Chapter 4

2495 Words
BUONG maghapon ay nasa bahay lang si Heejhea at nakipag-bonding lang siya sa anak niya. Gusto niyang punan ang mga pagkukulang ni Jacob sa kanilang anak. Ayaw niyang maramdaman nito na walang amang nagmamahal dito. Kagaya ko... aniya sa sarili. "Good night, baby ko." aniya sa anak at dumukwang pa para mahalikan niya ang gilid ng ulo nito bago niya ito tinabihan. Nangingiti pa siya dahil tulog na tulog na ito kahit alas siyete pa lang ng gabi. Ang dami naman kasi nilang ginawa kanina nang makaalis si Jacob papunta sa opisina nito. Naglaro lang sila nang naglaro kaya ito ngayon, bagsak. Napakurap siya nang marinig niya ang sasakyan ni Jacob. Nandito na pala ito. Pero nagtatampo pa rin siya sa lalaki kaya hindi siya lumabas ng kuwarto. Hinanda naman na niya ang hapunan nito. Bukas na lang niya huhugasan ang mga pinagkainan nito. Madaling araw nang magising si Heejhea dahil sa pag-iyak ni baby Philippe. Kakargahin na sana niya ito ng maramdaman niyang sobrang init ng buong katawan nito. "Baby, anong nangyari sa'yo? Anak..." dali-dali naman siyang kumuha ng thermometer pero hindi pa man niya nailagay ay bigla na lang tumirik ang mga mata nito at umaalog din ang buong katawan nito. "No, no... no... baby please... dadalhin kita sa ospital. God, please 'wag mong pabayaan ang anak ko." Kaba at takot ang nararamdaman niya habang tumatakbo palabas ng mansion na karga-karga ang anak. Kaagad sumalubong sa kanya ang malamig na hangin kaya nangangaligkig siya sa sobrang lamig, pero hindi niya inalintana iyon at kaagad tinawagan ang taong puwedeng makatulong sa kanya. "Hello, Chance, please tulungan mo kami..." she said, panicking. "Heejhea? Hey, what---" "Nilalagnat ang anak ko, hindi ko alam kung bakit. B-Basta ang taas ng lagnat niya." Natatarantang paliwanag niya sa lalaki. "Damn, hintayin mo ako. Let's bring him to the hospital." Sunod-sunod ang pagtango niya na para bang makikita siya nito. She was shaking to death. Natatakot siya na baka mapaano ang anak niya. Hindi niya talaga kakayanin kapag may mangyaring masama sa anak niya. Nagmamadaling lumabas siya sa gate para doon na lang hintayin ang padating ng kapatid niya. Ilang sandali lang ay may huminto ng itim na BMW sa harap niya. "Get in." utos ng kapatid sa kaniya nang buksan nito ang pinto sa may passenger seat. Natatarantang kaagad naman siyang pumasok sa loob ng sasakyan nito. Pagkarating nila ng St. Luke hospital ay kaagad silang sinalubong ng mga nurses doon na may dalang stretcher. Agad naman niyang inilapag doon ang anak niya at mabilis naman itong inasikaso ng mga nurse. "Ma'am what happen?" tanong ng isang nurse. Tutop ng dalawang kamay ang bibig na umiling-iling siya at hindi pa rin matigil ang pag-iyak niya. "P-Please, t-tulungan niyo ang anak ko," iyon lang ang tanging nasabi niya dahil sobrang sakit ng dibdib niya sa pag-iyak. "Sige, Ma'am kami na po ang bahala sa anak niyo." "Heejhea, h'wag kang mag-alala magiging okay rin si baby Philippe." Pang-aalo sa kanya ni Chad. Tinakpan niya ulit ng kanyang mga kamay ang bibig para pigilan ang pag-iyak habang pinagmamasdan ang anak niyang ipinasok ng mga nurse sa loob ng emergency room. "Natatakot ako. Paano kung---paano kung—" umiling-iling siya. Hindi niya kayang banggitin ang posibleng mangyari. Natatakot siya. "Sssh, kakayanin ng pamangkin ko, si baby Philippe pa ba? Eh, nakaligtas nga siya dati, 'di ba?" patuloy na pang-aalo sa kanya ni Chad. Napatango-tango na lang siya. Tama ito. Magpi-pitong buwan pa lang nang ipinanganak niya si Zander at kinakailangan itong ilagay sa incubator ng ilang buwan para mabuhay lang ito. At kinaya iyon ng anak niya kaya naniniwala rin siya na kakayanin din ng anak niya ngayon. Ang sakit lang isipin na bilang isang ina ay wala siyang magawa para sa anak niya. Kung pwede lang ilipat sa kanya lahat ng sakit na nararanasan ng anak niya ngayon ay ginawa na niya. Baby Philippe, please lumaban ka anak, h'wag mong iiwan si Mama. Diyos ko, 'wag naman ang anak ko. Kinuha niyo na po sa'kin si baby Jace kaya please... 'wag naman si baby Philippe. Piping pagdarasal niya. Heejhea was pacing back and forth while waiting for the doctor to come outside the emergency room. Minutes have passed at mas lalong kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa anak niya. No! God, save my son, please... Ani ng kanyang isip, nakikiusap. Sabay silang napatingin ni Chad sa may pinto ng E.R nang bumukas iyon at lumabas ang doctor na nag-aasikaso sa anak niya. "Sino ba ang mga magulang ng bata?" tanong nito at tinanggal ang suot nitong surgical mask. "Ako po ang ina niya, Doctor. K-Kumusta ang anak ko?" Nanginginig na tanong niya. "Ahm, Misis nasa critical na condition ang anak niyo. May dengue ang anak niyo at kailangan masalinan kaagad ng dugo ang bata." "Then, do it Doc. Salinan niyo kaagad ng dugo ang pamangkin ko. Handa kaming magbayad kahit magkano basta iligtas niyo lang ang baby namin." Sabi kaagad ni Chad. "Doc, ubos na po ang pundo ng blood type na AB negative, bukas pa raw darating iyong request natin." Sabi ng isang nurse na kakarating lang. "I'm sorry wala na po kaming pundong dugo para sa anak niyo." Parang bombang sumabog sa harap niya ang sinabi ng doctor. "Mrs. De Sandiego, we need the blood as soon as possible dahil hindi na kakayanin ng bata kung ipagpapabukas pa." Napasinghap siya at nanlumo sa sinabi ng doctor Diyos ko, h'wag niyo pong pababayaan ang anak ko. "Misis, kailangan po namin kayong maipa-blood test baka parehas ang dugo mo sa anak mo." Umiling siya. "H-Hindi po k-kami magkakapareha ng blood type ng anak ko," naiiyak na niyang sabi sa doctor. "Baka magkapareha sila ng dugo sa ama ng bata. Ang mabuti pa tawagan mo ang asawa mo," suhistiyon pa ng doctor. Agad siyang napatingin kay Chad. Oo nga pala si Jacob. Nakakaunawang tumango naman ito sa kanya. "S-Sige," Wala sa pag-iisip niyang sang-ayon niya sa doctor ng balingan niya ito. "Do that, Misis," anito bago tumalikod sa kanila. "Chad, please bantayan mo muna ang anak ko," pakiusap niya sa kapatid. Hindi na rin niya ito hinintay na sumagot at kaagad na niya itong iniwan at naglakad palabas ng ospital. Sigurado naman siyang hindi nito pababayaan ang anak niya habang wala siya. Kailangan niyang puntahan si Jacob. Ito na lang ang tanging pag-asa niya para mabuhay ang anak niya. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa Banco De Sandiego. Siguradong nandoon na ito dahil alas siyete ng umaga ang alis nito patungo roon at ngayon ay malapit ng mag-a-alas otso ng umaga. Pagdating niya sa building ng Banco De Sandiego ay kaagad siyang nagpunta sa may entrance pero agad din naman siyang hinarangan ng dalawang security guard na nasa entrada ng building. "Ma'am sandali po ano po bang kailangan niyo?" Magalang na tanong ng isang guard. "Kuya, kailangan kong makausap si Mr. De Sandiego." "Ah, Ma'am may appointment po ba kayo sa big boss?" tanong nito ulit. Umiling siya. "Wala po kuya pero kailangan—" "Pasensya na Ma'am, pero bawal po siyang makausap kung wala po kayong appointment sa kanya." sabi nito. Umiiyak na napaluhod siya sa harap ng dalawang guard na ikinagulat naman ng mga ito. "Ma'am---" "Please, kuya kahit ngayon lang po. Kailangan ko lang talaga siyang makausap. Kuya, please nasa hospital po ang anak ko at kailangan ko ang tulong ng boss niyo. Please..." umiiyak pa rin na pagmamakaawa niya sa dalawang guard. Wala siyang pakialam kung nagmumukha na siyang pulubi at kaawa-awa sa harapan ng mga empleyado ng Banco De Sandiego. Ang mahalaga makausap niya si Jacob. Ito na lang talaga ang pag-asa niya para mailigtas ang anak niya. "Pero Ma'am—" "Angela? Damn it, what happen?!" Kaagad nanigas ang katawan niya nang marinig niya ang malamig at maawtoridad na boses ng boss niya. Nakakunot ang noo nito at nag-iigting ang panga nito at mabilis siyang dinaluhan. "Sir Zach, please tulungan mo ako---" "What happen?" Zach asked cutting her words, at inakay siya nito patayo. Napaiyak na lang siya at napayakap dito. "Sir Zach, kailangan ko lang po talagang makausap si Jacob." Humihikbing sabi niya. Nakakunot ang noong tinititigan naman siya ng lalaki. "Then, why begging them when you're the big boss wife?" Malakas at mariin nitong sabi na ikinasinghap niya. Narinig din niya ang malalakas na singhapan ng mga taong nakarinig sa kanila. "Let's go." sabi nito at kaagad siyang inakay papasok sa loob ng building. Napangiwi siya nang yumuko sa kanya ang dalawang guard "Pansensiya na po, Ma'am---" "Next time, know the person before you block her or him." Galit na putol ni Sir Zach sa isang guard. Napayuko na lang ito pati ang kasama nito at nag-sorry ulit. "Bakit hindi mo sinabing asawa ka ng amo nila?" Kunot ang noong tanong na baling ni Sir Zach sa kanya. Umiling lang siya. Alam naman nitong hindi puwede dahil kapag ginawa niya iyon siguradong pagpipiyestahan ang asawa niya ng medya at magagalit ito sa kanya. Narinig niya itong bumuntonghininga. Hindi na siya nagsalita pa at kaagad na lang siyang sumunod dito. Nasa loob na sila ng elevator at nakita niyang pinindot nito ang numero six at zero, siguro nandoon ang opisina ni Jacob. "Now, can you tell me what happened?" Napatingin naman siya rito. "Nasa hospital si baby Philippe. Nagka-dengue kasi siya at kailangan niyang masalinan ng dugo." Napaluha na naman siya ng maalala ang kalagayan ng anak. "What? And you did not inform me?" Napayuko siya. May himig pagtatampo kasi sa boses nito. "I'm sorry." Hingi niya ng paumanhin. "Look, Angela. You can call me anytime and you know that, right?" Tumango siya. Alam naman niya iyon kaya lang hindi na siya makapag-isip ng maayos. "Ano bang type ng dugo niya at baka magka-pareha kami." Puno ng pag-aalalang sabi nito. "You don't have to beg that ass**le." Napangiwi siya sa huling salita na binanggit nito. Pero agad na nabuhayan siya ng loob dahil baka nga, at hindi naman posibleng magka-pareha ito ng blood type ng anak niya dahil kapatid ito ng asawa niya. They're twins to be exact. "Type AB negative." aniya. Kita naman niyang natigilan ito kaya kahit hindi nito sabihin ay alam na niya ang sagot. "Damn! I'm sorry, Angela." Mariin itong napapikit at marahas na bumuga ng hangin. Magsasalita pa sana ito ng bumukas na ang elevator. "Shing..." tawag naman nito sa secretary ni Jacob nang mabungaran nila itong nakaupo sa puwesto nito habang abala sa pagtatrabaho. "Good morning po, Sir Zach." Nahihiyang bati nito sa lalaki. "Where is your boss?" Walang emosyong tanong nito sa babae. Pero bago pa man ito nakapagsalita ay narinig niya ang dumadagundong na tinig ni Jacob sa buong palapag. Kalalabas lang nito sa isang pinto at may limang mga lalaking kasama pa ito. "What are you doing here, Miss Saavedra?!" Jacob asked. His face darkened and he was staring at her intently. Kinabahan siya nang tumingin ito sa katabi niya. Pasimple siyang dumistansiya kay Sir Zach. "Answer me, woman!" Jacob shouted, which made her jump a bit in nervousness. "Don't shout at her kuya! Kausapin mo siya ng maayos." Agad na angil ni Sir Zach sa kapatid. Pero tinapunan lang ito ng masamang tingin ni Jacob. Hindi niya alam kong dinaya