Chapter 26

2442 Words

NAALIMPUNGATANG nagising si Ema sa nag-iingay niyang bagong cellphone. Binili niya iyon kahapon gamit ang mga naipon niyang pera mula sa mga incentives at allowances sa pagtatrabaho ng mahigit tatlong buwan sa restaurant ni Nicholas. Ang bigay kasi ng binata ay ibinalik na niya rito. Naka-block na rin ang numero ng binata sa kanya. "Hello?" inaantok na binati niya ang tumawag. Hindi niya tinignan kung sino ang caller noong sinagot iyon. "Hello, anak," bati pabalik ng kanyang ama sa kabilang linya. "O? Tay!" bulalas niya noong marinig ang boses nito. Napabalikwas pa siya nang bangon. "Kumusta na?" tanong nito. "Pinag-aalala mo kami sa ilang araw mong hindi pagtawag sa amin," dagdag nitong pahayag. Napahikab siya at napakamot sa kanyang ulo. Natigilan siya matapos maalala ang mga halik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD