SOBRA ang kagalakan ni Ema dahil mayroon na ulit siyang trabaho. Sa tulong ni Esme ay naipasok siya bilang Pastry Chef sa restaurant katabi ng ospital kung saan nagtatrabaho ang matalik niyang kaibigan. Kilala ng may-ari ng Aiden Resto ang kanyang kaibigang si Esme. Nagkausap ang mga ito noong isang araw na dumalaw si Sir Aiden dito sa bahay. Napag-alaman nilang kailangan ng resto nito ng pastry chef at kaagad siyang inirepresenta ng kaibigan. Pinagkakatiwalaan ni Aiden si Esme kaya tinanggap siya nito at binigyan ng sapat na araw upang maghanda. Inamin niya kasing hindi niya gaanong alam ang pagbebake. Naging masigasig siyang matutong magbake at gumawa ng pastries sa tulong nina Esme at Margot. Tatlong araw lamang ang ginugol nila at nahasa niya ang galing sa baking. Sa ikaapat na araw

