NAKATAKIP ang mga mata ni Ema gamit ang blindfold. Hindi niya mapigilang maalala si Nicholas dahil palagi siya nitong tinatakpan sa mata kapag may sorpresa ito para sa kanya. Ngunit iba ngayon, hindi ang dating nobyo ang gumagawa na nito kundi ang kanyang mga kaibigan. Nakaalalay sa kanya sina Margot at Lili mula sa pag-ibis nila sa sasakyan hanggang sa paglalakad patungong destinasyon nila. Nauna sa lokasyon sina Esme at Legend na siyang may pakana nitong pasorpresa sa kanya. "Kinakabahan ako na excited," sambit niya habang nakasunod sa paghila ng kanyang mga kaibigan. "We got you, girl," tugon ni Margot sa kanya at tinapik ang hawak nitong kamay niya. Naramdaman niya ang paghinto ng mga kaibigan at ipinuwesto siya bago bitiwan ng mga ito ang kanyang magkabilang kamay. "Ready, bessy

