Chapter 6

2559 Words

NAGISING si Heejhea nang marinig niya ang hagikhik ng anak niya. Kumunot naman ang noo niya nang maramdamang nakahiga na siya sa sofa. Sa pagkakaalala niya ay nakayukyok lang siya kanina sa kama habang nakaupo sa monobloc chair sa tabi ng hospital bed. Hawak-hawak din niya ang kamay ng anak niya. Malaki ang kuwarto na inuukupa nila. Pagdating kasi ni Jacob kaninang umaga para salinan ng dugo ang anak ay ipinalipat nito kaagad ang anak nila sa isang suite. Hindi nga niya maintindihan kung bakit ginawa iyon ni Jacob. Dahil ang mailigtas lang ang baby niya ay sapat na para sa kaniya. Kaagad siyang napabangon pero gano'n na lang ang kanyang pagkagitla nang makita niya si Jacob. Nakaupo ito sa gilid ng kama at nakikipaglaro sa anak niya. Anong ginagawa nito rito? Sa pagkakatanda niya ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD