Zemira's POV
Bigla silang nagtawanan nanaman.Napa nguso ako.
"Gago ka"sabi ko dahilan para lalo silang magtawanan.
Mga siraulo...
"Biro lang.Ito talaga ang dare ko sayo.
Batuhin mo ng sapatos mo ang pinaka kinaiinisan mo dito"nakangisi na sabi nito dahilan para mapanguso ako.
Wala sa sariling napatingin ako sa direksyon ni Spade na ngayon ay nakikipag usap kay Lucas.
Babatuhin koba o hindi?
Kung babatuhin ko sya,babatuhin nya din ako.Kung hindi ko naman sya babatuhin, safe ako.
Bumaling ako kay Ethan."Ethan,hehehe.
Wala na bang ibang dare?Mapapasama ako nito eh,hehe"ngumiwi lang sya habang naiiling.
"Babato o twerk?"nakangisi na tanong nya.Napanguso ako.
"Babato"sagot ko bago hubadin ang isa kong sapatos.Tumayo ako."Spade"tawag ko sa kanya.Sabay naman silang lumingon ni Lucas.Tinaasan nya ako ng kilay."Ilag ka,ha?Babatuhin kita ng sapatos ko"sabi ko sa kanya.
Nangunot naman ang noo nya.
"Wha---aw!"magsasalita pa sana sya kaso agad kong nabato ang sapatos ko sa kanya.Agad na nanlaki ang mata ko.
Dali-dali akong lumapit sa kanya."Hala! Sorry,sinabi ko naman kasi sayo na umilag ka e"taranta kong sabi habang hindi alam kung hahawak ba ako sa pisngi nya na natamaan ng o hindi."S-sorry"sabi ko bago hawakan ang pisngi nya.Agad kong pinagpagan ang mukha nya gamit ang mga daliri ko."Sorry talaga.Sorry, sorry.Sinabi ko naman kasi sayo na umilag ka eh"natigil ako sa pagpapagpag ng pisngi nya ng matigilan ako."Bakit?"
Tanong ko ng mapansin na nakatitig sya sakin.
Umayos na ako ng tayo ng mariin syang pumikit."Nothing"sabi nya bago umiwas ng tingin.
"Masakit?Sorry,ha"sabi ko.Tumango lang sya at hindi sumagot."Sungit.Hmp!"sabi ko bago sya talikudan.
Agad na sumalubong sakin ang mga nanunuksong tingin at ngiti nila but i choose to ignored them.
"Next question please"sabi ko ng makaupo ako.Bumaling ako kay Ethan ng hindi sya sumagot."Hoy!"sabi ko bago pitikin sa hangin ang aking daliri.
Agad naman syang natauhan at ngumiti sakin."Paano mo ipinararamdam sa isang tao na gusto mo sya?"napatingin naman ako sa kisame.
"Hindi kasi ako katulad ng isang tao na kapag gusto ang isang tao ay magpapapansin na.Ipinakikita ko sa isang tao na gusto ko sya sa pamamagitan ng tingin ko"
"Panong tingin?"
Ngumuso ako."Hindi---Aray!"agad akong napahawak sa noo ko ng may tumamang matigas na bagay sa noo ko.Tinignan ko iyon.Yung sapatos ko."Sinong bumato non?"salubong na kilay na tanong ko.
Agad naman nilang tinuro ang direksyon ni Spade.Lilingunin kona sana ang direksyon nya ng makita kong papalapit na sya sakin.
"Ano bang problema mo?Ginagantihan mo ba ako?Nagsorry naman ako ah!" Sabi ko habang nakahawak sa noo ko.
"Are you hurt?"
"Hindi!Hindi!Hindi ako nasaktan kaya ako naiinis!"inis na sabi ko sa kanya.Wala naman syang emosyon na nakatingin sa akin.
Nagulat nalang ako ng bigla nyang kunin ang kamay ko na nakahawak sa noo ko at hinaplos naman nya ang noo ko gamit ang hinlalaki nya.
Napunta ang tingin ko sa mga nasa likudan nya at lahat sila ay nakangisi sa akin.Nagsalubong ang kilay ko at agad na pinalo ang kamay nya na nasa noo ko.
"Does it hurt?"tanong nya pa.Sinamaan ko sya ng tingin.
"Dun kana,magbavlog na kami"masungit kong sabi bago sya irapan at umupo na sa upuan ko.
"Psh!"singhal nya at tumalikod na.
Nilingon ko si Ethan na may malawak na ngisi na sa labi.
"Anong nginingisi-ngisi mo dyan?"tanong ko.Agad syang umiling habang nailing.
"Wala lang"sagot nya habang nakangiti ng nakakaloko.
"Tuloy muna,bili"sabi ko bago himasin ang parte ng noo ko na natamaan ng sapatos ko.
"Ilan ex mo?"
"Dalawa"sagot ko ng walang alinlangan.
"Sinong mas minahal mo sa dalawa?"
"First ex ko,first love ko e"
"Bakit kayo naghiwalay?"
Nakagat ko ang pag-ibabang labi ko bago sumagot."Yung sa first ex ko,nakipag hiwalay sya sakin through the chat ng hindi ko malaman na dahilan.And sa pag chat nya sakin na break na kami hindi kona sya nakita kelan man"sabi ko bago ngumuso."Yung sa second ex ko naman. Niloko ako at sinasaktan ako"
"Bakit hindi mo nilabanan?"
"Ayokong manakit ng tao.Kaya kong manakit ng tao sa pamamagitan ng salita
,pero hindi pisikalan.Pero kapag sobra na o nainis na ako,dun na ako lumalaban ng pisikalan"
"Bakit?"
"Next question please"
"Kung papipiliin ka.Mananatili ka sa section na ito o hindi"ang kaninang tahimik na paligid ay lalong nanahimik.
Lahat ay nag-aabang ng sagot ko.
"Kung gusto ko man umalis sa section na ito,matagal kona sanang ginawa at isa pa.Nandito ang kasiyahan ko,aalis pa ba ako"sagot ko sabay tingin sa kamay ko at tipid na ngumiti.
"Marami ang nagsasabi na masama ang section na ito,hindi ka ba natakot sa amin?"
Umismid ako habang naiiling."Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng iba,gusto ko ako mismo ang tutuklas ng tunay na ugali ng tao...Kung gusto mong makilala ang isa tao,wag kang makinig sa sinasabi ng iba"sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"Type mo ba ako?"
"Hindi"diretsuhan kong sagot dahilan para magtawanan ang mga hunghang." Ethan Alexander is for Hynn Mingyu"
"Pereng tenge si Zaina"maarteng sabi ni Ethan dahilan para magtawanan nanaman kami."Sinong pinaka cute sa aming lahat?"tanong nya dahilan para mag-ingay ang mga hunghang.
"Cute ako ehem"
"Cute ako!Cute ako!Ehem!Ehem!"
"Zaina,i'm cute!"
"Eheeeemmmmmmmm!"
Iginala ko ang paningin sa lahat at bumalik ang tingin ko kay Ethan na ngayon ay ngiting ngiti sa akin.Ngumiwi ako.
"Ikaw"agad na nagsiangalan ang mga hunghang.
"Napaka daya!"
"May dayaang nagaganap!"
"Bayaran kamo!"
"Zaina!Magkano ba ang binayad sayo ni Ethan at dodoblehin ko!"
"Napaka ni Zaina!Mas cute ako kay Ethan e!"
Tinignan ko sila at lahat sila ay masama ang tingin sakin at mga nakanguso.Nag peace lang ako.
Biglang tumayo si Ethan."Ako nga daw ang cute!"sigaw nya dahilan para matawa ako.Umupo uli."Sino ang pinaka nakakuha ng atensyon mo nung unang pasok mo dito?"tanong ni Ethan.
Bigla naman nagsiayos ng upo ang mga hunghang dahilan para mapangiwi ako.
"Yung totoo,Zaina,ha?"
"Si ano....."
"Si?"
"Sino ba?"
"Ako yata yun"
"Baka ako yun!"
"Mga tanga ako yun!"
"Bobo!It's me!"
"Si Spade..."sagot ko dahilan para sabay sabay na tumingin sakin ang mga hunghang na kanina lang ay nagtatalo talo
.Natahimik din sila kaya pinagkunutan ko sila ng noo."Bakit?"
"B-bakit nya nakuha yung atensyon mo?"ayun nanaman ang nakakalokong ngisi at tingin ni Ethan.
"Yung buhok nya kasi,sa lahat sya lang ang dalawang kulay itim at pula"
"E sino naman ang pangalawang nakakuha ng atensyon mo?"
"Ikaw"
"Sabi ng haba eh!Nagagwapuhan sakin si Zaina!"agad na napaawang bibig ko ng biglang tumayo si Ethan at sumuntok suntok sa hangin.
"Hoy!Ang sinabi ko ay ikaw ang pangalawang nakakuha ng atensyon ko, hindi ko sinabing gwapo ka"sabi ko dahilan para magtawanan ang mga hunghang.
"Bwhahahahahahaha!"
"Savage!"
"Laptrip hahahaha!"
Umupo si Ethan habang nakanguso." Spade oh!Si Zaina,pinahiya ako" natakpan ko nalang ang bibig ko dahil sa iyak-iyakan ni Ethan.Lalo namang lumakas ang tawanan nila.Kunwaring pinunasan ni Ethan ang luha nya kahit wala naman."Sa aming lahat,anong kulay ng buhok ang pinaka gusto mo?"
"Kay Lucas.Purple"mabilis kong sagot.
Sabay sabay naman silang tumingin kay Lucas.
"Bakit purple?"
"Simula ng i-stan ko ang BTS ay naging purple lover na ako.I Purple You"sabi ko."Borahae"
Taka naman silang napalingon sa akin.
"Borahae?What does it mean?"
"Bora means purple,hae is from saranghae"
Tumango-tango naman sila."Sinong posible mong magustuhan sa kanilang lahat?"tanong ni Ethan na muling naka pagpatahimik sa kanila.
Mga nagsiayusan ng tindig.Buhok.Uniform
.May nagpeke pa ng ubo at may nagpaban go pa.
Hanep!
Nilingon ko si Ethan."Dare na lang"
"Kiss mo si Spade"
"Hindi ko alam kung sinong posible kong magustuhan sa kanila.Hindi naman pwedeng turuan ang puso." Agaran kong sagot na nakapag patawa sa kanila.
"Takot ka pala sa kiss e hahaha"
"Ikaw humalik"
"Kawawang Zaina"
"Mas kawawa ka,wala kang jowa"
"Bakit ikaw meron?"
"Wala rin.Hehehe"nakangiwing sabi ko.
"Sinong ideal man mo sa kanila?"
"Wala"
"May nagustuhan kana ba sa kanila?" Patukoy nya sa mga hunghang.
Tumingin ako sa kanya at umiling."Wala pa"
Ngumisi sya."So,ibig sabihin may chance ka na magkagusto sa isa sa kanila?"
"Hindi ko alam.Ewan.Pwedeng oo, pwede ring hindi.Aish!Basta!"sagot ko.
Totoo naman kasi.Pwede kang magkaroon ng nagugustuhan sa loob ng klase,diba?
"Ewan.Ewan.Baka si Spade"sabi nya sabay tingin kay Spade.Nilingon ko naman si Spade at agad na sumalubong sa akin ang seryoso nitong mukha.
Kunot noo kong nilingon si Ethan na ngayon ay nakangisi na sa akin.
"No way"sabi ko na ikinahalakhak nila.
"Sinong pinaka gwapo sa aming lahat?"
Tanong nya sabay hawi ng buhok nya pataas dahilan para mapangiwi ako.
Nagsiubuhan naman ang iba dahilan para lalo akong ngumuwi.
"Gwapo ako!Ehem!"
"Gwapo ako!Gwapo ako!Ehem!Ehem!"
"Yung totoo?"tanong ko.Tumango naman sya bago kagat labing ngumiti sakin.Kunot noo kong ginala ang paningin sa mga hung hang na ngayon ay nagsusuklay na."Si Spade....."sabi ko dahilan para sabay silang lumingon ni Lucas sa akin.
"Napaka daya!"
"Lagi nalang si Spade!"
"Baka gusto nya si Spade!"
Napabusangot nalang ako sa huling narinig.Hindi ko gusto ang palitong yan!
Nang mapunta ang paningin ko kay Spade ay agad na sumalubong sa akin ang kunot nyang noo.Parang nagtatanong.
"I mean.Gwapo naman kayong lahat, wala akong nakikitang panget."nag-ingay naman ang mga hunghang.
"Sabi ng haba crush ako ni Zaina!"
"Gago ako yun!"
"Mga tanga ako yun!"
"Mga bulag ako yun!"
"Bonak!Ako yun!"
Napabusangot ako."Patapusin nyo kaya muna ako"nakabusangot kong sabi.Agad naman silang natahimik."Lahat naman kayo gwapo pero mas angat lang talaga sya sa inyo"sabi ko habang tumatango- tango.
Agad na napunta ang paningin nila kay Spade kaya naman napatingin din ako don.Nakatingin lang sya sakin ng diretso at seryoso,nag-iwas nalang ako ng tingin.
"Top 5 na nagagwapuhan mo sa room na ito"sabi ni Ethan bago kagat labing sumulyap sakin.
Kengena nemen!
"Si Spade,Lucas,David,Jacob and Sebastian"sabi ko ng hindi nililingon ang mga binanggit ko.
Agad na nagreact si Sebastian."Sabi ng haba!Crush ako ni Zaina!"
Boring ko syang nilingon."Hindi kita gusto.Kaya manahimik ka dyan" nagtawanan naman ang ibang hunghang kaya sinamaan sila ng tingin ni Sebastian.
Ngumuso si Ethan."Bakit ako wala?" Ngusong tanong nya.Bumusangot ako.
"Sabi mo top 5 na nagagwapuhan ko" tumango sya."E di sinabi ko yung totoo na sila naman talaga"
"Bakit nga ako wala?"
"E wala e.Anong magagawa natin?"
Medyo inis kong sabi.
"Bwahahahahahaha!"
"Kawawang Ethan!"
"Nye nye nye!"
"Iyak!"
"Last Question."napatingin ako kay Ethan."Sa limang nabanggit mo,sino sa kanila ang posible mong magustuhan?"
Lahat ay nanahimik sa huling tanong ni Ethan.Maging ako.Lahat ng mata ay naka tingin sa akin at nag-aabang ng sagot ko.
Iginala ko ang paningin sa limang nabanggit.Napangiwi ako ng nakangiting kinindatan ako ni Sebastian.Umirap naman sakin si Jacob.Tipid na ngiti lang ang binigay sakin ni David.Umayos naman ng tindig si Lucas bago magpeke ng ubo.
Habang seryoso lamang na nakatingin sakin si Spade habang nakacrossed arms at nakasandal sa sandalan.
Sino ba?
Nilingon ko si Ethan."Dare nalang"
"Mag twerk ka"nakangisi na sabi ni Ethan.Bumusangot ako.
Kung si Sebastian,halatang ipagpapalit ako.
Kung si Jacob naman,hindi kami magkakasundo dahil masungit to.
Kung si David naman ay baka masugod ako ng girlfriend nito.
Napatingin ako kay Lucas at Spade.Sino sa dalawa?
Napahilamos nalang ako ng mukha."Hindi ko alam sa dalawa e"sagot ko bago ngumuso.
"Sinong dalawa?"
"Si Lucas or si Spade.Hindi ko alam sa dalawa."sabi ko bago hilutin ang sintido.
"Pili ka,Kahit isa lang sa kanila na posible mong ma like"
"Si...ano...si"
"Siiiiiii?????????"
"Si Lucas"