Zemira's POV
Sabay sabay kaming napatingin sa may dulong lamesa namin ng may magsalita don.
May nakita kaming lalaki na may dalang bouqet of red roses at may dalang kahon na square na kulay brown at may kulay pink na ribbon sa taas.
Mukhang chocolate nanaman....
"Kayo ba si Miss Zaina?"tanong pa nung lalaki.Alanganin akong tumango.Inilagay nya sa mesa ng mga dala nya. "Pinabibigay sa inyo"
"Kanino galing?"tanong ko bago tignan ang mga dala.
"Sa manliligaw nyo?"
"Manliligaw?"kunot noong tanong ko." Wala akong maalala na may manliligaw ako"sabi ko bago tignan ang card na inabot nung lalaki.
Ps:Dahil kinain mo uli ito ay dalawang sunod na araw na ang date natin...
Inurong ko pabalik ang mga dala nya.Taka naman syang tumingin sa akin. "Makikisabi na hindi ko matatanggap yan,at paki sabi rin ka hindi ako natanggap ng man liligaw"sabi ko. Alanganin naman nyang kinuha iyon.
"Per---"
"Just do what she said"sabay sabay kami ng napatingin kay Spade ng sabihin nya iyon.Bawat salitang binitawan nya ay may diin at maatoridad.
Hanep!
"S-sige"sabi nung lalaki bago dali-daling umalis sa harapan namin.
Nilingon ko si Spade."Thank you"bago sya makalingon ay binalik kona sa harapan ang paningin.
Pumangalumbaba si Ethan sa harapan ko.
"Sayang yung chocolate"nakanguso nito na sabi."Mukhang masarap"dagdag pa nito.
Magsasalita sana ako ng may hindi pamilyar na boses ang aking narinig."Tsk! Patay gutom talaga.Palibhasa mga walang pera"sabi nung babae na nasa Section A na kanina pa pairap-irap sakin.
Kinuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng lamesa dahil sa sinabi nya.Agad ko naman na pinakalma ang sarili.
Bumaling ako kay Ethan."Bigyan nalang kita"sabi ko.Agad naman na nagliwanag ang mukha nya.
"Talaga?"ngiting-ngiting sabi nito. Tumango ako.Agad naman syang ngumuso."Pero sa ibang bansa nakakabili non"nakanguso nitong sabi.
"Meron ako sa bahay non,dalhin ko nalang bukas"sabi ko.Agad naman na nag-ubuhan ang iba.
"Chocolate ehem!Chocolate!Chocolate"
"Ehem!Mukhang makati ang lalamunan ko
Mukhang kailangan ko ata kumain ng chocolate!Ehem!Ehem!"
"Parang gusto kong mabungi.Bigyan nyo nga ako ng chocolate"
Napailing nalang ako sa kanila habang nakangiti.Pwede naman nilang sabihin na gusto nila,nagpaparinig pa.
"Tsk!Mga patay gutom talaga"dinig kong sabi nanaman nung babae.Parang mga walang narinig ang mga hunghang dahil walang pumansin don sa babae.
Magantihan nga...
Ngumiti ako sa kanilang lahat."Wag kayo ng mag-alala.Lahat kayo bibigyan ko. May naiinggit kasi kaya takamin nyo" ngiting-ngiting sabi ko.
Agad silang natigilan pero agad din na mga ngumiti.
"Mga patay gutom talaga"dinig kong parinig ng mga babae sa Section A.
"Atleast binibigyan"nakangiti kong sabi.
Nang-aasar.Nakita ko kung paano bumalandra ang inis sa mga taga Section A na babae.Lalo na yung katapat ni Ethan na babae na kaharap ko.Sobrang sama ng tingin sakin.Kulang nalang mawala yung itim sa mata."Gusto mo?Bili ka"dagdag ko pa.
Nagtawanan naman ang mga hunghang maliban kay Spade at Lucas at sakin.
"Atleast sila nakakalibre at hindi na gagastos,diba?"tanong ko sa mga hunghang agad naman silang nagtanguan.
Biglang dumating si Sir Brandon at pumunta sa Section A."How's your trip, Section A"nakangiti nitong tanong.
"It's so boring don,Sir"sagot nung isa.
Kengena.
"I'm so tired don"
"And sobrang nakakapagod"
Kengenang eyan...
Yung babaeng pinaka maganda naman ang nagsalita."Hindi namin alam na may bago pala kayong estudyante"maangas na sabi nito habang hindi inaalis ang paningin sa akin.
Binalingan naman ako ng tingin ni Sir bago ngumiti."Yes,last week pa sya"
Ngumisi ito."Magaling ba?Matalino?O baka daldal at landi lang ang alam?" Nakangisi nitong tanong sakin.Biglang nagbago ang atmosphere sa paligid, lahat ng mga mata ay nasa amin ang paningin.
"Actually,Amelia.Magaling sya at sya ang nangunguna sa klase ko.Balak namin na sya ang gawing representative ng school sa darating na quiz bee.At ang totoo nyan ay"binitin nya ang sasabihin."Mas matalino sya sayo at sa top one nyo"
Sabi ni Sir Brandon.
Agad na sumama ang timpla nung Amelia daw.
"Mas matalino?O baka naman pinagtatakpan mo lang yang estudyante mo?" Inis na sabi nito.Walang galang.
Umiling si Sir."Nagsasabi ako ng totoo. Kahit tanungin mo pa ang ibang adviser na nagtuturo sa kanila"
"Sir,baka naiinggit lang"sabi ko na ikinalingon nila sa akin.
*BLAGGGG
Napatingin ang lahat kay Amelia ng malakas nyang ibagsak ang parehong kamay sa lamesa nila.Masamang tingin ang pinukol nya sakin.
"You b***h!"sigaw nito.
Umismid ako bago ngumisi."You witch likewise"sabi ko habang nakangisi.
Agad nyang dinampot ang basong babasagin at akmang ibaba sakin yon ng magsalita ako."Subukan mong ibato sa akin yan at itong bangkong kinauupuan ko ang babalik sayo"sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko sa kanya.
Pabagsak nyang ibinaba ang baso at masama parin ang tingin nya ng maupo.
Takot naman pala...
Napabuntong hininga ako at tumingin sa cellphone ko."Ayoko ng away pero sinisimulan nya ako"mahinang sabi ko sa sarili ko.
"Okay lang yan,Zaina.You did great" napatingin ako kay Lucas ng magsalita sya.Ngumiti sya sakin.
"Nakakainis"sabi ko.
"Bakit mo nga ba sinagot ng ganyan si Amelia?"tanong ni Ziggy.Bumalik ang tingin nila sa akin.
Ngumuso ako."Hindi ko nagustuhan ang sinabi nila sa inyo kaya nainis ako" sabi ko bago balingan ng tingin ang grupo nila Amelia.
Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya ng makita ko na nakatingin sya sakin.Sinama an nya ako ng tingin kaya naman kinindatan nya ko sya.
Padabog syang tumayo dahilan para mapatingin sa kanya ang mga nasa cafeteria.
"Nakakainis!"inis na sabi nya at bumaling sakin."You!"tinuro nya ako."Hindi pa tayo tapos!"sabi nya.
Ngumiti ako sa kanya."Sige lang.Hintayin kita.Babye"sabi ko at saglit na kumaway sa kanya.
Tumigil sa paglalakad yung tatlong nyang alipores at tumingin ng masama sa akin.
"Ahas!Higad!Malandi!"sabi nung isa. Sumangayon naman yung dalawa.
"Garapata ka naman"nakangiti kong sabi.
"What!?"maarte nitong sabi.
"Kung ako ahas at higad.Kayo naman garaparang inalis sa asong ginalis."sabi ko bago silang nginitian ng nakakaasar.
Isa-isa nila akong inirapan bago magwalk out.Nagtawanan naman ang Section G.
"Kadiri naman yung ginalis"
"Pati garapata"
"Ang galing ni Zaina haha"
"Tapang ah!Di naman ipinaglaban!"
Agad akong napanguso sa mga sinabi nila.
"Pero,Zaina.Hindi kaya balikan ka ng grupo nila Amelia?Dahil sa ginawa mo sa kanila"sabi ni Dencio dahilan para manahimik sila.
"At isa pa.Hawak nila ang lahat ng Section sa Fourth Year High maliban lang sa atin"sabi naman ni Franco.
"Panigurado na pababalikan ka ni Amelia sa mga bataan nya"sabi naman ni Niko.
"Lalo na at hindi kapa nagagantihan ng Section F sa ginawa mong pambubugbog sa kanila"sabi naman ni Liam.
"Yaan nyo na yun.Papansin lang yun sila kaya ganon"sabi ko.
___
Nakadukdok ako ngayon sa arm rest ko at walang imik na nakapikit.Gusto ko kasing mapaginipan uli yung napaginipan ko kanina.Kinikilig ako sa panaginip ko kanina.
Hinalikan daw ako ni Yuri.Bwahahahaha!
Kaso nga lang sinira ng batang hunghang ang panaginip ko dahil ginising nya ako sa kalagitnaan ng panaginip ko.
Magsusuntukan sana sila Kiefer ay Yuri dahil sakin.
Kaso nga lang ang batang hunghang ay ginising ako.Bwisit!
"Zaina kasi....."sabi nya habang niyuyug yog ako.Nananatili parin akong nakaduk dok sa arm rest at hindi sya pinapansin.
"Zaina..."pangungulit nya."Laro na kasi tayo"pangungulit nya pa.
Ang dami-dami nyang pwedeng kulitin tapos ako pa ang napili nya.Kung kelan ang ganda-ganda ng panaginip ko tsaka pa sya eepal.
Mariin akong napapikit ng sundutin nya ang tagiliran ko."I'm poor you"
Wengya!
Kalma,bata yan.
Malakas akong napabuntong hininga bago iangat ang ulo ko at bored na tumingin sa kanya.
"Bakit ba kasi?"inis kong tanong. Ngumuso sya ay pinagdikit ang magkabila
ng dulo ng hintuturo.
"Laro tayo...."nagpapaawang sabi nya.
"Ayoko"sabi ko.Dudukdok uli sana ako ng pigilan nya ako.
"Mag vlog nalang tayo"
"Asan camera mo?"pinakita nya sakin yung cellphone nya habang sobrang laki ng ngiti."Ayoko parin"dudukdok pa sana uli ako ng magsalita sya.
"Sabi mo sasamahan mo akong mag vlog
?"
Sinabi ko ba yon?
"Oo na.Oo na.Tangena"sabi ko bago tumayo.Para namang nabuhayan ng dugo ang hunghang."May ringlight ka bang dala?"tanong ko.
"Wait lang"pumunta sya doon sa malaki ng aparador at binuksan nya iyon.At dahil nga malaki at madilim ang loob non ay hindi ko makita ang nasa loob non.
Nilabas nya ang isang ringlight doon.
"Ayan na"
"Ayusin mona"utos ko.Tumango lang sya bago ayusin sa unahan ang ringlight. Napatingin sa kanya ang mga hunghang.
"Anong gagawin mo dyan,Ethan?" Tanong ni Joseph.Nagsilapitan naman ang mga hunghang sa ginagawa ni Ethan.
"Magbavlog kami ni Zaina.Kaya mga panget!Alis!Sho!Shooo!"taboy nya sa mga hunghang.
Lahat sila ay napatingin sa akin.Tinaasan ko sila ng kilay."Pumayag ka?"tanong ni Leo.
"Nangako ako.."sabi ko bago lingunin si Ethan na nakangiting inaayos ang ringlight.
"HI GUYS!WELCOME TO MY VLOG!"
napatakip ako sa aking bibig dahil sa sobrang energetic ni Ethan.
But i'm proud to him....
"So for today's video ay magkakaroon tayo ng fast talk sa isa sa mga kaibigan ko"wala sa sariling napangiti ako sa sinabi ni Ethan.
Sarap sa ears....
Nasa harap sya ng ring light at nakaupo sa isang upuan na nandon sa harapan. Actually ay dalawang upuan iyon ang isa ay arm chair at ang isa naman ay swivel chair kung saan ako uupo.
Bongga.....
"So ang title ng video natin ngayon ay Fast talk with Zaina"ngiting ngiting sabi nito.
Napangiti ako.Proud ako sayo Ethan.
"Let's all welcome,Zemira Zaina" sabi nito bago pumalakpak.Naki palakpak din yung mga hunghang kaya natatawa akong lumapit kay Ethan.
"Yooooo"
"Zaina!Zaina!"
Ngumiwi lang ako sa kanila.
"So,good afternoon,Zaina"
"Good pfftt afternoon too"pigil tawang pagbati ko.
"How's your day today?"
"Unlucky today."malakas naman na tawanan ang narinig ko mula sa mga lapastangan na hunghang.
Bumusangot ako...
"Okay.Hindi kona tatanungin kung bakit malas ka sa araw na ito pero ito ang tanong ko.Handa kana ba?"
"Sa totoo nyan hindi.Feeling ko kasi hindi maganda ang mga itatanong mo dahil kinakabahan ako sa totoo lang"
Ngumisi lang sya sakin ng nakakaloko kaya nakumpirma ko na hindi nga maganda ang mga tanong nya.
"This is my first question.3 inches o higit pa?"tanong nya dahilan para maghiyawan ang mga hunghang. Napapikit naman ako.
Puta!Anong klaseng tanong yan!?
"Bwahahahahahahaha!"
"7 inches!"
"11 inches!"
"Sagad hanggang buto!"
"Puta!Hahahaha!"
Anong---!
Nilingon ko si Ethan pero nakangisi lang sya sa akin.
"Hindi ko kayang sagutin yan.Sensitive ako sa tanong na yan"sabi ko. Nagmamakaawa ang tinig ko.
"Base sa aking tanong sa mga kapwa ko lalaki ay,kapag hindi mo nasagot ang tanong ay idedare kita"
"Dare nalang"nakanguso kong sabi.Agad naman na nagreklamo ang mga hunghang.
"Gara naman ni Zaina aba!"
"Ah!Ah!Zaina naman!"
"Dapat kasi Twelve inches nalang ang sinabi mo para mahirinan ka"agad na nagtawana
n ang mga hunghang sa sinabi ng kung sinong demonyo iyon.
Agad ko silang sinamaan ng tingin pero nagtawanan lang ang mga hunghang.
Pinagtiripan nila ako...
Bumaling ako kay Ethan habang naka nguso.
"Ano bang dare mo?"
Ngumisi sya ng nakakaloko sa akin habang taas baba ang kilay nito. Napalunok ako.
Hindi maganda hinala ko sa dare nya!
"Twerkan mo kami"biglang nanlaki ang mata ko.
"ANO!"