Zemira's POV (Break Time)
Agad na napatingin muli sa amin ang mga tao sa cafeteria ng pumasok kami sa loob.
Muli nanaman na dumako ang paningin ko kila Amelia at sa Section A na ngayon ay nakangisi sa amin---akin.
Agaw na naagaw ng isang lalaki na ang aking atensyon.Seryoso syang naka upo habang nakasandal sa mono block at naka crossed arm habang diretso lang ang tingin kay Spade na kalapit ko lang.
Ngayon ko lang sya nakita dito.....
"Lucas,sino yung lalaki na seryoso? Ngayon ko lang sya nakita dito"mahina kong tanong dito dahil nasa kanan ko ito.
Bale,napag gigitnaan ako ni Lucas at Spade tapos yung ibang Section G ay nasa likuran namin.
"He's Flynn Rodriguez,the leader of Section A..."seryosong sabi ni Lucas ng hindi ako nililingon.
Hindi na ako nagsalita at tumango-tango nalang ako hanggang sa makaupo na kami sa table ng buong Section G.Hindi na ako sumasabay kay Iseah dahil lagi na nyang kasabay yung mga class mate nya pero close parin kami.
Napag gigitnaan uli ako ni Spade at Lucas.
Nasa kanan ko si Spade at nasa kaliwa ko naman si Lucas.
"Ano kayang pakiramdam na mapukpok ng baseball bat sa ulo at binti?"rinig kong tanong ni Amelia na halata naman na pinariringgan ako.
Napunta sa akin ang paningin ng mga Section G,maging si Spade at Lucas.
"Lakas lakas magpabugbog,kapit tropa lang naman"parinig ko pa dahilan para maging masama ang tingin na ipukol nito sa akin.
"Ay!Kapit tropa!"
"Kapit tropa aba!"
"Tsk tsk tsk!"
"?Kapit tropa,kapit tropa.Si Amelia.Si Amelia.Bigyan ng kamote,bigyan ng kamote
.Pampa utot!Put!Pampa utot!Put!?" dinig kong kanta ni Ethan dahilan para magtawanan kami.
Kita ko kung paano kumuyom ang kamao nito at tumalim ang tingin sa akin. Nginisian ko ito bago magkibit balikat.
"Ikaw ang nauna hindi ako"sabi ko dito.
Lalo naman na sumama ang timpla ng mukha nito.
Tumayo ito at agad na lumapit sa gawi namin.Tumayo ito sa pinakang dulo ng mesa namin which is sobrang lapit lang sakin.Pabagsak nyang inilagay ang kamay sa mesa namin na ikinataas ng kilay ko.
"You b***h!"
"Beautiful,Intelligent,Talented,Charming and Hot....Thank you for calling me b***h!"nakangisi kong sabi dito habang nakatingala sa kanya.Kumuyom ang kamao nito.
"Goooo!Zainaaaa!"dinig kong sabi ni Iseah na nakaupo sa kay likudan ng upuan ko.
"Being b***h means.I stand up for my self and my belief.I stand up for those i love.I speak my mind,think my own thoughts or do things my way.I won't compromise what's in my heart.I live my life MY way.I won't allow to step on me.I refuse to tolerate injustice.It means i have to courage and strenght to
allow myself to be me.So try to stomp to be me,douse my inner flame.Squash every ounce of beauty i hold within.You won't succeed.And if that makes me a
Bitch,so be it.I embrace the title and I'm proud to be a b***h!"mahabang sabi ko dahilan para manahimik sila at tulalang nakatingin sa akin.Kahit si Spade na kanina pa ako hindi nililingon ay napa tingin sa akin habang nakakunot ang noo.
Oh galit nanaman yan!....
"Baka Zaina yarnnnn!"dinig kong sabi ni Iseah.
Hindi nakapag salita si Amelia ngunit nananatili parin itong masama ang tingin sa akin.
Umayos sya ng tayo si Amelia."Bwisit!" Sabi nya bago mag walk out palabas ng cafeteria.Sumunod naman sa kanya yung mga alipores nito.
Nakita ko na nakatingin sa akin si Lhian, tinaasan nya ako ng kilay bago irapan at magwalk out rin.
Madapa sana kayong apat....
"Ang galing mo Zaina!"
"Idollllll"
"Idol na kita"
"Ang haba ng english nya"
"Wala akong naintindihan sa sinabi nya"
"Bobo ka kasi"
"Nice words,Zaina.I like what you said"
Napatingin ako kay Lucas ng sabihin nya iyon.Nginitian nya ako kaya nginitian ko sya.
"Ehemmmm!"bumalik sa harapan ko yung aking paningin ng marinig ko na mag peke ng ubo si Iseah."Ano yung tinginan na yon ehemmm!"dagdag pa nito.
Tumayo ako at lumipat ng mesa kung saan sya nakaupo ngayon.Umupo ako sa dati kong upuan at sumandal sa glass wall.
Nakangisi sya ng mapunta ang paningin ko sa kanya."Bakit?"inosenteng tanong ko.
"Ikaw ha!Ano yung tingin tingin nayon?Ha?"sabi nya habang nakangisi ito.
Inirapan ko lamang ito bago kumuha ng pagkain nya.Sinamaan nya ako ng tingin.
"Bili kana lang,babayaran kita.Bili mo narin ako at bili kana rin ng chuckie"
Utos ko dito.Sinamaan naman ako nito ng tingin bago padabog na tumayo at naglakad papunta sa counter.
Napatingin ako doon sa Flynn Rodriguez ng maramdaman ko ang tingin nito sa akin.Hindi nga ako nagkamali dahil naka tingin nga ito sa akin.Saglit pa kaming nag ka titigan hanggang sa ako na ang unang umiwas ng tingin dahil sa ilang at mukha ng walang balak na umiwas iyon.Sakto naman na dating ni Iseah.Pero ang pagdating ni Iseah ay sya namang pag dating ng isang makulit.
Umupo sya sa dati nyang inuupuan kapag nambubwisit ito.Ngumiti ito sa akin ng malaki at pumangalumbaba.
"Hi,Zaina..."ngiting ngiting sabi nito kasabay ng pagkindat nito."Alam mo? Hindi ako insekto pero Misquita" naka ngiti nyang sabi na nakapag patawa sa akin ng mahina.
"Corny"nakangiti kong sabi.
Mangha syang tumingin sa akin."Akala ko papaya ang nakakapag palinaw ng mata,
Yung ngiti mo pala"
"Haha!"mahina kong tawa dahil sa banat nito.
Nakangiti lang na naka tingin sakin samin si Iseah.
Bumaling ako sa notes na binabasa ko dahil nagsimula ng makipag kwentuhan si Kneel kay Iseah.
"Zaina....."tawag ni Kneel sakin.
"Bakit?"tanong ko habang nagbabasa ng notes.
"Alam mo bang masarap ang nilaga pero mas masarap akong mag-alaga"wala sa sariling napangiti ako,hindi dahil sa kinilig ako dahil pinipigilan ko lang ang tawa ko.
Ang corny nya talaga.....
"Sira!"nakangiti kong sabi ng hindi sya binabalingan ng tingin.
"Zaina..."
"Oh?"
"Espanyol kaba?"tanong nito.
"Hindi..."natatawa kong sabi.Narinig ko naman ang pagtawa ni Iseah.
"Sabihin mo bakit"
"Oh?Bakit?"
"Sinakop mo kasi yung puso yieeeeeee"
Harot nitong banat na nakapag pangiwi sa akin at nakapag patawa kay Iseah.
"Gago!"mura ko dito dahilan para magtawanan ang buong section G."Alam kong may relasyon kayo ni Iseah kaya wag mona akong landiin dahil hindi kita papatulan"sabi ko na nakapag pawala ng ngiti ni Kneel at Iseah.Nginisian ko silang dalawa."Galing ko no?"nakangisi kong sabi.
Nagpeke ng ubo si Kneel."Well ngayon na alam mona,Yes!We're in relationship"
Sabi ni Kneel bago tabihan si Iseah sa upuan.Napangiti ako.
"Congrats"nakangiti kong sabi.
Pano kaya si Liam?.....
Palihim akong tumingin kay Liam at ayun!
Naka kuyom ang kamao!
Wawa naman si Liam.
"Love,let's it na"sabi ni Kneel.
"Being called,baby,love,babe is so walang kwenta because magbebreak din kayo"nakangisi kong sabi dahilan para samaan ako ng tingin ni Iseah at nginisian lang ako ni Kneel.
"Inggit ka?Hanap ka ng sayo"naka ngisi na sabi ni Iseah.Ako naman ngayon ang ngumisi sa kanya.
"Well.Meet my boyfriend! "Nakangisi kong sabi na nakapag pakunot ng noo nya.
"Boyfriend?"
"Yes.Meet my boyfriend,Liam"sabi ko.
Narinig ko naman ang pagusog ng bangko senyales na may tumayo.Maya-maya lang ay nasa tagiliran kona si Liam.
Kita ko kung paano bumalandra ang gulat sa mata ni Iseah at kung paano nangilid ang luha nito.
"Liam,meet my bestfriend,Iseah.Iseah, meet my boyfriend,Liam"nakangisi kong pagpapakilala.
Nakita ko naman na naglahad ng kamay si Liam."Nice meeting you...Iseah"seryoso ng sabi ni Liam.Agad akong ngumiti ng tapunan ako ni Iseah ng tingin,kita ko ang pamumula ng mata nito buhat ng pagpipigil nito ng iyak.
Dahan-dahan na tinaas ni Iseah ang kamay nya habang may konting nginig.
"N-nice meeting you....L-liam"sabi nito bago makipag kamay.
Kita ko kung paano ayaw bitawan ni Iseah ang kamay ni Liam ngunit si Liam na ang unang buwitaw sa pagkakakapit.
Umupo na si Liam sa tabi ko at inilapag narin nya ang pagkain nya sa mesa.Wala ang nagsasalita sa amin kaya naman nagsulat ako sa note book at ipinakita kay Liam.
