Chapter 1

1957 Words
I’ve always wondered how my life would be easy if he liked me back. However, you’re not living if you’re not suffering. It’s like life is equal to suffering, and you have to deal with it. I thank God that he gifted me the love for challenge. I keep thinking this as I rest my face in my right hand and sit alone at the cafeteria table. I am busy looking at each one of them and trying to find him in the crowd of students. “Huy! Anong ginagawa mo? Bakit ka nakatulala?” Nagulat ako at umupo nang maayos nung may pumalakpak sa harapan ko. Walang hiyang kaibigan to. Muntik na mahulog yung atay ko sa gulat. Pinandilatan ko siya bago magsalita. “Tanga, kailangan ba talagang pumalakpak? Required ba ha?!” ani ko. Mahinang natawa si Vic habang umiinom ng apple juice niya. “Mejo eh. Sorry not sorry. Nga pala bakit ka nandito? May Cafeteria naman sa baba ng building niyo ha.” “Ay bawal ba? Sayo? Sayo tong university?” Usal ko sabay hablot ng apple juice na iniinom niya. “De joke, nag crave ako kasi bigla ng corndog eh. Kaya heto ako ngayon, basang-basa sa ulan.” Kanta ko, habang nakaposisyon ang apple juice sa aking kaliwang kamay na parang mikropono. Sinampal ako ng mahina ni Vic sa kamay at tumawa sa katarantaduhan ko. Habang kumakain ay chineck ko kung ang aking wrist watch at nakitang 20 minutes nalang pala bago ang next subject ko. Nagpalaam na ako kay Vic at naglakad patungo sa Engineering Building. Marami akong nakasalubong na highschool students dahil nasa likod ng building lang namin and building nila. Ang iba ay naghahabulan at ang iba naman ay lalaro ng bola. Hay kakamiss ang buhay highschool. Habang papalapit ako sa amin building ay nakita ko ang isang pamilyar na awra. Sigurado akong siya yon. Backpack na black na may tatak na The Marc Jacobs, perfectly- ironed clothes, shining black shoes, at polished hair. Sigurado akong siya yun. Pero bakit siya late? Tanong ko sa aking sarili. Iniling ko ang aking ulo at napagdesisyunang tanongin nalang siya pag nasa elevator na. Pumasok nako sa building at dumiretso sa elevator, siya naman ay sa likod ko at sumusunod. Tinignan ko siya pahiwatig kung saan ba siya baba. “Fifth floor.” Usal niya ng maiksa. Pinindot ko ang 5th floor at 7th naman para sakin. Ngumiti ako sa kaniya at bumati. Tumango siya at bumati rin sakin. Muntik ng mahulog ang matres ko dahil hindi ko inaasahan na babatiin niya rin ako. Hihihi. Ang gwapo niya talaga. "Bakit ka pala late?” Tanong ko habang nagche-check ng phone ko para di naman masyadong awkward. "Hospital.” Maikli niya tugon. “Ha? Sino na hospital si Tita o si Tito?” Sabay tingin ko sa kaniya na nag-aalala. “Me, Casy. Stop asking question na.” Pagkatpos ng magsalita ay parang may kung anong mahika at tumunog ng bigla ang elevator hudyat na nasa 5th floor na kami. Pagkalabas niya ay napatili ako. Sobrang gwapo niya talaga as in. Kahit mejo masungit siya pero bagay naman sa kaniya. Kalaunan ay lumabas narin ako sa elevator at pumunta sa aking classroom. Matagal natapos yung lecture namin,dahil sa kaklase ko. Alam na niyang mali siya pinaglalaban parin na tama. Kelan naging tama ang mali. Hay! Sumakit yung ulo ko. Umawat pa talaga ako para lang matapos yun at maka proceed sa discussion. Nasa baba nako at tumingin sa relo kung anong oras na, 7 na pala nang gabi. Napagdesisyunan ko nalamang kumain sa labas para naman magre-review nalang ako pagdating sa condo, timing at nakita ko yung sisigan sa labas ng school na walang masyadong tao. Pumila nako at nag-order ng isang serve ng sisig, isang cup ng kanin at bottled water. Umupo ako sa bandang kanan kung saan makikita ko yung mga pumapasok. Binigay na rin ni kuya yung order ko habang ako naman ay sumusulyap-sulyap sa kalsada dahil baka umulan. Nag-aalala ako dahil mag co-commute ako ngayon kasi ang sasakyan ko ay nasa kapatid ko. Habang patuloy na kumakain ay enjoy na enjoy ko ang pinapanuod kong pelikula sa telebisyon. Tawang-tawa ako sa mga eksena ni Vice Ganda. Ngunit mas, nabulunan ako ng makita si Yous sa harapan. Ang laki ng katawan niya. Tinaas niya ang kaniyang kilay na para bang may masama akong ginagawa. “Ano?” Inosente kong usal. “Your Mom said I have to fetch you. Let’s Go.” He said and then walked away. Grabe naman ang harsh naman niya hindi ko pa nga nauubos yung pagkain ko. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at nag pasalamat sa tindero. Ngumiti ako at kumaway bago umalis. Pumasok ulit siya sa school para kunin ang sasakyan habang ako naman ay nasa waiting shed naghihintay sa kaniya. Sanay naman akong maghintay sa kaniya e. Parati naman lang ako ang naghihintay sa kaniya. Hugot yarn. Dahil sa malalalim kong iniisip ay hindi kuna namalayan na nandiyan na pala siya. Kung kaya’t bumsina siya sa aking harapan. Napatalon ako sa aking upuan at pumasok sa sasakyan Sobrang tahimik ng buong byahe papuntang condo. Kahit kuliglig ay hindi ko marinig. Pasalamat nalang ako at may lalaking bumusina sa amin likiron noong medyo traffic dahil doon ko lamang naringin ang kaniyang boses. “What is he doing? Doesn’t he know how to read?” Galit niyang sabi. Parang napipikon na sa ilang bese na pagbubusina ng sasakyan sa likuran. Pagdating naming sa condo ay kinuha ko ang aking bag at nagpasalamat sa kaniya bago luumabas ng sasakyan. Binati ako ng guwardiya at binati ko rin naman siya. Palakad-lakad ako ng mahinhin papasok at noong nakita kong nakaalis na siya, tumakbo ako papuntang elevator. Pagpasok na pagpasok ko pa lamang ay sumigaw na ako sa kilig. “Lord Salamat po sa araw na ito. Sana po makarami pa po ako. Amen!” Bulas ko, patalon-talon at lumabas na ng elevator dahil nakarating na ako sa aking floor. Pagdating ko sa loob ng condo ay nakakalat lahat ng mga art materials ng aking kapatid. Ang kaniyang mga brushes ay nasa bandang kaliwa niya habang ang kaniyang acrylics ay nasa kanan naman. Hindi na ako nagulat ng nadatnan ko nag anito ang kaniyang ginagawa. Araw-araw na ata tong nag draw-drawing. “O Te, late ata yung uwi mo. San ka galing? By the way, kumain nako ha.” Tanong niya habang nagmimix ng color white na acrylic sa color blue. “Wow parang Nanay kalang ano? Sa school po Ma.” Tawa kong ani habang papasok sa kwarto. Nilapag ko ang bag ko sa aking study table at kumuha ng pajama. Pinatong ko ito sa ibabaw ng aking higaan habang hinuhubad ang aking medyas. Lumabas ako sa aking kwarto at pumunta sa cr dala ang aking pajama. Lumabas ako sa cr na ready nang matulog. Pero, di pa doon agtatapos ang araw ko. Sobrang daming assignments na ibigay ng profs naming ngayon. Hindi ko alam dahil malayo pa ang Pre-finals namin. Iniisa-isa ko ang bawat na assignments naming. Goal ko na magka uno na GWA this 3rd year dahil makakatulong ito saking internship next school year. Mas mataas na GWA mas magandang company. Habang sumasagot ako ng mga takdang aralin ay nakita kong online si Yous sa IG. Nabigla ako dahil napakabihira na mag-oonline siya. I grabbed the opportunity to chat him. “Hi!” Pambungad ko na bati. Hindi ko napigilang tumawa sa reply na. “?” “Nothing! I want to check if you’re answering our assignments.” I replied, giggling. “You sound like my mom when I was young. You don’t have to remind me.” “Ay ganoon ba? I can be your mom naman ngayong malaki kana.” “Yuh, you can be my sugar mommy.” He replied mercilessly. Nawindang ang buong pagkatao ko sa reply niya. Di ko akalaing may ganitong side siya. I was caught off guard by what he said. “Grabe ka naman. Mayaman kapa sakin.” Yung nalang ang tanging mairereply ko. Pero napaisip din ako. I can be her sugar mommy if he really wants to. Joke. Okay! ½ joke. He left me on read after my reply. Hindi niya rin siguro alam kung anong irereply or baka kinilig na siya. Sige lang kaya ako nasasaktan dahil assuming talaga ako. Hay. Papatapos na ako ng sa pagsagot sa aking assignments ng biglaang may tumawag. Galing kay Vic ang tawag. Dagli-dagli kong sinagot dahil baka importante ang sasabihin niya sakin. Pagkasagot ko palang ng aking telepono ay alam kuna kung nasaan siya. Sa background music palang nito ay napagtanto kong nasa bar siya. Chineck ko ang oras sa aking gilid at nakita kong ala una na ng umaga. Himala at maaga pa siyang nalaing. Kadalasan ay alas-kwatro ng umaga o di kaya ay alas-singko ng umaga siya umuuwi. Pero kahit ganiyan siya ay saludo rin naman ako sa aking kaibigan. Pumapasok siyang may hangover. “Ma’am? Kaibigan niyo po ba si Miss Vic?” Ani ng boses lalaki ng nasa kabilang linya. “Hello po, sino po ito?” Sagot ko habang sinisirado ang aking laptop. “Bouncer po ito sa The Cave po Ma’am. Pwede po bang sunduin niyo po siya dito? Lasing na lasing po eh.” Bago pa ako makasagot ay narinig ko si Vic sa background na sumisigaw. “Let’s party people! You too Manong Bouncer.” “Manong siya po ba yan?” Tanong ko ng may pag-aalala sa aking tono. “Opo Ma’am” Kahit wala ako doon ay alam kong kinakamot niya na ang kaniyang ulo sa ginagawa ng aking kaibigan. “Okay po. I’ll be there in a few minutes. Keep an eye on her Kuya.” Giit ko at kumuha ng jacket sa aking cabinet. Nakapajama akong bumaba sa aking condo at naghintay ng taxi. Ramdam ko ang sobrang lamig na hangin na dumadampo sa aking balat. Kahit na may jacket ay nakakapasok parin ang malamig na simoy ng hagin sa aking katawan. Makaraan ang dalawang minuto ay may taxi nang dumating. Diretso akong pumasok at umupo. Tinanong ako ng driver ng nakangiti sa labi. “Saan tayo Ma’am?” “Sa The Cave Manong.” Sagot ko at gumanti rin ng ngiti. Medyo malapit lang ang club sa aking condo. Pero di ko maintindihan dahil kahit na ala-una palang ng umaga ay napakaraming sasakyan sa daan. Traffic rin sa intersection. Kinakabahan akong umuupo sa loob ng taxi. Takot dahil baka ano na ang ginagawa ng aking kaibigan doon. Bago pa kami lumiko ay nakita may nakita akong pamilyar na sasakyan sa harapan ng kabilang linya. Isang black na BMW X6M. Parang sakaniya to. Sinusubukan kong makita ang mukha ng driver ng sasakyan dahil hindi ako sigurado kung si Yous. Ngunit napabalikwas ako sa aking upuan ng makita kong may babae sa fron seat. Maganda, makinis at sobrang haba ng buhok. Kahit na malayo ay parang maamoy muna ang kaniyang pabango na sobrang sosyal. Mas bumilis bigla ang t***k ng aking puso. Bago ko pa ma check yung plate number ay nag green na ang traffic light. Humarurot ng takbo ang aking sinasakyan na taxi. Hindi ko nakita ang lalaking nagdridrive. Dumating ako sa club at binayaran ang taxi. Tinanong ko ang bouncer kung nasaan si Vic at ginabayan ako paloob. Nakita ko ang aking kabigan na nakahandusay sa couch. Walang malay. Tinulungan ako ng mga bouncers na iuwi siya. Pumara ako ulit ng taxi at sumakay kasama si Vic. Ngunit sa gitna ng pangyayaring ito ay hindi parin wala sa aking wari ang nakita ko kanina. Sana talaga hindi si Yous yun. Sana namalikmata lang ako. Sana nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD