TBM#30 "DAMN IT! CALL AN AMBULANCE FASTER!" Sigaw ni Jacob sa mga taong nandoon at nanonood lang sa kanila. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak-hawak ang asawa niya na putlang-putla at walang malay. "Hey, wife, p-please wake up!" Nanginginig ang boses na pakiusap niya. Puno na rin ng luha ang kanyang mga mata. "Jacob, what happened?" Narinig niyang tanong ni ate Chel pero hindi siya kumibo. Sapo niya ang mukha ni Heejhea na parang wala ng buhay sa sobrang putla. Damn! Alam niya ang kalagayan nito. Alam niyang may sakit ito sa puso. Nasa Davao pa lang sila ay alam na niya iyon. Pero ni minsan hindi siya nagsalita dahil natatakot siya na lumayo na naman ito sa kanya. Akala ni Heejhea, hindi niya alam ang kalagayan nito. Noong sa hospital, nang sumabat si Heejhea sa OB nito, a