"Liam,tignan mo"bago ipakita sa kanya ang note book na sinulatan ko.Medyo nagulat ako ng hawakan ako nito sa bewang at hapitin palapit sa kanya.
"Where?"
Liam nyo englishirist narin!BWAHAHAHA!
Liam,kasalanan mo ito kapag umiyak si Iseah...sulat ko sa kanya.Bumulong naman sya.
"Ikaw ang nakaisip ng ideyang ito"
Sira ba tuktok mo?!Ikaw nga itong naki usap sa akin na magpanggap na girlfriend mo!
"Pumayag ka naman"
Pano,lumuhod kapa sa harap ko at umiyak
.Plus,may chuckie pa hehehehehe.
Palihim naman akong tumingin kay Iseah at ganon nalang ang gulat ko ng makita ko itong lumuluha.
"Iseah ba---"
"Wala."pagalit nitong sabi."Cr lang ako"
Hindi pa ako nakakapag salita ng agad itong tumayo at lumabas.Sumunod naman si Kneel dito.
Nang mawala na sila sa paningin namin ay.....
"Yuck!Yuck!Yuck!Alisin mona yang kamay mo!"
"Hindi ko maimagine na girlfriend kita"
Sabi ni Liam habang diring diri na nakatingin sa akin.
Agad ko naman na pinagpag ang suot ko.
"Mas lalong hindi ko maimagine na boyfriend kita!Yuck!Mukha ka kayang bisugo"sabi ko habang diring-diri na naka tingin sa kanya.Tumingin ako sa labas.
"Huy,gago!Galit si Tanga"sabi ko patungkol kay Iseah.
*POK
"Aray naman!"reklamo ko matapos akong batukan nito.Inis ko itong tinignan."Maka batok naman to"
"Hindi tanga si Marie"
"Sira kaba?Ganon kaya ang tawagan namin"salubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya."Pero alam mo?Baka sa susunod na araw,komprontahin kana nyan"
Nagsalubong ang kilay nito."Bakit?"
"Pagsasabihan ka nyan na wag mo akong lokohin,kesyo ganto,kesyo ganyan.O kaya kokomprontahin ka non na 'Bakit mo jinowa si Zaina,hindi mo ba alam na magkaibigan kami' yan,ganyan sasabihin non...Iseah line,101"sabi ko habang nakatingin parin sa labas.
"Sa tingin,sila kaya ni Neal?"nilingon ko ito at agad na bumungad sakin ang seryoso nitong mukha.
"Aba'y malay ko.Sa tingin ko lang naman ay nagpapanggap lang sila para pag selosin ka"sabi ko.Bumuntong hininga naman sya.
"Sana nga...."
"Anong sabi ko sayo?"taka nya akong nilingon.
"Ha?..."
"A real man will never give up with his girl"sabi ko sabay ngiti sa kanya habang taas baba ang kilay."Wag kang mag-alala
,Kupido kaya tong kausap at kaharap mo ngayon"sabi ko habang nakangiti."Gusto ko sana si Leila nalang yung fake girl friend mo,kaso....."binitin ko si Liam.
"Kaso?...."
"Kaso baka magalit yung isa dyan" pag paparinig ko dahilan para lumingon si Jacob."Baka kasi kapag ginawa ko yun ay hilahin nanaman yung upuan ko" bumaling ako kay Liam."Plan B.Success!"
Sabi ko sabay thumbs up sa kanya.
"Ano yung plan C mo?"
"Kung matyempuhan ka nya na nag-iisa at lumapit sya sayo,subukan mong maging cold sa kanya.Tapos kapag nakikita ka nyang mag-isa,mambabae ka
"Nangunot ang noo nya.
"Mambababae?Ako?No way!"reklamo nito.Bumusangot ako.
"Gaga ka!Para nga komprontahin ka nya eh!Basta,try mo maging cold sa kanya"
Dinuro ko ito bago panlakihan ng mata.
"Wag kang maging marupok!Ha?"
"Oo..."pagalit nitong sabi bago ako irapan.
"Ayoko nga mambabae tapos uutusan akong mambabae"dinig kong bulong ni
Liam.
"Tawagin mo akong Master"sabi ko dahilan para mapalingon sya sakin.
"What?"kunot noong tanong nito.
Ayan nanaman po si Liam!Nagiging Englishirist nanaman!
"Tawagin mo ako Master"nakangisi kong sabi."Hangga't tinutulungan kita tatawagin mo akong Master.Maliwanag?
"
"No freaking way!"salubong na salubong ang kilay nito.
Tumaas ang kilay ko."Nagbago na pala isip ko.Hindi na pala kita tutulungan kay Iseah"sabi ko.Akmang tatayo na ako ng pigilan nya ako.
"Fine.I'll call you what you want.But help me to Marie"pagalit nitong sabi.
Tumaas ang kilay ko.
"Galit ka?"taas kilay na tanong ko.
"Hindi"pagalit nitong sabi.Nanliit naman ang mata ko.
"Parang may kulang"sabi ko habang naka hawak sa baba at nakatingin sa kisame.
"Parang kulang talage eh.Hmmmmm?"
"Hindi po,Master"