TBM#35 NAKANGITI si Heejhea habang pinagmamasdan niya ang nagsasayawang mga bulaklak ng kanyang Tita Rhynna sa may malawak na hardin nito. Matingkad at makukulay ang iba't ibang klase ng bulaklak ng ginang. Well, Tita Rhynna has a green thumb and she admired her for that. Siya kasi ay kahit anong gawin niyang pag-aalaga sa mga bulaklak kung siya naman ang nagtanim ay hindi pa rin mabubuhay. Kaya hanggang tanaw at pamumuri na lang siya. Well, pwede naman siyang mag-alaga pero hindi dapat siya ang magtatanim. Araw nang Sabado kaya narito siya sa bahay ng Papa Seigfreid niya at ni Tita Rhynna. Tatlong buwan na rin ang nakalipas mula nang umalis siya sa mansion ni Jacob. Sa araw ring iyon ay kaagad siyang dumiretso sa apartment ni Chad, na matagal na ring ini-offer ng kapatid niya sa kany

