TBM#33 "HEEJHEA, DID YOU HEAR, ME?" Nanghihinang tumango si Heejhea nang marinig niya ang boses ni Ate Chel. Kagigising lang niya at ngayon ay maraming doctors ang sumusuri sa kanya. Kabilang na roon ang kapatid ng lalaking mahal niya. Agad siyang natigilan sa naisip. Mahal niya? Kinapa niya ang dibdib. Bakit parang wala siyang nararamdamang pagmamahal doon? "Good that you're okay now, but you need to be careful. Kakatapos lang ng operasyon mo at hindi pa masyadong naghihilom ang sugat mo." Tumango lang siya sa mga sinasabi ni Ate Chel. Okupado pa rin ng isip niya ang nararamdaman. Bakit hindi na tumitibok ng malakas ang puso niya nang maisip niya si Jacob? Matapos masabi ng mga ito ang dos and don'ts ay nagpaalam na kaagad ang mga ito, gano'n din si Ate Chel. "Papa, Tita Rhynna, Cha

