Chapter 17

2108 Words

ISANG BUWAN ulit ang nagdaan. Sa pagtagal ng panahon na magkasama sina Ema at Nicholas ay mas tumitibay ang kanilang relasyon. Masaya silang pareho at sinisigurado nilang hindi sila nagkukulang sa isa't isa. Palagi silang nagbibigay ng sapat na oras upang sila'y makapag-usap at magkapiling. Makailang ulit pang inangkin si Ema ng nobyo. Kusang loob niyang iniaalay ang sarili dito at hindi siya nito pinilit kahit kailan. Alam niyang tungkulin niya iyon bilang kasintahan nito na punan ang pangangailangan nito bilang lalaki. Kung nasa probinsiya sila ay maaaring nahusgahan na sila ng ibang tao dahil sa kanilang pagsasama at pagtatalik na hindi pa naikakasal. Ngunit iba rito sa Maynila, lalo pa't sa isang mamahalin at istriktong subdibisyon nakatira si Nicholas. Hindi uso ang mga pakialamera'

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD