Sa sumunod na araw ay pumasok akong kulang sa tulog. Hindi wala sa aking isipan ang nakita ko kagabi. Binabagabag ako ng aking isip. Gusto kong tanungin si Yous sa aking nakita pero nahihiya ako.
“Miss Anciente? Are you here with us?” Napatingin ako sa aming class president habang siya’y nag-eexplain kung ano ang dapat naming gawin sa anniversary ng university.
“Yes, I am so sorry,” I replied with a small smile and straightened my back, showing that I was ready to give my full attention.
“Okay! So now…”
Hindi ko na natapos makinig dahil napuno na naman ng pag-aalala ang aking isipan. Makaraan ang ilang minute ay natapos din ang meeting. Una akong umalis dahil nangako ako kay Vic na sasabay kami kakain ng lunch ngayon.
Lumabas ako ng aming building at iniling ang aking ulo. Hindi dapat ako mag-overthink dahil hindi naman ako jowa. Isa pa imposibleng mangyari ang iniisip ko. Tinampal-tampal ko pa ang aking ulo para maalis lang ang iniisip ko.
Naglakad ako patungo sa Half Moon kung saan naka linyada ang mga food stalls. Bumili ako ng isang large French fries at isang mango shake, dahil gutom na gutom na ako. Hindi pa nakaka reply si Vic sa texts ko. Dala-dala ang aking mga pagkain ay naghanap
ako ng bakanteng bench. Puno ang lahat ng upuan pero may nakita akong upuan sa bandang kanan.
Gumuhit ng isang ngiti sa aking mukha ng makita si Yous ang umuupo doon nagbabasa ng kung ano sa kaniyang cellphone.
Binilisan ko ang lakad. Umubo ako ng kaunti para makuha ang kaniyang atensiyon.
“Pwedeng umupo?” Sabi ko habang dala ang mga pagkain sa aking kamay.
“Feel free to sit.” He replied while continuing to read something on his phone.
Napakagwapo niya talaga. Ang bango niya pa. Hmmm, kagigil.
Umupo ako at nag-umpisang kumain. Panay rin ang check ko sa aking cellphone dahil tinext ko si Vic na andito ako sa bench malapit sa Half Moon. Patuloy ang pagkain ko ng biglang may parang malakas na tunog akong narinig.
Parang gutom na sikmura. Tinignan ko si Yous at nakita ang pagkahiya sa kaniyang maamong mukha. Mahina akong natawa sa kaniyang reaksiyon.
“Oh eto kumain ka.” Pag-alok ko ng french fries.
“Nahiya akong mag-alok kanina kasi baka di ka nito kumakain.” Dagdag ko pa habang sumisipsip sa straw.
“Who doesn’t eat French fries?” Tanong niya sabay kuha ng tatlong piraso ng french fries.
“Ay, sorry po ha. Bakit parang kasalanan kong gutom ka.” Tawang-tawa kong sabi.
Tinignan niya lang ako at patuloy na kumuha ng fries. Kita ko ang gutom base sa kaniyang galaw. Aliw na aliw akong tinitignan siya. I looked at him with full adoration.
“Gusto mong tubig?” Alok ko sa kaniya.
Hindi na siya nagulat sa pagtatanong ko at supladong sumagot. “I can buy the water on my own.”
Pabalang ko siyang sinagot. “Obvious naman, may paa ka eh.”
Binalaukan siya ng kaunti hindi inaasahang sasabihin ko yun.
“Hehehe joke lang. Pero seryoso, bakit hindi ka bumili ng pagkain mo kanina?” Tanong ko dahil may pera naman siya. Bakit siya pa nagpapagutom?
“I was doing something. Also, I didn’t even realize I was hungry until you sat down in front of me.”
Tumango tango nalang ako. Nakaka nose-bleed naman tong kausapin.
Habang ako ay nag-aabang abang kay Vic. Patuloy parin siya sa pagkain ng fries. Hindi narin kami nag-uusap. Nahihiya nako na ang daldal ko.
“Hello! May date pala kayo?” Ang ganda ng entrance ni Vic. Sobrang panira.
Tinignan ko siya ng masakit at humagikgik lang siya. May dala-dala pa siyang Phlebotmy kit. Aba! Kukuha ata to ng dugo sakin kaya’t nagpumilit na mag-lunch kami ngayon.
Tinabi niya ang kaniyang kit at nagsalita.
“Hi Yous!” Bati ni Vic at nag wave pa ang tanga.
Tumango si Yous sagot sa bati ni Vic. Humagalpak ako ng tawa sa ginawa ni Yous. Tinapik ni Vic ang aking ulo at pinandilatan ako.
“Tara na nga. Yous alis na kami.” Usal ko habang tumatawa ng konti.
Niligpit ko ang aking kalat at binilin ang isang bottled water sa ibabaw ng lamesa. Parati akong may dalang extra dahil sobrang hilig ng kakalse kong maki-inom sakin. Di naman ako conscious sa laway pero baka magkahawa pa kami ng sakit no. Ayaw ko non.
“What’s this?” Inosenteng tanong ni Yous.
Bago pa ako makasagot ay nagsalita na si Vic. “Gayuma yan. Huwag inomin Yous baka ma fall ka sa kaibigan ko. Ghoster to. Hahahaha!”
Binatukan ko si Vic ng malakas. Walang hiyang to. Pakana talaga siya ng fake news.
“Tubig yan Yous. Baka mabilaukan ka kasi sa laway mo kaka English.” Sabi ko at kinuha ang kamay ni Vic.
Umalis kami ni Vic at pumunta sa cafeteria upang kumain. Pagdating naming ay punong-puno ito.
Nagkatinginan kami ni Vic. “Dito nalang tayo kumain. Feeling ko dito nan ga ang may pinaka konting estudyante.” Giit ko. Pumunta ako ng counter upang mag-order na ng ulam. Si Vic naman ay nasa likuran ko parang may tinataguan.
“Huy! Anong ginagawa mo?” Tanong ko dahil panay siya tago sa likod ko at patingin-tingin pa siya sa lalaki sa harapan namin.
Hindi na ako sinagot. Sinenyasan niya lang ako dumiretso nang umorder. Parehong beef steak ang kinuha ko para saming dalawa.
“Sino kasi yun?” Tanong ko ng makaupo na kami sa mesa.
Tumingin muna siya sa gilid namin bago bumulong sakin. “Nakamomol kuyon kagabi.”
“Ano akala ko ba bawal sayo na pareho kayo ng school? Ano nangyari sa rule na yon.” Sagot ko rin ng pabulong.
Umupo siya ng tuwid at inayos ang buhok niya. “Hot niya eh. Wala akong magawa.”
Natawa ako sa sinabi niya. Marupok rin pala sa gwapo ang kaibigan kong to.
Nag-umpisa na kaming kumain at bigla biglang binuga ni Vic ang tubig na iniinom niya.
Sisigawan ko na sana si Vic pero- “Hello Vicky!”
Napatingin ako sa likod ko. Isang matipunong lalaki na naka Political Science na uniporme. Hala! Ang gwapo.
Nauutal-utal na nagsalita si Vic. “Hi!”
Doon ko napagtanto na siya pala itong si Mr. Rule Exemption ni Vic. Ha! Walang hiya tong babae na to. Ang landi. Biglang
nagpabebe.
My pabibo ass self syempre hindi nagpatalo at nagpakilala rin ako. “Hello! My name’s Casy Anee Anciente, Vic’s bestfriend.”
I offered my hand, and he shook it.
“So, what are you doing here?” Dagdag kong tanong dahil panay ang iwas ng tingin ni Vic sa kaniya.
He smiled a little. Parang ice cream na natutunaw si Vic sa kilig. Aba! Aba!
“I’m just here to greet Vic. That’s all.” He then looked at Vic and said, “I enjoyed it last night.”
He walked away, leaving Vic half-mouthed open, shocked by what she said.
I took my phone to capture this moment. Vic the great has been caught off guard by a guy.
“Tangin@ naman Casy, ang panget ko diyan.” Sabay hablot niya ng phone ko. Kinuha niya ang aking phone at tawang-tawa ako sa nangyari.
“Huy Vicky! Ano yun?” Tanong ko at binawi ang cellphone kong hawak-hawak niya.
“Anong, anong yun? Yun na yun.” Sabi niya at tinakpan ang kaniyang mukha.
Tumawa nalang ako at hindi na siya hinot seat. Pinagpatuloy ko ang aking pagkain at inubos ang aking pananghalian. Ganoon din
ang ginawa ni Vic.
Nang maubos na naming ang pagkain ay tinignan ni Vic kung ilang minuto nalang ang kaniyang next class. Nagpaalam na siya sakin
at tinukso ko siya bago umalis.
