TBM#37 BEING with her son will complete her day but being with Jacob make her day blissful. Pero mas sasaya at kompleto ang araw ni Heejhea kapag kasama niya ang dalawa, ang mag-ama niya. I love you. Parang timang at kanina pa siya nakangiti habang binabagtas niya ang hallway patungo sa may swimming pool ng resort. Tuwing sumasagi sa isip niya ang sinabi ni Jacob sa kanya kanina ay hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa kilig. Inilibot niya ang paningin. Huling punta niya rito noong elementary pa lang siya at pag-aari pa ito ng kanyang Papa Seigfreid at hindi pa ganito ka fully develop ang buong lugar. Wala pa itong huge infinity swimming pool na nakapalibot sa buong De Sandiego Hotel. At itong hotel na pa-aari ni Zach ay wala pa ito. Ang nakahelera pa lang ay maliliit na mga cotta

