Zemira's POV
"Zemi!Wag kang magsalita ng ganyan" ang boses nya ay muling bumalik sa dati.
Seryoso at kalmado pero mapanganib.
"Sige nga,explain mo sakin yon!" bumuntong hininga sya bago lumamlam ang tingin sakin.
"She's Avril San Pedro--"
"Alam ko na yang San Pe San Pedro na yan"
"She's my girlfriend for eleven months"
Bigla akong napatingin sa kanya.Eleven months?Bakit hindi ko alam yon?. "She's studying in Grillian University and she's third year highschool"napaawang ang bibig ko sa sinabi nya.P-puta?.
"K-kuya,grade 9?Seriously!Kelan ka pa naging pedophile?"agad naman nya akong sinamaan ng tingin pero hindi ako nagpatinag."Kuya,bente kana tapos pinatulan mo kinse?Seryoso?"hindi makapaniwalang sabi ko.Nasapo ko nalang ang noo ko."Hindi naman ganyan yung taste mo dati ah?Dati gusto mong maging girlfriend ay yung mas matanda sayo,tapos ngayon na tumatanda kana,bata na pinapatulan mo?"
"Nagbago taste ko e,anong magagawa mo?"salubong ang kilay na sabi nito. "Aw"reklamo nya ng pinitik ko ang noo nya.
"Kelan kapa nakauwi?"agad syang nag iwas ng tingin at hindi sumagot."Kelan pa--"Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng higitin nya ako at yakapin.
"Sorry"he whisper.Naramdam ko naman na hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko. Tiningala ko sya.
"Kelan pa?"hinalikan nya ang noo ko bago mag-iwas ng tingin.
"Dalawang linggo na"bigla nalang nangilid ang luha ko.
D-dalawang linggo na?.
Isinubsob nya ako sa dibdib nya at paulit ulit na humihingi ng sorry sakin.
"Sorry--"pinutol ko ang sasabihin nya ng humiwalay ako sa kanya.
"San ka dumiretso ng uwi?"
"K-kila Avril"sagot nya bago nag-iwas ng tingin.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?....Halos araw-araw akong tumatawag sayo ah"
"Sa tuwing tatawag ka,pinapatay ni Avril yung tawag....Akala nya kabit ko..Sa tuwing sinasabi ko na ikaw yung natawag,hindi sya naniniwala....Sorry yeodosaeng"Napailing nalang ako bago sya talikudan.Hindi pa ako nakakalimang hakbang ng hawakan nya ang kamay ko.
Binawi ko ang kamay ko at nilingon sya. Bahagya pa syang nagulat ng makita nyang nangingilid ang aking luha.
"Mianhaeyo yeodosaeng"
"....M-mas inuna mo ang g-girlfriend mo kesa sa k-kapatid mo na sobrang nag-aal-
ala sayo..."sabi ko bago sya talikudan. Narinig ko pa na tinawag nya ang pangalan ko pero hindi nya ako nilingon.
Nakita ko sa peripheral vision ko si San Pedro na nakatayo sa hindi kalayuan malapit sa may mcdo.Malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa akin.
Kunin ka sana ni San Pedro,hinayupak ka!
Agad akong huminga ng malalim at sa isang iglap lang ay parang tutulo na ang luha ko kaya ang ginawa ko ay pinalobo ko ang aking bibig habang papalapit doon sa dalawa na kunot noong nakatingin sa akin kaya naman nginitian ko sila ng pilit.
Tsaka ko lang napansin sa likod nung dala-
wa ay nandon na sila Spade at yung iba pa
,kunot na kunot ang noo nya habang nakatingin sa akin at ang dalawa nitong kamay ay nasa bulsa ng khaki shorts nya.Nginitian ko lang sya ng pilit bago iiwas ang tingin.
"Tara na"nakangiti kong pilit na aya ko sa kanila.Pero kahit isa sa kanila ay wala ay walang umimik.Kinalabit ako ni Ethan kaya napatingin ako sa kanya.
"Okay ka lang?Gusto mo uwi muna tayo tapos sa next saturday nalang tayo gala"
Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit?"
"Mukha ka kasing iiyak and you looked tired"pinalobo ko ang bibig ko habang nakatago ang pang-itaas kong labi dahil natatakpan ito ng pang-ibaba kong labi.
Ngintian ko sya ng pilit bago guluhin ang buhok nito na ikinabusangot nito."Alam mo Ethan,ang pangako ko ay pangako ko.Hindi ko pwedeng hindi tuparin ang pangako ko lalo na sayo"sabi ko bago saglit na pindutin ang ilong nito."Kahit gaano pa kadami ang gagawin ko,basta para sayo isasantabi ko ang lahat ng iyon"nagningning ang mata nito at parang maiiyak na.Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.
"Solomot!"ngiting ngiti nitong sabi ng humiwalay sya sa pagkakayakap sakin. Nginitian ko lang sya at nag thumbs up.
"E,Zaina,pwede bang mangako ka rin saamin?"napatingin ako kay Niko ng sabihin nya iyon.Nginitian ko sya.
"Sige,ano ba yon?Basta yung kaya ko lang ah"nakangiti kong sabi.Sinulayapan muna nya si Spade dahilan para mapatingin ako kay Spade na seryosong nakatingin sa akin.Ano nanamang problema ng palito na ito? .Bumaling uli ako kay Niko."Ano ba yon?"nakangiti kong tanong.
Bumuntong hininga sya bago magsalita. "Ppwede bang maging masaya ka,kahit ngayong araw lang?"seryosong ani nito na nakapag pawala ng ngiti ko.Natahimik ako lang ilang segundo bago ngumiti sa kanya.
"Masaya naman ako ah"nakangiti kong sabi at muli nanamang nangilid ang luha ko kaya naman pagkatapos kong ngumiti ay pinalobo kong muli ang bibig ko.
Seryoso lang silang lahat na nakatingin sa akin kaya naman hindi ko na natagalan ang paraan ng pagtitig nila kaya naman nagsalita ako.
"Cr lang ako,guys"nakangiti kong paalam
bago tumalikod sa kanila,pero bago ako tumalikod kanina ay nalaglag ang isang butil ng aking luha mula sa kanang mata ko.Nasisiguro ko naman na hindi nila napansin yon dahil mabilis iyong nalaglag.
Walang sabi sabi ay naglakad ako palayo sa kanila....
I can't be happy......I'm sorry if i can't approve your request,Niko......I'm sorry.
___
Ethan's POV
"Sino kaya yung kausap ni Zaina?" tanong ko kay David habang nakatanaw kay Zaina at doon sa gwapong lalaki na kausap nya.Hindi sa nababakla ako pero totoo ang sinabi ko na gwapo yung kausap ni Zaina.
"I think it's her boyfriend"sagot ni David ng hindi ako nililingon.Nilingon ko sya at seryoso lang syang nakatingin kay Zaina at doon sa lalaki.
"Gusto mo ba si Zaina?"tanong ko dito na agad nyang ikinalingon.Kunot noo syang nakatingin sa akin.
"What the---of course not..I have a girlfriend,remember?"sabi nya. Napa tango naman ako.
Oo nga pala,may girlfriend nga pala si David.
"E diba kahit may girlfriend ang isang tao kung naattrack ka sa iba magkaka gusto ka....Kahit may jowa ka"
"What do you mean?"kunot noong tanong nya bago ako mabilis na nilingon at binalik kaagad kila Zaina ang tingin.
"Ang ibig kong sabihin ay pwede kang main lab kay Zaina kahit may girlfriend ka"
"Whatever"tanging sagot ni David.
"I thought,Zaina is single"sabay kaming napatingin ni David sa likudan ng marinig namin ang boses ni Spade.Seryoso lang syang nakatingin kila Zaina at ganon din ang iba.
"E di ba sabi nya wala daw syang jowa,sinabi nya nga iyon nung hinabol sya nung lalaking nakatakas sa mental hospital"Natatawang sabi ni Ziggy.
"Sabi ko pa nga 'Ay single'"singit ko sa kanilang usapan.Saglit silang napatingin sa akin bago muling ibalik kay Zaina ang paningin.
Napansin ko na yung babaeng kausap nung lalaki na gwapo kanina bago si Zaina ay nakatayo sa hindi kalayuan at nakangising pinapanood sila Zaina.
A/N:Girlfriend ni Zain Zaivy Everleigh.
Agad ko naman iyong sinabi kila Spade.
"Spade"napatingin silang lahat sakin maliban lang kay Spade na nakatingin parin kila Zaina."Ayun yung babaeng kasama nung lalaki bago dumating si Zaina,sa tingin ko rin ay iyon yung girlfriend nung lalaking kasama ni Zaina"Napatingin naman si Spade sakin. "Ayun oh"inginuso ko naman yung babae na nakatayo sa hindi kalayuan habang nakangisi na pinapanood sila Zaina at yung kausap nyang lalaki.
Agad naman nila iyong nilingon.Nangunot ang noo ni Spade ng makita yung babae na
nakatingin kila Zaina bago ibalik ang tingin kila Zaina.
"Parang kilala ko yung babaeng yun" kunot noong sabi ni Julien,nakakunot ang noo nya habang nakatingin doon sa babae. Bigla nalang syang pumitik sa hangin dahilan para mapatingin sa kanya sila David at ako."Alam ko na!Sya yung third year high school na may gusto kay Spade.Pumupunta pa nga sya dito sa atin kahit na taga Grillian University sya e"napalingon sa kanya si Spade habang nakakunot ang noo.
"Ah!Oo!Sya nga,sya yung babaeng nag-aantay sa labas ng campus para sumulyap kay Spade tapos nagpapadala pa sya ng chocolate,bulaklak at sulat hahaha!"tawa ni Bencio.Mahina pa itong pumalakpak."Buhay pa pala yan, HAHAHA!Akala ko kinuha na yan ni San Pedro dahil isang linggo na yang walang paramdam HAHAHA"Tawa pa ni Bencio dahilan para mapatawa kami.Siraulo!
"Ano ngang pangalan nyan ah?"tanong n-aman ni Joseph habang nakatingin sa taas at hawak pa ang baba.
"Avril San Pedro,i guess"sagot naman ni Lucas.Napapalakpak naman kami dahil sa memorya nito.
"Diba play girl yan?"napatingin kami kay Jacob ng magsalita sya."Bali-balita sa campus nila play girl daw yan...Marami narin daw ang nakagalaw dyan"sabi ni Jacob.
"At isa kana don?"nakangisi kong tanong dahilan para samaan nya ako ng tingin. Aambahan nya dapat ako ng kaltok ng magsalita ako."Sige,subukan mo, sumbong kita kay Zaina"nakangisi kong sabi dahilan para matigilan sya.
"Speaking of Zaina,look"napatingin kami kay Zaina ng inginuso ni Sky ang direksyon nila.
Napahawak nalang ako sa bibig ko ng bigla nalang hilahin nung lalaki si Zaina palapit sa kanya at yakapin,hindi naman pumalag si Zaina sa pagkakayakap nung lalaki.Hinalikan nito ang tuktok ng ulo ni Zaina at nagsalita.
Ilang segundo lang ay tiningala ni Zaina yung lalaki at nagsalita.Hinalikan muna nito ang noo ni Zaina bago magsalita at mag-iwas ng tingin.Agad na humiwalay si Zaina sa pagkakayakap mula doon sa laki at nagsalita yung lalaki na para bang nagpapaliwanag ito.Hindi na naman nagsalita si Zaina pero tinalikudan na nya ito.Ilang hakbang ang palang ang nagagawa niyon ng hawakan nung lalaki yung kamay ni Zaina na nakapag patigil kay Zaina.
Nagsalita uli ito bago ito lingunin ni Zaina.
Nang lingunin ito ni Zaina at may halong gulat ang ekspresyon ng mukha nito. Nagsalita si Zaina at agad na naglakad papalapit sa amin.
Kitang-kita ko ang pagkinang ng dalawang mata nito,pinalobo nya rin ang bibig nito ng maalala ko ang sinabi ni Sir Brandon.
Oh di kaya pinapalobo nya ang kanyang bibig kapag gusto o pinipigilan nya ang pag-iyak nya....
Bakit kaya pinipigilan nya ang pag-iyak?
Agad syang ngumiti sa amin ng makalapit sa amin.
"Tara na"nakangiti nyang aya sa amin pero halatang pilit lang naman iyon.Nang walang sumagot sa amin ay kinalabit ko sya dahilan para mapatingin sya sakin.
Napatingin sya sakin."Okay ka lang?Gusto mo sa next saturday nalang tayo gumala"nangunot ang noo nya.
"Bakit?"
"Mukha ka kasing iiyak and you looked tired"pinalobo nya ang bibig nya.
Nginitian nya ako ng pilit bago guluhin ang buhok ko na ikinabusangot ko."Alam mo,Ethan ang pangako ko ay pangako ko.Hindi ko pwedeng hindi tuparin ang pangako ko lalo na sayo"sabi nya bago pindutin ang ilong ko."Kahit pa gaano kadami ang gagawin ko,basta para sayo,isasantanbi ko"agad na nangilid ang luha ko ng dahil sa sinabi nya.
Agad ko syang niyakap at ikinagulat nya.
Salamat......Zaina!
"Solomot!"tanging sabi ko pagkahiwalay ko sa kanya.
"Zaina,pwede rin bang mangako ka sa amin?"
"Sige?Basta yung kaya ko lang,ano ba yon?"
"Pwede bang maging masaya ka,kahit ngayon lang?"seryosong ani nito.
"Masaya naman ako ah"nakangiti nyang sabi pero agad ding nangilid ang luha nito kaya agad nyang pinalobo ang bibig.Nang hindi na nya matagalan ang mga titig nila ay nagsalita muli sya."Cr lang ako,guys" paalam nito.Pero bago pa sya humarap sa likod ay may mabilis na pumatak sa kanan kong braso.Pagtingin ko ay isang patak ng tubig.Mali....
Isang patak ng luha....Luha mula sa mapan-
g akit at maganda nyang mata....
Alam kong ako lang ang nakakita non kaya naman tinignan ko silang lahat. "Umiyak sya"nakanguso kong sabi dahilan para mapatingin sila sa akin. "Umiyak si Zaina,isang patak ng luha galing sa maganda at maamo nyang mata"sabi ko sa kanila bago ipakita ang butil ng luha ni Zaina na tumulo sa braso.
Walang sabi sabi ay muli naming nilingon ang papalayong kayawan ni Zaina.....
Isang patak ng luha...Mula sa iyong mata.
Sa gandang taglay ng iyong ngiti ay iisipin mo na wala syang problema sa mundo.......
Ngunit lahat ng iyon ay tanging pagpapanggap lamang....Tanging suot-suot nya ang maskarang palagi naming nakikita na nakaukit sa kanyang mukha....
Lungkot...Lungkot ang tanging totoong tina
tago ng magandang ngiti sa kanyang labi.....