23

1818 Words
Zemira's POV "Tara na"nakangiti kong sabi sa kanila ng makabalik ako galing comport room. Ngumiti naman sakin si Ethan bago iangkla ang braso sa braso ko at pinagsiklop ang kamay naming dalawa na ikinataka ko. Taka ko silang lahat na tinignan at lahat sila ay nakangiti sa akin,kahit si Jacob na laging galit sakin ay nakangiti pero halatang pilit.Mukha syang natatae sa itsura nya.Sa lahat ay si Spade lang ang seryoso at diretso lang ang tingin sakin. Problema nanaman nito? "Anong meron?"takang tanong ko sa kanila pero walang sumagot sa kanila kahit isa.Niyugyog naman ni Ethan ang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Tara na"pag-anyaya nya sakin.Tumango ako at ngumiti.Bago ako humarap sa harapan ay nilingon ko yung iba.Kunot noo akong nakatingin sa kanila pero nakangiti. "Weird nyo"nakangiti kong sabi habang naiiling at humarap na sa unahan at nagsimula na kaming maglakad.Nasa likudan lamang ang lahat habang kaming dalawa ni Ethan ay nauuna."Anong meron sa kanila?Bakit ang weird nila ngayon?"mahinang tanong ko sa kanya. Nilingon ko nya ako at ngumiti sakin bago umiling.Napanguso ako."Ang daya" tinawanan lang nya ako habang naiiling. Napangiti ako. NANG MAKAPASOK kami sa arcade room ay agad na nawala sa paningin ko ang batang hung hang na iyon samantalang ay hawak ko sya kanina.Flash? Ganon din ang nangyari sa ibang mga hunghang,sa isang pitik may kanya kanya na silang ginagawa.Sila Henry ay nambababae.Tinitira nila yung mga kapatid nung mga bata na naglalaro.Sila Bencio naman ay may kausap na babae at nakita ko ang palitan nila ng cellphone, napangisi ako. Alam na this. Sila Julien naman at ang iba pa ay may mga kaakbay na,na mga babae.San naman nila nakuha yang mga babae?Kanina ay wala naman ah! .Bigla akong napangiti. Cutie. Nakita ko si Ethan na may kausap na na babae sa sulok,hindi lang isa kundi lima.Napabungisngis ako dahil ngiting ngiti sya habang kausap yung mga babae, yung mga babae naman ay kilig na kilig. Sumbong kita kay Mingyu! Nakita ko naman na tumingin sakin yung si Ethan at ngiting ngiting tumaas baba yung kilay sakin bago ako kindatan, napailing ako.Napansin ko rin na naka tingin narin pala sa akin yung mga kabet ni Ethan. Akala ko ba ay maglalaro itong hunghang nato?Bakit parang nambababae lang sila? Hindi ko nalang iyon pinansin.Halos lahat sila ay may kausap na babae.Iginala ko ang paningin ko at iilang nalang kaming nakatayo sa isang tabi.Hindi nakawala sa akin ang babaeng kausap ni Liam.Nang madako ang tingin nya sa akin ay pinanliitan ko sya ng mata. "Sumbong kita kay Marie"sabi ko ng walang lumalabas na boses sa bibig.Bigla nalang syang nataranta at agad na nakipag kamay sa babae at pinaalis na nya.Lumapit sya sakin."Sumbong kita e"sabi ko ng makalapit sya sakin. "May sinabi lang ako doon sa babae"ani nito bago kamutin ang batok.Kunot noo ko syang nilingon habang nanliliit ang mata. "May sinabi pero nakipag kamay?Ano yon,mangangampanya ka?" Nginiwian nya ako bago kamutin ang kilay."Basta may sinabi lang ako,at hinding hindi ko ipagpapalit si Marie sa kahit na sinong babae"ngiting ngiting sabi ni Liam bago ako kindatan. "Sus!Narinig ko na yang salitang yan" "Ang alin?" "Yung 'Hindi kita/ko sya ipagpapalit sa ibang babae' tapos malalaman mo iniwa -n ka para sa ibang babae" "Wow!Tunog nasaktan ah,nangyari na ba sayo yan?"tanong ni Liam.Nilingon ko sya. "Oo"sabi ko bago iiwas ang tingin at tinapunan ng tingin si Ethan dahil may bago nanaman itong kausap na mga babae.Lakas mang hakot ng babae!Hanep! Nagulat ako ng malakas nya akong banggain sa tagiliran dahilan para mapaisod ako.Taka ko naman syang tinignan.Problema nanaman nito? "Liam!"umalingawngaw sa buong arcade room ang tatlong sabay sabay na boses. Sabay kaming napalingon ni Liam sa likudan namin at nakita namin si Spade, Lucas at Rocky na nakasandal sa glass wall habang naka crossed arms at seryosong nakatingin samin yung tatlo. Napakamot naman ng ulo si Liam."Sorry" sabi nya dahilan para lingunin ko sya at ngitian. "Okay lang"nakangiti kong sabi bago muling lingunin yung tatlo. Una kong tinignan si Lucas na seryoso lang ,sunod naman na nabaling yung paningin ko kay Spade sa seryoso lang din at huling nabaling ang paningin ko kay Rocky na parang matatae na ewan yung mukha. Natakpan ko nalang yung kamay ko ng isa kong kamay para magpigil ng tawa.Taas baba yung balikat ko habang naiiling ako. "Anong nangyari sayo?Okay ka lang" tanong ni Liam ng mapansin ako. Tumingin ako sa kanya at tumango tango habang nagpipigil ng tawa. Nang lingunin ko uli si Rocky naiiling na itong nakangiti habang nakatingin sa akin. Nilingon ko naman si Spade na takang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.Huli kong tinignan si Lucas na tipid lang na nakangiti sa akin. Napatingin ako sa pagitan ng ulo nina Rocky at Spade.Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa nakikita ko ngayon.Bagay kay Spade! Napahawak nalang ako ng bibig ko para magpigil ng tawa sa nakikita ko.Sa pagitan kasi ng ulo nina Spade at Rocky ay may nakadikit na sticker ng 'Angry Birds' at ang nakakatawa pa doon ay salubong ang makapal na kilay nung lalaking kulay pulang ibon.As in katapat ng mukha ni Spade yung sticker. Napatingin ako sa mukha ni Spade, napa ngiti nalang ako ng makitang salubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin. Napailing ako habang nagpipigil ng tawa. Kulang nalang ay may nakausling buhok sa ulo ni Spade para gayang-gaya. "Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan?Siguro nagwewet dreams ka kasama ako"bigla nalang akong napabusangot sa sinabi ni Spade. "Kahit kelan hindi ako nag wet dreams" Sabi ko sa kanya bago sya irapan. Pinan liitan nya ako ng mata. "Paliwanag mo nga sakin,bakit ka naka ngiti habang nakatingin sakin?"nakataas ang kilay na tanong nito.Nagmamayabang. "Tignan mo yung glass wall na nasa pagitan nyo ni Rocky"sabi ko bago ituro yung sticker.Agad na nangunot ang noo nya."Tignan mo"sabi ko sa kanya ng hindi nya pa tinitignan yung sticker."Sinong hindi mangingiti dyan,parehas na parehas kayo ng mukha,kulang nalang ay yung nakausling buhok sa ulo mo"kunot noo nyang tinignan iyon. "Pfftt!"nilingon mo si Liam na katabi ko lang.Nakahawak sya sa bibig nya habang tumataas baba ang balikat habang naka tingin kay Spade na kunot noo paring nakatingin sa version nyang angry birds. Kahit sila Lucas ay namumula narin ang mukha habang tumataas baba ang balikat at halatang nagpipigil ng tawa. Kumuha ako ng sanrio sa bulsa ng pantalon ko at naglakad papalapit kay Spade.Kinalabit ko sya sa balikat dahilan para salubong ang kanyang kilay na lingunin ako. "What?"masungit na tanong nito. Hindi ako nagsalita at hinila ang braso nya palapit sa akin.Kunot noo naman syang nakatingin sa akin habang ganon din ang iba...Hindi ko nga napansin na nakalapit na sila Sebastian samin e,basta nalang sila sumulpot kung saan lupalop. Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at pinihit sya patalikod,hindi naman sya pumalag o nagreklamo kaya napadali ang ginagawa ko.Nang nasa harap kona ang likudan nya ay hinawakan ko uli ang magkabilang balikat nya at ibinaba. Nilingon nya ako habang nakakunot ang noo. "What the f**k are you doing?"may halong inis ang boses nito. "Baba ka" "What?!" "Umupo ka" "And why would i?!" "Basta!Hindi naman ako magpipiggy back ride sayo"kunot noong sabi ko.Kahit ang iba ay nagtataka na sa kinikilos ko. "Psh!"inis nyang singhal pero agad din syang umupo dahilan para mapangisi ako. Good dog! "Pwede kong ipitan buhok mo?"tanong ko dito.Kunot noo nya akong nilingon pero nagpilit lang ako ng ngiti."Isang puyod lang toh,promise,hindi ko bababuyin " sabi ko at itinaas pa ang kamay na animoy nangangako. Sinamaan nya muna ako ng tingin bago bumaling sa unahan uli.Yes!Hehehe! Unang hawak ko sa pula nyang buhok ay para akong nasa ulap.Charot! Unang hawak ko palang sa buhok nya ay hindi nakaligtas sa akin ang pagpapalitan ng tingin ng ibang mga hunghang. Ano kayang iniisip ng mga hung hang nato? Ang lambot ng buhok grabe!Tinalo pa yung buhok ko!Tas ang bango pa!Eduwew! Inipon kona lahat ng mga pula at mahahaba nyang buhok sa gitna at tsaka iyon pinuyod. Nang tapos kona syang ipitan ay pinatayo kona sya,hinawakan ko ang braso nya at hinila papunta sa glass wall na sinasan dalan nya kanina.Isinandal ko sya doon bago sya iwanan. "Perfect!"nakangiti kong sabi sabay palak pak ng tatlo.Nagbungisngisan naman yung ibang hung hang.Natigil ako ng may maalala."Ay,teka sandali may kulang" sabi ko.Lumapit uli ako kay Spade at hinawakan ang dalawa nyang kilay para pagsalubungin ang kilay nya."Yan!Perfect na!"ngiting ngiting sabi ko. "Ang cute mo dyan,Spade" "Spade Smith the real life red angry bird" "Hihihihihihihi" "What the f**k are you saying?!"inis na tanong ni Spade sa kanila pero imbis na matakot ay pinagtawanan nila sa Spade na lalong ikinakunot ng noo nito. "Hihihihihihihihihihi" "Sige,Spade...Magalit ka pa" Nakahawak ako sa tyan ko habang tuma tawa ng walang tunog dahilan para samaan ako ng tingin ni Spade. "What the hell did you do to me?!"galit na tanong sakin nito pero imbis na matakot ako sa kanya ay nginitian ko ito. "Anong ginawa ko?Ginawa ko lang naman makatotohanan yung pulang ibon sa angry birds ah"nakangisi kong sabi ko.Lalo naman na nagsalubong ang makapal nitong kilay. "Zaina,yung isang sintas mo hindi nakatali"sabi ni Lucas pero nginitian ko lang ito. "Humanda ka sakin!"sigaw ni Spade sa akin,nanlaki ang mata ko sa biglaan nyang pagtakbo sa direksyon ko kaya naman bago nya ako maabutan at tumakbo na ako.Agad kong binuksan ang hinila ang glass door at dali daling tumakbo palabas. Mabuti nalang at may pagka mabilis ako kumilos. "Patay ka saking babae ka pag naabutan kita!"dinig kong malakas na sigaw ni Spade ng makalabas sya ng arcade room. Napatigil sa paglalakad ang ibang taong malalapit sa kanya at takang tumingin sa kanya. Taena!Akala ko hanggang pinto lang nya ako hahabulin! Hinihingal ko syang nilingon at medyo malapit sya sakin masama at kunot noo syang nakatingin sakin kaya naman nginitian ko sya ng malaki.Inaasar. Lumampas ang tingin ko kay Spade at nakita ko si Ethan na tumatakbo rin. Ngumiti sya sakin at kumaway.Nginitian ko sya at kinawayan. "Waaahhhh!"sigaw ko ng maapakan ko ang sintas ng sapatos ko na hindi ko naisintas kanina.Bigla nalang akong nawalan ng balance kaya naman napapikit ako. May isang braso ang pumulupot sa bewang ko at pinigilan ang akmang pagkadapa ko.Napadilat ako ng mata, unang samubong sakin ang makintab at puting-puting tile. May bigla nalang humawak sa kamay ko at marahan akong inalalayan.Nang makatayo na ako ng maayos ay agad kong nakita ang gwapo nitong pagmumukha. Matangkad ito at sa tingin ko ay mga kasing height nya si Spade the angry birds. "Okay ka lang ba,Miss?"tanong nito sakin "Oo,salamat"sabi ko dito.Ngumiti naman ito sakin at inilahad ang kamay. "I'm Arthur Sy"nakangiti nitong pakilala. Iaabot kona sana ang kamay ko ng may kamay na umabot non.Napatingin ako sa taong yon at sumalubong sakin ang seryosong mukha ni Spade habang nakakunot ang noo ka nakatingin kay Arthur. Napatingin ako sa kulay pula nyang buhok ,agad akong napakagat sa ibabang labi ko para magpigil ng tawa dahil hanggang ngayon kasi ay nakatayo parin yung buhok nya dahil sa pagkakapuyod ko. Cute.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD