Chapter 3

2340 Words
PAGKAPASOK ni Heejhea sa loob ng dining area ay nasa upuan na ang asawang si Jacob at nagbabasa ng dyaryo, na nakagawian na nito tuwing umaga. Kaagad siyang nagtungo sa may pantry at ipinagtimpla ito ng kape. Kahit na ganito lang ang papel niya sa buhay nito ay masaya pa rin siya na hindi siya nito pinapaalis ng mansion kasama ang anak nila. Puwede naman kasi nito iyong gawin at magpanggap na lang sa Papa niya na nagsasama pa rin sila. Hindi rin naman iyon malalaman ng Papa niya dahil wala naman itong pakialam kung ano na ang naging buhay niya matapos ang kasal nila ni Jacob. "May kailangan ka pa ba?" Malumanay niyang tanong sa asawa matapos ilapag ang tasa na may umuusok na kape sa harap nito. Umiling lang ito na ang paningin ay nasa dyaryo pa rin. Napatitig siya sa asawa. He's wearing a three-piece black suit and a white long sleeve for his inner shirt, from his perfect eyebrows, long eyelashes, semi-oval shape gray eyes, pointed nose, thin red lips, and to his ideal jaw. Sabi pa nga noong babaeng huling nagpunta rito, Jacob is not merely good-looking—he is breathtakingly handsome, na hindi naman niya itatanggi dahil tama naman ito. Pero ang pinakapaborito niyang titigan ay ang abuhing mga mata nito na kaya siyang dalhin sa ibang dimension kung makatitig at magpanginig sa buong pagkatao niya. Hindi na rin siya magtataka kung gabi-gabi na lang ay may babaeng magkukumahog na sumama rito sa mansyon. Kung bibigyan lang siya ng pagkakataon na magkomento sa asawa niya, sasabihin talaga niya na proud siyang maging asawa ng isang King Jacob De Sandiego, hindi dahil sa nagmula ito sa pinakamayamang angkan sa buong Asia, kung 'di proud siya rito dahil sa pagkahusay nito sa paghawak ng businesses nito, lalong-lalo na ang Banco De Sandiego. Kahit siguro tanso ay magiging ginto kapag nahawakan nito. In short ang galing talaga nito sa larangan ng negosyo. Hindi man ito perpektong asawa at ama pero wala pa ring nagbago sa nararamdaman niya para dito. Gusto nga niya na makahanap ito ng babaeng totoong magpapasaya rito at mamahalin nito. Kahit masakit pero kakayanin niya kapag dumating na iyong araw na iyon. “What?” Nagulat siya nang biglang magsalita ito nang hindi ibinaba ang binabasa nitong dyaryo. "H-Huh? Uh, w-wala." Aniya sa natatarantang boses. Nagmamadaling lumabas siya ng kusina. Natutop niya pa ang dibdib at nanghihinang napasandal sa gilid ng pintuan ng dining area. Her heart still beating rapidly fast for him. Na kahit gaano pa siya katakot dito ay hindi niya maitatangging mahal niya ito. Mahal na mahal na hindi na niya kayang magmahal pa ng iba. Handa rin niya itong palayain kapag hihilingin na nito sa kaniya ang kalayaan nito. Nang kumalma ang puso niya ay kaagad niyang binalikan anak sa sala at nakipaglaro dito hanggang sa umalis na si Jacob. Nang marinig niya ang tunog ng sasakyan nito paalis ay saka lang siya bumalik sa dining area para ayusin ang pinagkainan nito at ihanda ang kakainin nilang dalawa ng anak niya. Hindi sila sumasabay kay Jacob sa pagkain dahil magagalit lang din ito. Noong unang sumabay sila ni Philippe ay hindi nito kinain ang inihanda niya at umalis na lang ito kaagad. Nab*w*s*t yata sa pagmumukha nila at sobrang sakit iyon para sa kanya. Pero ano ba ang magagawa niya kung gano'n nito kaayaw ang presensya nilang mag-ina? Kaya mula noon ay hindi na siya sumasabay pa. Saka na lang sila kakain ng