lang ba siya ng kanyang paningin pero nakita niyang parang si Sir Zach pa ang kuya sa kanilang dalawa. Natakot naman siya nang pareho ng mainit ang ulo ng dalawa. Nakita din niya ang mga bodyguards ni Jacob na nakatayo lang sa may gilid at nakamasid lang sa kanila. Napatingin siya sa limang lalaki na nasa may gilid na ng hallway na parang nanonood lang ng isang pelikula. Kung luluhod siya sa harapan nito ngayon magmumukha talaga siyang kawawa. But who cares? Buhay ng anak niya ang nakasalalay dito. "Speak." Mababa pero may diing utos ni Jacob sa kanya. Matatalim ang abuhin nitong mga mata na nakatitig sa mukha niya. Napalunok siya sa sobrang kaba, hindi puwedeng dito niya sasabihin ang tungkol sa problema niya dahil maraming tao ang makaririnig. Kung si Sir Zach lang ang nandito siguro puwede pa, pero marami ang nandito at siguradong kakalat sa buong building ang sasabihin niya kapag nagkataon. "P-Puwede ba kitang m-makausap in p-private?" Lakas-loob na sabi niya rito kahit nanginginig ang mga labi niya. Pero napadaing siya ng sa isang iglap lang ay nakalapit na sa kaniya si Jacob at mahgpit nitong hinawakan ang kanang braso niya. Napangiwi siya, pakiramdam niya ay magkakapasa pa iyon. "You know that I am a busy person. I don't have time for your sh*t woman!" Sabi nito at itinulak pa siya dahilan para matumba siya. "Jacob, I'm warning you!" Sigaw ni Sir Zach at inalalayan siya nitong tumayo. Akmang aalis na si Jacob nang hilahin niya ang laylayan ng coat nito at lumuhod. "Damn it! Tell him, Angela." Narinig niyang utos ni Sir Zach sa kaniya. Siguro ito na lang ang tanging solusyon niya para makausap si Jacob. It's now or never. Napahagulgol na siya. "Please... Jacob iligtas mo ang anak ko... please nasa ospital siya ngayon... may dengue siya at kailangan niyang masalinan ng dugo... please Jacob, nagmamakaawa ako sayo. Promise ito na ang huling pagkikita natin... aalis na kami sa bahay at sa buhay mo... iligtas mo lang ang anak ko...please...please..." Hirap na hirap na sabi niya dahil sa sobrang pag-iyak. Nakita niya kung paano nagtagis ang mga bagang nito sa sinabi niya kaya napayuko na lang siya at nagdarasal na sana iligtas nito ang anak niya. Nawalan siya ng pag-asa ng iwinaksi nito ang kamay niyang nakahawak sa suit nito. "Saang ospital?" Walang emosyong tanong nito, makalipas ang ilang minuto. Kaagad siyang nabuhayan ng loob ng sabihin nito iyon. Matapos niyang sabihin dito kung saang ospital ay umalis kaagad ito. Tumayo siya kaagad at humabol dito sa pagsakay sa private lift nito. "Tang*na mga dude, narinig niyo iyon?" Narinig niyang sabi ng isa sa mga pinsan ng asawa niya. Alam niya kung sino ang mga pinsan nito dahil nag-research siya noong nililigawan pa lang siya noon ni Jacob. King Jacob De Sandiego is the sole owner of Banco De Sandiego. Marami rin itong investments sa mga malalaking company dito at abroad at ang pagkakaalam niya ay may share rin ito sa De Sandiego Hotel na pag-aari ni Sir Zach. He's an MBA graduate at Stanford University in California. "Oo g*go hindi kami mga bingi." "May tinatagong babae pala ang walang pusong iyon?" "Langya at may anak pa." "Hoy, Zach? Alam mo ba ang tungkol sa kanila?" Iyon ang huling narinig niya bago nagsara ang pinto ng elevator. Nakayuko lang siya habang pababa ang private elevator nito. Ayaw niya itong tingnan dahil natatakot talaga siya rito at ayaw rin niyang magsalita at baka maingayan ito, at bawiin ang sinabi nito kanina. Promise Jacob kapag maayos na ang anak ko, lalayo na kami sa'yo. Papakawalan na kita. But letting you go doesn't mean I'm giving up, rather I just had to accept that there are things that cannot be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD