TBM#36 PINILI ni Heejhea na magsuot ng simpleng bestida. Kulay red iyon na sphagetti-strapped ang tabas at hanggang kalahati ng binti ang haba. Hinayaan lang niyang nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok. Naglagay rin siya ng pulbo at kunting lip gloss para hindi naman dry tingnan ang mga labi niya. Pagkababa niya ng hagdanan ay naroon na ang lahat sa sala. Mukhang handa na ang mga ito na magliwaliw sa beach resort na pag-aari ni Jacob dito sa Tagaytay. Actually, ito iyong beach resort ng Papa Seigfried niya dati na binili ni Jacob noon. At sa sobrang kadesperaduhan nito noon na makuha ang resort ng Papa niya ay niligawan at pinakasalan siya sa utos na rin ng Papa niya. But she wasn't bitter about it anymore. Thankful pa nga siya dahil may mga anak na siya ngayon. "Let's go," na

