TBM#38 HEEJHEA ANGELA welcomed the noise and heat that greeted them in Manila. Tapos na ang isang buwan niyang bakasyon kasama ang pamilya niya sa Tagaytay. Ang dapat dalawang araw lang sana niyang pananatili doon ay naging isang buwan dahil sa nangyaring insidente na iyon. Nang dalhin siya sa ospital ni Jacob noong araw na iyon ay kaagad siyang pinagbawalan ni Ate Chel na magtrabaho. Nakatanggap pa nga ng sermon nito sina Jacob at Chad dahil sa pagpayag ng mga ito na magtrabaho siya. Hindi pa raw fully healed ang operasyon niya sa puso kaya may tendency na aatakihin siyang muli. At signed daw iyon noong nahulog siya sa swimming pool at kahit na-revived na siya ay hirap pa rin siyang huminga. Hindi pala siya nakatulog noon sa mga bisig ni Jacob kundi nahimatay talaga siya. At mula sa