“Gwapo nun. Go kana!” Sabi ko sabay tinaas taas ang kilay ko.
“Tanga! Chika ko mamaya anong nangyari. Alis na ako.” Sabay beso niya sakin.
Mabilis na umalis si Vic at tumambay pa ako ng ialan pang minuto sa canteen. Wala lang para makichismis. Chos. Habang papatagal ay narerealize ko na hindi ako humihinto sa pagbili ng pagkain.
Maka-alis na nga dito. Mauubos pa ang aking pera.
Kinuha ko ang aking bag at naglakad-lakad sa hallway. Tinignan ko ang oras sa aking relo at nakitang may dalawang oras pa akong bakante. Tinungo ko ang library para doon nalang magpalipas oras.
Pagdating ko sa library ay pumunta ako sa sulok na mesa. Matutulog nalang ako siguro o di kaya manunuod ng movie. Pag-upo ko palang sa aking upuan ay nakita ko si Yous na pumasok din.
Wala siyang dalang bag o libro. Kikiligin na sana ako ng biglang may sumunod na babae sa kaniyang likuran.
Mahaba ang kaniyang buhok. Mataas rin siya at sobrang ganda ng hubog ng kaniyang katawan. Hindi siya naka uniporme kaya’t baka hindi siya estudantye dito.
Parang pamilyar siya. Ani ko sa aking isipan. Tinignan ko siya nang mabuti at napagtanto kung sino siya.
Siya yung babaeng nakita ko sa loob ng nasasakyan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw. Naestatwa ako sa aking posisyon.
Pumwesto silang dalawa sa kabilang mesa. Nasa likuran ako ni Yous habang ang babae ay nasa harap niya.
Malapit sila sakin kung kaya’t nararinig ko ang ibang pinag-uusapan nila. Hindi siguro alam ni Yous na andito ako. Nakichismis ako sa kanilang pinag-uusapan. Atat na atat kung ano ang kanilang topic.
“Yous, just let me stay in your condo for a while, please. I have nowhere to go,” The girl begged Yous. I can hear the desperation in her voice.
You let out a small sighed and answered. “I want to, but I can’t.”
The girl is slowly tearing up. Her tears were falling on her cheeks one by one. I was getting jealous, but then, I realized I was in no position to. The actions and the words of the girl are sincere. It seems that she needs a place to stay.
There was a long silence before Yous broke it. He patted the head of the woman, and I could feel that he was smiling. He is very gentle towards her.
“Okay, but don’t tell anyone you’re staying with me. Pack your things and live with me in the meantime. I’ll help you find a new place to stay if you’ve sorted it out, na.” He said, trying to calm the woman down. That was it. That was my last straw.
I immediately rushed to one of the bookshelves and acted like I was finding something. I started to teared up. Fortunately, I stopped myself from crying. I keep repeating to myself that I am in no position to be jealous. Yous can entertain and date whomever he wants.
My heart feels like it is being squeezed to its extent. I composed myself and continued to look at the books in front of me. I am hoping that I’ll like one of them.
A book caught my attention. I took it and walked back to my seat.
When I arrived, I saw that they were leaving. I checked my watch and realized that my class was starting very soon. I paid for the rental of the book and summoned my way back to the classroom. I can not even care if I’ll bump into someone. I do not want to be late.
As I entered the room, I suddenly realized that You’s are my classmate in this subject, PE. My heart is so throbbing fast. I could not calm it down.
Unti-unting akong pinawisan. Kahit na ang lamig lamig ng silid ay sobrang init ng katawan ko. Yumuko akong naglakad papasok ng silid. Humanap ako ng bakanteng upuan dahil sobrang dami na ng estudyante sa loob.
Kung minamalas ka nga naman. Mayroon ngang natirang silya pero nasa tabi ito ni Yous. Wala akong nagawa kundi lumakad papunta sa kaniya. Medyo naiilang pa akong umupo sa tabi niya.
Tinignan ko siya at ngumiti ng sandal para hindi naman masyadong awkward. I tried to act normal around him even with what I just heard.
He gave me a soft glance and looked away. Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang iPad ko sa loob. Hindi na ako gumagamit ng notebook dahil mas efficient at madali ang pag note taking dito.
Masyadong tahimik kaming dalawa. Hindi ako umiimik at ganoon din siya. Babasagin ko na sana ang katahimikan nang bigla siyang mag salita.
“I know you heard everything in the library.”