anak niya kapag nakaalis na ito. How she wished she can unloved him. Kung matuturuan lang sana ang puso. She wanted to run away from him without thinking about her son. Pero hindi niya kaya. Natatakot din siyang bumalik sa bahay ng kanyang ama at baka ayawan lang din sila nito. Matapos nilang kumain ay isinabay na niya si baby Philippe sa kanyang pagligo. Matapos niyang mabihisan ang anak ay agad din siyang nagbihis. Pagkuwan ay isinukbit niya sa kaliwang balikat ang bag na puno ng gamit ni baby Philippe. “Let’s go, baby,” nakangiting aniya at kinarga ito. Mabuti na lang at iisa lang ang subdivision ni Jacob at Chance kaya hindi na siya mahihirapan pa. Puwede lang kasing lakarin niya iyon mula rito sa mansion. Nang makarating siya sa malaking bahay ni Chance ay agad siyang nag-doorbell. Hindi naman nagtagal ay bumukas naman ang pinto at agad siyang napangiti nang si Chance ang kaagad bumungad sa kanila. Mukhang wala yata itong balak umalis dahil nakapang-bahay lang ito. Magulo pa rin ang dark copper nitong buhok na mukhang kagigising pa lang. "Kuya—fine, Chance.” Agad niyang bawi nang panlakihan siya nito ng mga mata. Chance Daire a.k.a Chad is her half-brother. Anak ito ng kanyang Papa Seigfreid sa babaeng siyang talagang mahal nito. Hindi nga lang alam ng Papa niya na may anak ito sa babaeng minahal nito. Nalaman lang niya ang tungkol dito nang araw na nanganak siya at kinailangan niyang salinan ng dugo at si Chad ang nag-donate para sa kanya. Ito rin ang taong tumulong sa kanya at nagbayad sa ospital para asikasuhin siya. Akala nga niya noon na nagkataon lang na parehas sila ng apilyedo nito. Gusto sana niya itong tawaging kuya kaya lang ayaw nito dahil hindi naman daw nalalayo ang edad nilang dalawa. She's 23 and he's 26 pero iginigiit talaga nitong hindi raw nalalayo ang edad nila kaya umuo na lang siya. Matagal na rin nitong alam na magkapatid sila sa ama. Hindi lang siya nito pwedeng lapitan dahil may misyon ito at ayaw nitong madamay siya. Pero nang manganak siya at nagkataon na naroon ito sa ospital kung saan siya at nakita nito ang kalagayan niya kaya hindi na ito nagdalawang isip na lapitan siya. Noong una, ayaw niyang maniwala pero nagpagawa ito ng DNA test nilang dalawa at nag-match nga silang dalawa bilang magkapatid. Natuwa naman siya nang malamang may kapatid pala siya at gusto siyang makilala. Oo nga't may mga kapatid naman siya sa side ng Mama niya kaya lang ayaw naman siyang ipakilala ng Mama niya sa mga ito. Gustuhin man niyang magpakilala pero hindi puwede dahil hindi alam ng mga kapatid niya na may pamilya—hindi pala pamilya dahil kahit kailan hindi matawag na pamilya ang mayroon sila noon. Jacob and Chad are friends too. Si Chad kasi ang may-ari ng agency kung saan nagtatrabaho ang mga kinuhang bodyguards ni Jacob. “Salamat, ah. Maraming salamat talaga," aniya sa kapatid, matapos nitong kuhanin sa kanya si baby Philippe. She's thankful, dahil ibinigay ito ng Diyos sa kanila ng anak niya. “Tsk. Bakit ba kasi hindi mo maiwan-iwan ang g*g*ng iyon?” tanong nito at umismid pa. Matagal na rin nitong iginigiit iyon sa kanya pero lagi lang niya itong tinatanggihan. “Chance.” she warned. Hindi maganda kung magsalita ito ng hindi kaaya-aya sa harap ng anak niya. Pero umiling lang ito bago sininyasan ang driver nito para ihatid siya sa trabaho. Niyakap muna niya ito at hinalikan muli ang anak bago sumakay sa sasakyan at nagpahatid sa hotel. Wala pang alas kuwatro sana ay dapat tapos na siya sa kanyang trabaho pero dahil maraming event ang hotel kaya mas natatagalan siya. Mayroon kasing pagkakataon na late talaga siyang uuwi lalo na kapag may maraming event ang naka-held dito sa hotel kagaya na lang ngayon. "Liz, mauuna na ako sa'yo, ha." Paalam niya sa kasamahan habang inaayos ang mga gamit sa kanyang locker. "Oh, sige, mag-iingat ka." tugon naman nito at nakangiting kumaway pa sa kanya. Pagkababa niya ng building ay kaagad siyang pumara ng taxi. Nanghihinayang man siya sa pera na ibabayad niya sa pagsakay ng taxi pero isinantabi na lang niya. Ang importante ay makauwi kaagad siya dahil magluluto pa siya ng hapunan para sa asawa niya. Kadalasan kasi kapag may oras pa ay sumasakay siya ng jeep para tipid sa pamasahe. Sobra-sobra ang pagdarasal niya na sana wala pa si Jacob sa bahay. Habang nasa biyahe ay tinawagan niya si Ante Nora na mamayang 7:00 pm pa niya masusundo ang kanyang anak. Nang huminto ang taxing sinasakyan sa harap ng gate ay kaagad siyang bumaba. Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang spare key niya sa pantaong gate. Halos masuka na siya sa sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib nang makita ang itim na Audi A8 nito sa garahe. Jacob is here. Dali-dali siyang pumasok sa loob at nakita naman niya ang asawa na madilim ang aura na nanonood ng TV. sa sala. Nakadekwatro pa itong nakaupo sa L-shaped couch na naroon. "P-Pasensya ka na Jacob, kung natagalan ako sa pag uwi." Kinakabahang sabi niya. "Ang dami kasi naming ginagawa. Sandali lang magluluto lang ako. Ano bang gusto mong kainin sa dinner?" Nagulat naman siya nang padabog itong tumayo. "H'wag na. Hihintayin ko pa ba 'yan? Napakawala mo talagang kwenta!" He said in a cold and harsh tone. "Jacob naman 'wag ka namang ganyan, may trabaho ako kaya parehas lang tayong pagod sa trabaho." aniya sa nasasaktang boses. Pero mukhang napasama pa yata ang sinabi niya dahil matatalim ang mga matang tiningnan siya nito. Bahagya pa siyang napaatras at nabaling ang kanyang mukha ng sampalin siya nito ng malakas. Pinigil niya ang sarili na h'wag maiyak sa harap nito dahil mas lalo lang itong magagalit sa kanya. "Why did I tell you to work?! Eh, g*g* ka pala, no? You will blame me for your actions! You're a piece of sh*t!" Sigaw nito bago umalis. Napatingin na lang siya nang umakyat na ito sa ikalawang palapag ng mansion. Sunud-sunod naman na tumulo ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan. Tahimik lang siyang umiiyak habang inilalapag niya ang dalang bag at dumiretso sa kusina para magluto. Kahit ayaw na nitong kumain ay kailangan pa rin niyang magluto at baka magutom ito at maisipang kumain. Mabuti na iyong handa. Pagkatapos niyang makapagluto ay umalis na muna siya para kunin ang anak niya kay Ante Nora. "Halika, Jhea, pumasok ka muna sa loob." Ani Ate Nora nang pagbuksan siya nito ng pinto. "Hindi na, Ate. Hindi rin kasi ako puwedeng magtagal," aniya at pilit pinapasigla ang boses. Kunot ang noong tinititigan siya nito. "Umiiyak ka ba?" tanong nito. "Sinaktan ka na naman ba ng walang kwenta mong asawa?" Umiling lang siya at kinuha ang anak niya sa mga bisig nito. Napabuntonghininga ito. "Hindi ko pa naranasan ang magmahal pero ganoon ba talaga iyon? Kailangan ba talagang magpaka-martyr ka roon sa taong hindi naman kayang suklian ang pagmamahal mo?" "Hindi po, Ate." Mabilis niyang sagot sa tanong nito. "But I chose to stay and be a martyr wife because of my son," she added. Bumuntonghininga lang ito. “Si Kuya Chance po?” tanong niya para ilihis doon ang usapan. “Hindi pa umuwi.” Tumango siya. Nagpasalamat siya rito ulit bago nagpaalam na uuwi na sila ni baby Philippe. MATAPOS niyang mapunasan ang ang kanyang anak ay inihehele na niya ito para makatulog na ito. Mabuti na lang ay pinakain na ito ni Nathalia kaya tuloy-tuloy na ang tulog nito. "I love you, baby ko," aniya sabay halik sa noo ng anak. "Mahal na mahal kita, Anak. Kaya gagawin ko ang lahat mahalin ka lang ng Papa mo." aniya pa at pinigilan lang ang sarili na maiyak sa harap ng anak niya. Hindi niya hahayaang magaya ang anak niya sa kanya na hindi minahal ng Papa niya. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya umalis ng mansion. She's willing to gamble kahit walang kasiguruhan, para mahalin lang ni Jacob ang anak nila. Maaga siyang nagising kinabukasan para ipagluto ang asawa ng almusal. Matapos siyang magluto ay nilinisan niya ang lahat ng kwarto dito sa mansion. Day-off niya ngayon kaya wala siyang trabaho. "Labas!" Nagulat siya at kaagad napatayo nang marinig niya ang sigaw ni Jacob. Napalabas kaagad siya sa huling silid na kanyang nililinisan. At napatakbo kaagad sa kung saan nanggaling ang sigaw ng asawa niya. Nagmamadaling nilapitan niya ang anak nang makita niya itong pagapang na lumabas mula sa office ng ama nito na umiiyak. "Baby, ssh… tahan na anak... nandito na si Mama." Aniya at hinagud-hagod niya ang likuran ng bata para tumahan na ito sa pag-iyak. Habang pinapatahan niya ang anak ay nakatingin siya ng masama sa asawa niya na ngayon ay pinupulot lahat ng nagkalat na mga papel na nasa sahig sa loob ng opisina nito. She pursed her lips to suppress her anger. Nang tumahan ang anak at nakatulog na sa mga bisig niya ay ipinasok na muna niya ito sa kanilang kwarto at ibinaba ito sa crib bago niya pinuntahan ang asawa. "I'm sorry. Pasensya ka na, hindi ko napansin na nakapasok na pala ang anak ko rito." "Pasensya, pasensya! Puro na lang ba lahat pasensya?! Mga b*w*s*t kayo sa buhay ko! Wala na kayong ibang ginawa kundi b*w*s*tin ako. Get out! I don't want your f*cking help here!" Sigaw nito sabay tabig sa kanya. Mahina siyang napadaing sa sakit nang tumama ang ulo niya sa gilid ng glass table nito. "S-Sorry u-ulit—" Napaatras siya nang muntik ng tumama sa kanyang mukha ang pintuan nang pabalibag nito iyong isinara. Napabuntonghininga na lang siya at napaisip kung bakit siya pa ang may ganitong buhay. Ano bang nagawa niyang kasalanan dati at pinaparusahan siya ng ganito? Pangarap niya lang naman ay magkaroon ng pamilya na buo. Na sana may Nanay siya na magmamahal sa kanya na hindi siya iiwan lang sa Tatay niya na wala namang pakialam sa kanya. Na hanggang ngayon hindi pa rin siya tanggap dahil siya lang naman daw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay nito. Siguro nga kapalaran na niya ang maging miserable habangbuhay. At ito, sinasaktan siya ng walang puso niyang asawa. Huminga siya ng malalim habang panay ang pahid niya sa kanyang luha at naglakad palapit sa crib ng anak. Tuluyan na siyang napaiyak nang mapagmasdan niya ang anak na natutulog. I'm sorry, Anak, kung nagkaroon ka ng ama na walang pakialam sa 'yo. Pero promise, gagawin ko ang lahat mahalin ka lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD