ELAINE/LUKE POV
Nagpapahinga na ang lahat
Kararating lang namin sa center hall kung saan gaganapin ang huntingan. Excited ng nag aabang ang lahat ng kasamahan kong aswang.
May sampo ka taong inatasan kung maghanda sa pag rating namin dito sa Center Hall.
'Handa na po ang lahat Boss Luke' isa sa inatasan kong maghanda
'Mabuti naman kung ganoon, kapag sasapit na ang dilim hintayin nyo lang ang hudyat ko at magsisimula na tayo' makahulugan kong ngiti dito, malapit ng magdilim ang paligid ilang minuto nalang, nagtataka naman ang mga kaklase ko naiinip dahil sa hindi pa nagsisimula ang kasiyahan ay napansin din ng mga ito na wala ring gaano katao sa centerhall.
'Elaine! Asan na ba ang mga keke? Ang weird ha pero parang kami lang ata ang inimbetahan at may alam ng kasiyahan dito sa lugar niyo' Pag iinarteng boses ng bakla
'Syempre naman tayo lang magsasaya rito, kaarawan ko eto eh, exclusive lang para saatin sa mga mahal kong kaklase ' ngiti kong sambit dito ko na inirapan naman ako.
'Akala ko ba maraming tao yan ang sabi mo nung nasa Maynila pa tayo? Tapos ngayon tayo lang pala? paano naman tayo magsasaya nito e etong mga mukha lang naman pala din ulit, baka may masama kang balak saamin babae ka?' Crizza na tinataas baba ang kilay nito saakin unti unti na talagang lumalabas mga tunay na ugalit ng mga taong to.
"Crizzaa! tama na hayaan mo na baka surpresa nya lang yan atsaka wag ka ngan mag ganyan kaarawan pa naman ng bff natin" malambing na tugon ni Andy kay Crizza
"feeling di naman ng babae na yan totoong kaibigan natin yan! eh ang creepy nga niyang sa skwelahan eh! at mas walang makakatalo sa ka creepyhan niya dito sa kanila!" inis na inis na sambit ni crizza kay andy na akala niya ba ay silang dalawa lang ang nakakarinig sa pinag uusapan nila
'Bat ba ang reklamador niyo kung umuwi nalang kayo dun kung ayaw niyo dito! Kayo na nga dinala at inimbetahan namin rito ng pamilya ko! Ang aarte nyo kala naman ninyo ang linis linis nyo? Huh! ' di ko napigilan sarili ko, napahinto naman ang lahat di nila aakalain na sasabihin ko ang mga katagang iyon
'Pasensya na' kunwaring hinging tawad ko sa kanila
'eh kung ganito din lang naman pala' si alen sabay tanggal ng mga alahas at kung ano ano pang nakasabit sa katawan nito at hagis sa paanan ko 'mas mabuti pang makilala niyo totong pagkakatao ko HAHAHA' bungisngis nitong si Alen saamin malaki ang katawan nito na di mo akalaing bakla noon
'Alen? lalaki ka?' takang tanong ni Andy nito na di makapaniwala sa nakikita niya
'lalaki naman talaga ako eh , nagbabaklaan lang ' pagmamalaki ni Alen "atsaka di kita type Andy, masyado kang marumi na babae " makahulugang sambi nito lay andy na nagpatahimik sa babae
"nice one pare!" sabay fist bump nito nila rex
"swerte mo kanina pare ah naka score ka pala kay shen" pagbibiroan ng dalawang lalaki
"anong pinagsasabi niyo? Rex?" galit na tanong ni Shen kay Rex
"Wala nagbibiroan lang kami ng bago kong Pare " at nagsitawanan uli ang dalawang lalaki
*wakk wakk wakk
Grupo ng uwak ang dumaan sa kalangitan marami ito na nakapag patili sa mga kasamahan kung babae
Nakakarindi mga boses nila! Ang sasakit sa tenga, ang aarte!
Ang sarap nilang putulan ng dila at mata at ipakain sa mga dumadaang Uwak
Puro tili lang ang narinig ko sa kababaehan na animoy natatakot sa grupo ng uwak na dumadaan
'Tahimik kayo! Nakakarindi kayung pakinggan!' Suway sa kanila ni rex na nag oobserved lang pala sa paligid
' Ang creepy na dito Elaine ha di na kami natutuwa'
'Tara na! Balik na tayo sa mansyon, andun na silang lahat ayoko na dito napaka creepy!' pagmamadaling bigkas ni crizza sa mga kasamahan nito na nagmamadali nading magligpit sa kanilang mga gamit