong pumasok sa loob para alamin kung tama ang hinala ko.
“Dean! Buti nandito ka na," kinikilig na sabi ni Akira. Sinalubong niya ako na may ngiti sa mga labi niya.
“Ngayon na ba ang shooting?" nagtatakang tanong ko. Tumili naman si Akira at tumango-tango. Kitang-kita kong nagniningning ang mga mata niya na halatang excited sa mangyayari ngayong araw.
"Hindi mo ba napansin?"
Hindi ko lang maunawaan kung bakit ganitong oras.
"Bakit gabi?" tanong ko pa lalo't ang inaasahan ko pa man din ay umaga ang mga shooting para makarami ng eksena at hindi tumagal sa iisang setting ang palabas.
Akala ko pa naman ay makakapagtrabaho ako ngayong gabi para may kikitain ako agad.
“Ang pagkakaalam ko ay sisimulan na ang eksena sa ilang madadaling parte ni Betanni," sabi ni Akira sa akin.
“Kung gano'n wala na tayong gagawin ngayong gabi?" tanong ko.
Manonood lang kami kung gano'n? Mukhang kakailanganin kong maghanap ng sideline kung magtutuloy-tuloy na wala pa rin kami sa eksena nila Akira.
Kaya ba may kan'ya-kan'yang tent sa labas ng Bar? Nasara na rin ang daan sa harapan ng Bar. Dumarami na rin ang nakikiosyosong tao. Dikit-dikit ang Bar dito sa amin kaya talagang maraming maiintriga kung bakit maraming taong pumapasok sa Bar na may dala-dalang mga kamera.
"Hindi ko alam! Basta ang alam ko lang maraming poging artista! Yah!" kinikilig na sabi ni Akira kaya naman pasimple akong napahawak sa noo ko.
"Nasaan ang mga kasama ni Bettani na sasayaw sa entablado?" Narinig namin ni Akira na may nagsalitang staff sa ibaba ng entablado kung saan kami sumasayaw. Dahil nga hindi naman kalakihan ang entablado rito sa Bar ay napansin kong dinadagdagan ng ibang staff ang entablado.
"Tayo 'yon hindi ba?" tanong ni Akira sa akin kaya nalipat ang tingin ko kay Akita nang nagtaas siya ng kamay habang nakangiti. "Kami po 'yon."
Matinis ang pagkakasabi ni Akira. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagtaas ng mga kilay ng ibang staff sa aming dalawa ni Akira.
"Ay, attitude," bulong ni Akira, pinagmasdan ko ng mabuti ang staff na nasa harapan namin ngayon. Dahil ba rito kami nagtratrabaho sa Bar? Kitang-kita ko kasi agad ang panghuhusgang naglalaro sa mga emosyon nila sa mukha.
Kanina ko pa napapansin ang pagtingin-tingin sa amin ng ibang mga tao rito pero pinagsawalang bahala ko na lang ang mga 'yon dahil una sa lahat ay hindi naman sila ang nagpapakain sa akin.
Umiwas na lang ako ng tingin, kung hindi lang talaga sa pera ay hindi naman ako intresado sa mga ganitong bagay.
“Bukas na bukas ay kailangang nandito na kayo. Uunahin na kasi ang eksena kung saan sasamahan niyo si Miss Betanni sa pagsayaw sa entablado,” mataray na sabi ng isang staff sa aming dalawa ni Akira.
Nasa harapan namin siya at iba ang pagtingin sa amin. Kung titigan niya kasi kami ay mula ulo hanggang paa. Nilabanan ko ang tingin na ibinibigay niya sa akin para iparating sa kan'yang hindi ako basta-basta papayag na alipustahin ng kahit na sino.
Nandito ako para sa pera at hindi para magmalinis sa kung sino.
“Ano’ng oras?” malamig na tanong ko. Pumanget lalo ang timpla ng mukha ng babaeng nasa harapan namin.
Pansin kong wala pang artista ni isa kaya ibig sabihin ay inaayos lang nila ang Bar. Mabuti na rin na wala pa ang mga 'yon lalo't siguradong magkakagulo at dudumugin ang mga artistang gaganap sa kwento na 'to.
“Alas sais kung kaya niyo ng ganoong oras. Mabilis magalit si Direk, ayaw na ayaw niya ang mga nahuhuling taong paimportante,” masungit na sabi niya kaya naman tinignan ko rin siya mula ulo hanggang paa.
Kahit pa ba sanay na ako sa mapanghusgang mga tao sa paligid ko ay mabigat pa rin sa loob ko na namamaliit ng ibang tao kahit hindi nila alam ang pinagdadaanan ko.
"Sige," mahinang sagot ko.
"Mabuti," malamig na sabi niya.
Tumitig siya sa akin bago ngumisi lalo’t hindi na ako nagsalita subalit hindi ko inalis ang tingin ko sa kan’ya.
Tumalikod siya sa amin kaya naman napairap na lang ako sa hangin.
“Akala mo kung sino,” rinig kong bulong ni Akira. Mukhang napansin din ang mapanghusgang tingin sa amin.
“Nasaan si Beta?” mahinang tanong ko.
“Umuwi na lalo’t wala naman tayong trabaho ngayon.” Sinagot ako ni Akira kaso ang mga mata niya ay nasa babae pa rin na may mapanghusgang tingin sa amin kanina.
“Kung gano’n mauuna na rin ako sa pag-uwi pagkatapos kong kunin ang paunang sahod ko,” mahinang sabi ko.
Doon naman napatingin sa akin si Akira.
“Anong paunahang sahod ang sinasabi ko d’yan? Hindi pa nga tayo nagsisim—“
Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. Ayaw ko lang talagang marami pang sinasabi.
“Kailangan ko ng pera e kaya kukunin ko na ng mas maaga,” sagot ko at iniwan si Akira.
Bahala na bukas.
Ang importante sa akin ay mabayaran ng tama. Walang magiging problema kung gano'n ang mangyayari.
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng opisina ng may-ari ng Bar na pinapasukan ko at kitang-kita ko na masaya siyang nagbibilang ng pera habang nakaupo siya sa working chair niya.
"Dean, ikaw pala 'yan," nakangiting sabi niya sa akin kaya naman napabuntong hininga ako. Kung meron ako kaparehas na tao na garapal sa pera ay ang matandang babaeng nasa harapan ko ngayon.
"Balak ko sanang kunin ang paunang bayad para sa napagkasunduan natin," mahinang sabi ko habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.
Kailangan secured ang gastusin namin para sa buwan na 'to para hindi ako mahihirapan. Naibayad halos lahat ng ipon ko sa tuition ng kambal.
"Hindi ka pa nag-uumpisa ang trabaho mo, Dean," tumatawang sabi niya sa akin kaya napabuntoong hininga ako.
"Sigurado naman akong magagawa ko ng tama ang iniuutos mo, kailangan ko lang ng pera ngayon," mahinang sabi ko.
Saglit niya akong tinitigan bago siya umiling-iling. Madiin akong napapikit dahil mukhang wala akong makukuhang pera ngayong gabi.
"Ewan ko ba naman sa 'yong bata ka kung bakit hanggang ngayon ay ang ilap mo sa mga lalaki," bulong niya sa akin.
Napahawak ako sa batok ko lalo't alam ko kung saan patungo ang usapang 'to. Sigurado akong sa tagal ko nang nagtra-trabaho sa kan'ya ay alam niya kung ano ang kinakaharap ko sa buhay.
"Hindi po ako nandito para makinig ng sermon," mahinang sagot ko sa kan'ya.
"Ilang mga bigating lalaki na ang tinanggihan mo. Si Congressman Villanoza, isang gabi mo lang paliligayahin may bahay ka na," bulong niya at muling nagbilang ng pera sa harapan ko.
Alam ko ang ibig niyang sabihin ngayon. Umaasa pa rin siya na mapapapayag niya ako sa gusto niya na ibigay ang katawan ko sa mga bigatin niyang customer.
"Hindi ko kailangan gawin 'yon lalo't sumasapat naman ang sahod ko sa pagsasayaw," malamig na sabi ko.
"Ang sahod mo sa pagsasayaw ay napupunta lang sa pabigat sa buhay mo," prankang sabi niya at nakita kong naglapag siya ng ilang tag-iisang libo sa harapan ng mesa niya.
Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil ang tinutukoy niyang pabigat sa buhay ko ay ang mga kapatid ko.
"Dean, maganda ka. Huwag mong sayangin 'yan sa pagiging banal-banalan mo," mahinang sabi niya bago itinuro ang pera sa mesa niya. "Magkita na lang tayo bukas."
Agad kong kinuha ang pera at naiinis sa lumabas sa opisina niya.
Hindi ko gusto ang lumabas sa bibig niya pero wala naman akong magagawa lalo't ginagamit ko siya para kumita ako ng malaking pera.
Napailing na lang ako dahil kahit na ano pang gawin niya ay hindi niya ako mapapapayag na makipaglaro ng apoy sa ibabaw ng kama ng mga paborito niyang customer.
Hinding-hindi.