KRIMEN

1579 Words
ILANG BESES na akong nagtrabaho ng gabi sa restaurant, sa ilang beses na yun ay halos naging pamilyar na sa akin ang mga customers. At exactly 9:30 PM in the evening, a tall handsome man went inside. Napahinto ako sa pagpupunas ng lamesa, sa tindig niya, powerful presence, intimidating look… and heavy aura is undeniably captured attention. Dire-diretso siyang pumunta sa gilid, which is sitting facing the glass wall. Where the busy street and people can be seen outside, even though it is already late in the evening. Katulad ko kahit gabi ay abala ang mga tao sa pagkayod. “Faye!” mahinang tawag sa akin ng cashier. Sinulyapan ko ito at sinenyasan niya akong lumapit. I did and went to the counter, putting the dirty piece of cloth in my pocket. “Kunin mo ang order nung lalaki.” Naningkit ang mga mata ko at tinignan ang mga waiter at waitress na kasama ko. Napabaling din ako ng tingin sa mga upuan at lamesa, bakante at wala na kaming customer. Kaya bakit hindi sila gumagalaw at ako ang gustong ipakuha ng order? “Bakit? Anong meron at ayaw niyong kunin yung order nung lalaki?” takang tanong ko at pinaningkitan sila ng tingin. Nagkatinginan sila sabay-sabay ding nag-iwasan ng mga tingin. Kumunot ang nuo ko lalo. Inakbayan ako ni Jaypee tsaka pasimpling tinuro ang lalaki, na tanging likod lang naman ang nakikita ko. “Iniiwasan namin yan dito sa restaurant. Gabi-gabi yan dito.” “Bakit niyo naman iniiwasan?” Sinaway ako para hinaan ang boses, na akala mo maririnig kami sa layo naman namin sa lalaki. “Wala, mabigat ang pakiramdam namin sa kanya. Lahat kami nabibigatan sa kanya.” Tinanggal ni Jaypee ang pagkakaakbay sa akin tsaka tumabi na sa cashier namin. “Mainitin ang ulo, gabi gabi yan dito.” “Anong trabaho niya? Doktor ba? Call center…” napahagikhik sila sa sinabi ko kaya napanguso ako. “Naku, Faye! May ari yan ng sikat na factory dito sa bansa. May sarili yang brand ng mga pagkain. Basta, negosyante yan.” Napatango ako at sinulyapan muli ang lalaki. “Masipag siguro kasi kahit gabi nagtatrabaho siya,” manghang sambit ko. Napangisi sila at makahulugang nagkatinginan na tila nag-uusap ang mga mata. Kung hindi lang lumabas ang chef namin ay hindi pa sila masasaway sa pagchichismisan. “Kunin niyo ang order, Faye tara sa loob. Tulungan mo akong linisin yung kitchen!” kalampag sa amin kaya mabilis kaming nagsigalawan. Pumasok ako ng kusina pero sumilip muna ako roon sa lalaki at napangisi nung makita si Jaypee na kabadong nilalapitan ang lalaki. Natawa ako at pumasok na sa kusina. “Linisan mo yan, uuwi kana rin naman diba? Maglinis ka muna bago ka umuwi.” IN THE MORNING, I go to school to attend some classes. Sa hapon ay didiretso ako sa restaurant. If I have to do overtime just to cover all my expense and save more money I never hesitate. Lalo pa at nawawalan na sila ng pag-asa na mahanap si Siv. It’s hard to continue life without him, pero hindi ako nahirapan nung nawala siya. Pakiramdam ko nga ay kabisado ko ang buhay na ito. It was more difficult to live on the island and be caged. “Badtrip, ayan na naman siya!” narinig kong reklamo nila habang inaayos ko ang order na ise-served ko sa table ng mga babae. Napabaling ako ng tingin sa kanilang pinag-uusapan. My lips pursed when it was the same guy who went last night here. Wearing a black formal attire, with grim face, and a threatening presence. Sinulyapan ko rin ang wall clock. 9:30 PM. “Faye! Kunin mo yung order ni Sir!” utos sa akin nung akmang papasok na ako sa kusina pero pinigilan nila ako. Hindi ko alam kung bakit sila takot na takot, intimidating nga ito pero sapat na ba yun para ganyan ang maging asal nila? Lalo pa at customer siya rito. “Maghuhugas pa ako ng pinggan.” Pinakita ko ang bitbit na tray na puno ng plato. Nakasimangot ng konti dahil sa bigat ng dala ko. Napakamot ng ulo si Jaypee at walang sabi-sabing pinuntahan ang customer namin na nasa dating pwesto nito nakaupo. “Ako na naman…” narinig ko pang habol na bulong ni Jaypee. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyun at dumiretso na sa kusina. Pero sa kalagitnaan ng paguhuhugas ko ay nakarinig kami ng ingay mula sa labas. Sa pagtataka ay sumilip ako sa may pintuan para tignan kung anong kaguluhan ang nangyayari roon. I saw the group of young girls, facing the man, who looked so threatened. Mga lasing pa naman ang mga babae. “What is happening?” lumabas na rin ang manager namin. Walang nagsalita sa amin, nasa may gilid lang kami. Wala man lang lumapit para magtanong o kaya pigilan sila. “Ang sungit mo naman, pwedi ka namang tumanggi sa maayos na paraan. As if asking your number is a big crime—” Hindi natapos nung babae ang sasabihin dahil mabilis siyang nalapitan ng lalaki at sinakal. Napanganga ako at namilog ang mga mata. Sa gulat at takot ay napalabas ako ng kusina at nakiisyuso na sa kanila. Napatila na ang mga babaeng kasama nito dahil sa nnagyayari sa kaibigan. “Who the f**k are you to tell me what to do?!” madiin na sambit nung lalaki, hindi ko makita ng maayos dahil nakatalikod. Pero ramdam ko ang galit. Napamura ang manager namin at nagmamadaling lumapit, para awatin pero bumagal ang lakad naman nito nung makalapit na nga. At mukhang naghahanap pa ng timing kung kailan pweding magsalita. “Yan na nga ba ang sinasabi ko, dapat kapag nasa loob na siya hindi na tayo magpapasok ng bisita.” “Bakit?! Hindi naman sa kanya ‘to. Ganun siya kaespesyal?” Nagtatalo na sila habang ako ay nakikinig man ngunit ang tingin ay nasa kumosyon. “Tanga ka ba? Isang pitik niya lang ipapasara niya ‘tong restaurant natin! Walang magagawa boss natin diyan.” “S-Sir,” marahang tawag ng manager namin, sumingit sa kaguluhan at ganun pa ang boses na tila nakikiusap. Napaubo ang babae at agad siyang hinawakan ng mga kasamahan. Doon lang nakahinga ng maluwag sa pagbitaw sa kanya mula sa pagkakasakal. Napalunok ako at napailing, hindi agad nagustuhan ang ginawa nito. “What?!” galit na baling nito kaya napaayos ako ng upo nung makita ang mukha ng lalaki. Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata. Umigting ang panga. I parted my lips, to trace where the anger and loath coming from. Why does he look so ruthless and filled with heaviness. Ang babae ay umiiyak at nagmamadali silang lumabas ng restaurant. Gulat ako sa nangyari. I knew power, wealth, and connections could bend justice… but I didn’t realize they could trample even the simplest form of humility. Nakakapanlumo, na pati simpling bagay ng pagiging mabuti sa kapwa ay hindi kayang ipaglaban ng nakakarami. Kundi kinakatakutan pa ang may mga ginagawang masama. “I apologise, but Sir, as much as possible, we avoid forms of violence and disturbances in our premises.” Napayuko ang manager namin na tila humihingi pa ng paumanhin na kailangan niyang sabihin yun. The silence as his response is overwhelming, but more than that… it is disappointing. No remorse, no guilt. “I don’t care, if you avoid any form of disturbances here… customers also should do the same. They were the ones who first disturbed me.” The way his lips twisted in disgust, and his eyes gleamed in so much insult, is too much to bear. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ng mga kasama ko matapos mag-walk out nung aming customer dala pa ang kape nito. “Badtrip! Talo na naman si Master,” biruan nila sa tabi ko. “Go back to your work!” utos ng manager namin at dumiretso na sa maliit nitong opisina na tila walang nangyari. “Sus, sanay na yan,” hagikhik ng cashier namin. “Paano ba namang hindi bibigat ang pakiramdam kapag nariyan na siya, sino ba namang hindi matatakot sa murderer? Palibhasa mayaman kaya naabsuwelto.” Napabaling ako kay May na cashier namin, abala na siya sa monitor para ayusin ang kita sa gabing ito. Natigilan ako sa nalaman. Hanggang sa siniko na ako ni Jaypee para pabalikin sa paghuhugas ng pinggan. I am actually bothered by that information, facing or interacting with a murderer is a different kind of threat. Kaya siguro walang lumalapit sa kanya. Kaya siguro mabigat ang aura na dala niya. Kaya siguro takot sa kanya. “Naabsuwelto? Bakit naman?” hindi ko na napigilang magtanong pa. Napakunot ng nuo at takang bumaling si May sa akin, marahil kanina pa sinabi iyun at ngayon lang ako nagtanong. At interesado pa. “Mayaman! May koneksyon! May kaibigang magaling na abogada!” nagkibit balikat si May. “Maraming ganyan dito, Faye. Hindi nakukulong kahit gaano kabigat ang kasalanan. Kaya hirap yan lapitan, iniiwasan at kinatatakutan. Pwera na lang kung hindi mo kilala ay talagang hindi mo aakalain na mamamatay tao.” Napangisi ito at umiling. “Oo, guwapo pa naman—” The way May snapped her head to one of our waitresses made her shut up, that it didn’t even make her finish her sentence and closed her lips by that single glare. “Hindi mo dapat hinahangaan ang mga ganun.” Napairap si May at dismayadong umiling. Bagay na sinang-ayunan ko rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD