TUNOG ng alarm clock ang gumising kay Heejhea kinabukasan. Kahit mabigat ang pakiramdam ay bumangon pa rin siya at agad naligo. Nang mapadaan siya sa harap ng salamin at nakita niya ang sariling reflection doon, ay agad siyang napahinto at napatitig sa kanyang sarili. Namamaga ang kanyang mga mata. Sabog ang may kahabaan na niyang buhok at maputla ang kanyang mga labi. Suddenly she felt pity for herself. Three years ago, sabi ng kanyang mga kaibigan, she was a dazzling babe. Saang party ay naroon siya kasama ang mga kaibigan niya. Kahit saang bar na maisipan nilang puntahan ay pinupuntahan nila hanggang sa niyaya siya ng isa sa mga kaibigan niya na pupunta sila sa isang kakabukas pa lang na Elite bar, ang Creigh's Haven. At doon niya unang nasilayan ang kaguwapuhan ng kanyang asawa.

