DALAWANG araw hindi umuwi sa bahay ni Nicholas si Ema. Halos mabaliw na siya kakaisip ng paraan kung papaano susuyuin ang nobya. Oo, para sa kanya ay magkasintahan pa rin sila. Walang pormal na hiwalayang naganap sa pagitan nila matapos mangyari ang insidente. Ang insidente kung saan naipit siya sa isang sitwasyon na walang sapat na patunay na ginawa niya talaga. Napagbintangan siya ni Ema na pinagtaksilan niya ito dahil naabutan siya nito kasama si Heather sa kanyang silid kung saan hubad ang babae at may komprontasiyon pang naganap. Unang una niyang ginawa ay ang ipagtabuyan si Heather palabas ng bahay niya. Sumabog siya sa galit kung kaya't nawalan siya ng respeto sa pagiging babae nito. He even banned her from entering the subdivision where he lives, in his restaurants and also in

