TBM#31 MALAKAS na napahagulgol si Jacob habang yakap-yakap niya ang plastic jar kung saan nakasilid ang fetus, ang apat na buwan niyang anak na hindi man lang nasilayan ang kagandahan ng mundo. Nasa cemetery silang mag-anak para ilibing ang anak nila ni Heejhea. “Jacob,” narinig niyang tawag sa kanya ng kanyang ama. “Name your child, son.” Napalunok siya habang tinititigan niya ang anak. Then Heejhea’s beautiful face flushed in his mind, ang bilugan nitong mukha, ang malamlam nitong mga mata habang nakatitig sa kanya, ang matangos nitong ilong at ang mga biloy sa pisngi nito kapag ngumingiti ito. “Her name is Angela,” he uttered, painfully. Gusto niyang ibigay ang pangalawang pangalan ni Heejhea sa anak nila. Matapos basbasan ng pari ang libingan ng kanyang anak ay agad na kinuha

