TATLONG buwan ang lumipas at masaya si Ema sa takbo ng kanyang buhay. Palagi siyang nagdarasal at nagpapasalamat gabi gabi sa Panginoon. Hindi naman niya nakakalimutang isali sa mga dasal niya ang mga taong gumabay, at tumulong sa pag-unlad niya, kahit si Nicholas ay kasali dahil malaki ang naiambag nito sa kanyang malaking pagbabago. "Happy three months old, babies!" masigla at sabay sabay na bati nila — siya, si Lili, at Margot. Mayroon pa silang dalang cake, nakabilaong pansit, at baloons habang nakatunghay sila sa magkambal na anak nina Esme at Legend sa cribs ng mga ito. "Salamat, bessies," natutuwang saad ni Esme na nasa likod ng cribs. Habang ang asawa nito ay pumasok na sa trabaho. "You're welcome, bessy," tugon niya rito atsaka inilapag ang hawak niyang mga baloons sa pahabang

