DUMAAN ang isang buwan. Natapos ang counseling treatment ni Ema. Gumaan ang kanyang kalooban at nakokontrol na niya ang sarili mula sa pag-iisip ng mga negatibo. Muli siyang naging masigla dahil na rin sa tulong ng mag-asawang Esme at Legend na kumupkop sa kanya, pati sina Margot at Lilibeth na naging kaibigan niya. Mas lalo siyang nagulat sa pagiging galante ni Margot at wala man lang kapalit na hinihingi sa mga naitulong nito sa kanya. Namili sila dalawang linggo na ang nakakaraan ng mga bago niyang sapatos, damit, make ups, bags, at pabango. Pati underwears ay nakialam ito, halos puro mapang-akit ang pinili nito sa kanya. Nakasanayan na niya ito at unti unti siya'y na-impluwensiyahan ng positibo nitong mga pag-uugali. Tatlong linggo na rin siyang nag-aaral ng lenguwaheng Ingles at nak

