TBM#39 NAKASIMANGOT at walang ganang nakatingin lang si Heejhea sa mga kaklase niya na naglalaro ng volleyball sa may volleyball court sa pinapasukan niyang University. Araw ng P.E ngayon kaya nasa court silang lahat. Tapos na rin naman maglaro ang kanilang team kaya heto siya at nakaupo na lang sa isa sa mga bleachers dito sa loob ng volleyball court. She sigh. Panglimang araw na mula nang may mangyari sa kanila ni Jacob. And they are officially boyfriend-girlfriend now. Pero lagi naman itong nasa out of town at kahit kailan ay hindi pa siya nito nasusundo dito sa school. May importante raw itong inasikaso sa negosyo nito pero hindi naman ito nakalimot na tawagan siya ilang beses sa isang araw para paalalahan siya na kumain sa tamang oras at nangangamusta sa kanyang pag-aaral. "Ha

