Zemira's POV
"May kaltok ba yon sa utak?"tanong ko kay Lucas habang nagdadrive sya pauwi sa amin.Nagprisinta kasi sya na ihatid ako dahil hindi nga ako gaanong makalakad dahil naninigas ang aking mga binti dahil sa ginawa ng mga taga section F na yon.
Narinig ko naman na mahina syang natawa."No.Ganon lang talaga sya"
Natatawa nitong sabi.
"Ganon?E bakit kung makasigaw sa akin at makapangbintang na may kahalikan daw ako sa room ay parang siguradong sigurado sya"inis kong sabi.Mahina nanaman syang natawa.
Happy pill ako ni Lucas!
"At isa pa!Wag daw akong sasama sa iba!
Makapag utos kala mo kung sino!" Hanggang ngayon ay inis na inis parin ako sa Spade na iyon dahil sa mga pinagsasasabi nya sa akin na nakipag halikan daw ako.Yuck!"Kung makapag desisyon kala mo batas!Akala nya susundin ko sya,manigas muna sya!"
Nakakastress si Spade!Grabe!
"Hayaan mona"sabi nya habang ang paningin ay nasa daanan.Inis akong bumaling sa kanya.
"Hayaan?Hindi ako papayag na maging sunod sunuran sa palitong iyon.At isa pa,mabuti na natatagalan nyo yung ganong ugali nya.Napakasama!"inis kong sabi sa kanya.
Mahina syang naubo bago magsalita." Lahat kami ay sanay na sa ganong pag- uugali ni Spade."
"Mabuti at natatagalan nyo ang pangit nyang pag-uugali.Ang gwapo gwapo nga pangit pangit naman ng ugali.Jusko! Nakaka turn-off yung ganyang mga lalaki!Yung tipong Anghel ang mukha tapos demonyo naman ang pag-uugali!
Baka Spade yon!"
"Masasanay ka rin"sabi nya.Medyo ilang minuto kaming nanahimik ng may maalala ako.
"Anong camera nga pala yung sinasabi ni Spade kanina?"kunot noong tanong ko dito.
"Ahh.Yon yung camera na sinet-up ni Ethan kaninang umaga pagdating nya dahil ichachallange ka daw nya na copying Spade in 24 hours,kaso umalis kami at hindi na nya nakuha yung camera nya,nakalimutan nya siguro. Mabuti at naka connect sa cellphone nya yung camera kaya nakita namin yung nangyari sayo kanina.And i'm sorry for that"imbis na sumagot sa mahaba nyang paliwanag ay nagtanong muli ako.
"Lucas,nakita mo ba yung pasa sa braso at batok ni Ethan kanina?"tanong ko dito dahilan para lingunin nya ako saglit.
"Ahh,yun ba?Nadapa sya kanina" palusot nito kahit ang totoo naman ay nakipag away sila.
"Yung pasa nya kasi sa batok ay halatang hindi galing sa away"naka tunganga kong sabi.
"What do you mean?"
"Alam kong nakipag away kayo kanina dahil narinig ko kayo ni Spade kanina. Pero yung pasa ni Ethan sa batok, halatang hindi galing sa away"sabi ko. Bumaling ako kay Lucas na ngayon ay parang kinakabahan na."Sabihin mo nga sakin,Lucas.Alam mo ba kung ano ang nangyayari kay Ethan?This past few days kasi,napapansin ko na medyo natahimik na si Ethan,hindi na sobrang ingay.Tapos,may mga pasa sya sa braso at mukha"sabi ko habang nakatingin sa bintana pero nakakunot ang noo." Minamaltrato ba sya o binubugbog ng mga tiyuhin nya?"tanong ko sabay baling sa kanya.
"Actually,i don't know what happend to him"kabadong sabi nito.
"Tapos alam mo ba,nung monday may nakita akong chikinini sa may bandang dibdib nya nung medyo nakabukas yung uniform nya.Napapansin ko rin na panay ang himas ni Ethan sa braso nya"
Dagdag ko pa.Lahat ng sinabi ko ngayon ay totoo.Lahat ng iyon ay napapansin ko sa kanya this past few days.
Medyo tahimik na sya ngayon at minsan ay tulala pa sa kawalan na para bang ang lalim ng iniisip nya.Minsan nga sa tuwing nakatulala sya nakikita kong parang iiyak sya habang hinihimas ang magkabila nitong braso habang naiiling eh.
Pumeke ng ubo si Lucas."You know,Zaina it's a family problem,okay.Kung may balak ka man na pakialam kung anong nangyayari sa buhay ni Ethan ngayon, please lang,itigil muna dahil hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo kung sakali man na mangialam ka" seryosong sabi nito dahilan para mangunot ang noo ko.
"Bakit?Ano bang bahay ang pinapasukan ni Ethan?At bakit hindi nyo sya tulungan?"kunot noong tanong ko dito.
"Bangungot,bangungot para kay Ethan ang lahat ng nangyayari sa kanya sa loob ng tinitirahan nya.At kung bakit hindi namin sya tinutulungan?Dahil kahit kami mismo,ay babangungutin kung sakaling mangialam kami.Lahat kami ay takot sa mga kasama ni Ethan bahay kaya kahit isa sa amin ay walang nangahas na tulungan si Ethan,gustong gustong tulungan ni David si Ethan kaso sya rin mismo ay natatakot"mahabang paliwanag nito.
"Eh ako?Pwede ko kayang kausapin yung mga tiyuhin ni Ethan?"tanong ko sa sarili na mukhang narinig ni Lucas dahilan para sumeryoso ang mukha nito.
"Don't..."seryosong sabi nito dahilan para magtaka ako.Agad na bumukas ang gate ng subdivision ng makita ako ng guwardya doon."We're here"sabi nya at bumaba sa kotse papunta sa kabilang pinto kung saan ako nandon.
Tinanggal kona ang seat belt at binuksan ang pinto ng kotse ni Lucas.Tinulungan nya akong makababa at inakay papunta sa gate ng mansion.
"Gusto mo ba munang pumasok?" Anyaya ko sa kanya ng makarating kami sa harap ng gate.
Ngumiti sya at umiling."Thanks but i need to go na.May gagawin pa kasi ako" sabi nito.
Ngumiti ako at tumango."Sige,pero sa susunod pasok kana,ha?"nakangiti kong ani dito.
Mahina syang natawa bago tumango-tango"Sure"
"Babye..."nakangiti kong ani sabay kaway.Naglakad na sya papunta sa kotse nya at sumakay.Nang nasa loob na sya at binuksan ang makita bago kumaway sa akin at pinaandar na ang kotse nya palayo.
Inaantay ko munang mawala sa aking paningin ang kotse ni Lucas bago ako humarap sa may gate.
"Waahh!"gulat ko sabi ng makita kong nakahawak sa bakal si Iseah at nakalusot ang nguso nito habang may nakakalokong ngisi at tingin ito."K-kanina kapa dyan?"
"Oo..."nakangisi nyang sabi habang ganon parin ang posisyon.Yung posisyon na para kang nakulong.
"Tulungan mo nga ako"sabi ko na ikinakunot ng noo nya."Ang sabi ko tulungan mo ako"sabi ko.
"Huh?Bakit?Nakakalakad ka naman ah!
Bakit kapa nagpapatulong?"kunot noong tanong nito sa akin.
Tsk!Palibhasa kasi ay walang alam sa nangyari sa akin kanina dahil panay Kelly ang inaatupag.
"Basta tulungan mo nalang ako"sabi ko at naglakad ng kaunti pero papilay-pilay.
Agad naman na nataranta si Iseah at pinagbuksan ako ng gate bago ako alalayan papasok.
"Ano ba kasing nangyari sayo!?"galit nitong tanong sakin habang naglalakad kami papasok ng mansion.
"Ala lang to,nadapa lang ako tumama sa bato ang binti ko"pagdadahilan ko. Pero hindi sya naniniwala dahil salubong na salubong ang kilay nya.
Grrrr!Galit na si Marie!
"Oh!Andito na pala si Puti!"sabi ko ng makita ko ang pakay ko.Binitawan na ako ni Iseah at padabog na umakyat sa taas na ikinatawa ko ng mahina.
Nilingon ako ni Puti na nakaupo sa couch habang nagcecellphone at naka crossed legs.
Sisiw...!
"Bakit mo ba ako pinauwi?Nagmomove- on yung tao e!"salubong na kilay na sabi nito.Ngumisi ako sa kanya ng nakakaloko.
"May sosorpresahin ka sa biyernes" nakangisi kong sabi.Nangunot naman ang noo nya bago ituro ang sarili.
"Me?"tanong nya.Tumango ako."Why me?"
"Couz this is the only way to make him happy in his birthday"nakangisi kong sagot sa kanya.Lalo naman na nagsalubong ang kilay nya.
"Who?...."tanong nya.Lalo namang lumawak ang pagkakangisi ko.Lalo naman na kumunot ang noo nya at inaantay ang aking sagot.
"Ethan Alexander..." nakangisi kong sabi kita ko naman ang biglaang pagpula ng pisngi nito at pag-iwas ng tingin bago pumeke ng ubo.
"I won't..."sabi nito ng hindi makatingin sa akin.Lalo naman na lumaki ang ngisi ko.
"Wether you like it or not gagawin mo yon para sa kanya"nakangisi kong sabi bago umakyat sa taas ng mabagal at paika -ika.
KINABUKASAN ay maaga akong pumasok.
Kasama ko ngayon si Iseah dito sa corridor dahil nagpahatid ako sa kanya na akayin ako hanggang loob ng classroom. Nung una ay ayaw nya pero nangonsensya ako kaya naman agad itong pumayag.
Pagbukas ko ng pinto ay agad na tumambad sa akin ang mga nagkakagulo kong mga kaklase.Kaaga-aga.Ang iingay at ang gugulo.Agad silang napatingin sa akin kasunod kay Iseah.
Tinignan ko si Liam at ganon nalang ang pagpipigil ko ng ngiti ng makita ko na mag katitigan sila ni Iseah.Hindi nakaligtas sa akin ang pagpula ng pisngi nito at umiwas ng tingin bago tumingin sa akin.Agad ako na umiwas ng tingin.
Baka mahalata....
"Where's your seat?"sunod-sunod ang naging pagkurap ko habang nakatingin kay Iseah dahil sa english nito.
Iseah nyo englishirist na!
Ngumisi ako."Sa tabi ni Ethan at David"
Tumango ito."Okay..."sabi nito bago ako akayin papunta sa upuan ko.Nang makaupo ako ay nangunot ang noo ko ng hilahin nya ang bangko na nasa harapan ko at doon umupo.
"Hindi kapa aalis?"nakangiti kong tanong.Seryoso nya lamang akong tinignan bago tignan ang paa ko. "Hihilahin mo paa ko?"nakangiti kong tanong pero hindi ito umimik.
Tinaas ko ang paa ko hanggang sa mahawakan nya iyon.Kinuha nya ang paa ko at hinawakan iyon.Agad nyang pinalo ang tuhod ko dahilan para mapangiwi ako sa sakit.
Sakit!Yung bigla nalang syang nanlamig sayo....
Habang pinapalo nya ang tuhod ko ay may naisip ako."Ethan,kunin mo nga yung isang balot ng Marie sa bag ko" utos ko dito.Agad naman itong sinunod at binigay sa akin."Gusto mo ng Marie?" Nakangiting kong tanong dito.
Naramdaman ko naman na tumigil sa paghampas si Iseah sa tuhod ko at ramdam ko rin na tinignan ako nito kaya inosente akong tumingin dito."Bakit?"
Inosente kong tanong.
"Nothing...."sabi nito bago hampas- hampasin nanaman ang tuhod ko.Nilingon ko si Liam at nginitian bago nagtaas baba ng kilay.Nginitian nya lang ako bago naka ngiti na pagmasdan si Iseah.
Titingin na sana ako sa unahan ng mahagip ng mata ko ang lalaking may pulang buhok.Diretso lamang ito na naka tingin nito sa akin habang naka busangot.
Tinaasan ko ito ng kilay bago irapan.
"Liam,gusto mo Marie?"muli nanaman na tumigil si Iseah pero hindi nag-angat ng tingin.
"Sure,masarap to Marie"nakangiti nitong sabi na ikinangiwi ko.
Bakit iba nasa isip ko?
Binigyan ko rin yung iba na hindi naman nila tinanggihan.Tanging si Spade lang ang tumanggi.
Ang tahimik naman.
Agad akong napangisi ng may maisip ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa music.Agad na hinanap ko sa aking playist yung team song nina Iseah at Marie.
?Sabi nila,balang araw darating?
?Ang iyong tanging hinihiling?
?At nung dumating,ang aking panalangin?
Agad na napatigil si Iseah sa paghilot sa tuhod ko at agad na tumingin sa akin bago tignan si Liam at muli itong tumingin sa akin.Pansin ko na nangingilid ang luha nito.
"Bakit?"pigil ngiting tanong ko.Umiwas naman sya ng tingin.
"Nothing..."sungit naman nito.May regla siguro to ngayon.
"?At ngayon nandyan kana,di mapaliwanag ang nadarama.Handa ako sa walang hanggang?"sabay-sabay kami na napatingin kay Liam kasama si Iseah ng kumanta si Liam habang nakikipag eye to eye contact kay Iseah.
Nagpanggap naman ako na nagcecell phone dahil baka makahalata si Iseah.
Ang alam kasi nya ay hindi ako interesado sa mga magjowa na nagkakahiwalay pero ang hindi nya alam ay sobra akong interesado.Minsan nga ako ang dahilan kung bakit nagkakabalikan yung mga magjojowa na naghihiwalay eh.
Ako rin ang taga hanap ng jowa sa mga taong gusto ng magkajowa.
Ms.Kupido.....
"?Mula noon,hanggang dulo......ikaw at ako...?"huling kanta na dinig ko kay Liam.
Palihim naman ako na tumingin kay Iseah at nakatingin parin ito kay Liam.Muli lang na bumalik ang paningin ko sa cellphone ko ng muntikan na nya akong mahuli na nakatingin sa kanya.
Bigla nalang syang tumayo at naglakad palabas.
Agad akong tumayo at naglakad papalapit sa pinto.Mabuti nalang at magaling yung taga hilot ko,okay na ako maglakad. Sinilip ko yung ulo ko sa may pintuan at tumingin sa corridor kung saan naglakad si Iseah.
Nakita ko syang naglalakad habang taas baba ang balikat at papunas-punas sa mata.
Umiiyak...
Nilingon ko si Liam at nginitian."Success"
Nakangiti kong sabi sa kanya na agad naman nya na ikinangiti pero halatang pilit.
Nadako naman ang paningin ko kay Ethan
.Tulala nanaman ito habang nakatingin sa harapan habang pinaglalaruan nito ang kamay.Nadako ang paningin ko sa pisngi nya ng may makita akong pasa doon.Kahit nilagyan ng make-up na kakulay nya ay halata parin ito dahil medyo hindi ayos ang pagkakamake-up dito.
Ano bang problema,Ethan?