NAPAYAKAP AKO sa sarili ko at nagtapon ng bulaklak sa dagat. Sa mataas na rock formation ay nakatayo ako at pilit sinusuyod ng tingin araw-araw ang dagat nagbabakasakaling makita si Siv. Hindi ko matanggap na ito ang mangyayari sa aming dalawa, na ito ang magpapahiwalay sa amin.
Nung mapansin ko ang pagdaong ng mga bangka at nagsibabaan ang mga mangingisda ay naramdaman ko agad ng pagbaling nila sa akin. Hinawakan ko ang laylayan ng bestidang mahabang suot ko tsaka dahan-dahan na bumaba sa naglalakihang mga bato para umuwi na.
“Fayette! Wala pa rin balita kay Pareng Siv?”
Sinulyapan ko ang mga lalaking hindi kasundo ni Siv noon pa man.
“Hindi na babalik yun, ang mabuti pa maghanap kana ng ibang asawa na bubuhay sayo. Patay na yun!”
Matalim ko itong tinignan kaya naman ay siniko siya ng kasama para patahimikin. Umismid ako at nagpatuloy na pumasok sa loob ng bahay. The night had settled quietly over the island, and the wind had begun to pull a little stronger. I locked the door and closed the window. Mariin akong pumikit nung humiga na sa kama. I pulled the blanket to cover my body as fear slowly crept in like darkness.
“Let’s go, we have to escape!” paghila nito sa akin. Nagpatianod ako sa kanya, the trust I have on him is very welcoming. Wala akong pag-aalinlangan na sumama rito at tinakbo ang gubat.
“Bumalik tayo, kukunin ko—”
“He will kill you! Let’s go!” mas madiin niyang sambit.
Pero bigla kaming napahinto nung sumulpot siya sa harapan naming dalawa. Holding a gun and didn’t flinch when he pointed it to us. Napasinghap ako at tumulo na ang luha sa aking mga mata.
“You are really doing this to me, Ely?!” galit na galit niyang sambit at mas lumapit sa akin. “Kasama ang lalaking yan? Tatakas ka?”
“You started this, Siv! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!” sigaw ko pabalik sa kanya.
I gasped and woke up from the dream, confused when I call the unfamiliar man Siv in my dream. Hindi siya si Siv, pero bakit siya ang tinawag ko sa pangalang iyun?
“Fayette…” mahinang sambit ng lalaki sa gilid ko at hinila ang kumot.
Napanganga ako at namilog ang mga mata ko. Nanindig ang mga balahibo ko nung makita ang lalaking nakatayo sa tabi ng kama. Agad akong napaatras at humilig sa dingding sa takot.
“Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?!” sigaw ko sa isa sa mga mangingisda na kasamahan ni Siv noon. Lasing ito at dahan-dahan akong nilapitan. “Umalis ka! Umalis kana!”
Yumuko siya at hinawakan ang paa ko at hinila ako. Napasigaw ako at nagpupumiglas, I kicked him but he firmly holds my feet using his both hands.
“Tulong! Tulong!” sigaw ko na siyang agad pumaibabaw sa akin para takpan ang bibig ko. Napahagulhol ako at sinubukang itulak siya sa ibabaw ko. When his grip loosens a bit on my feet, I got a chance to kick him. Nilakasan ko yun hanggang sa mapaatras siya.
Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng bahay. I went to Saddie whose house is just beside mine. Sinalubong ako ng mga kapitbahay at agad hinabol ang mangingisdang iyun.
“Kasamahan yun nina Siv dati. Bagong salta yun dito.”
“Ayos ka lang ba, Faye?”
Napahagulhol ako sa takot, niyakap ako ni Saddie at marahang hinaplos sa liko para kumalma.
“Mag-isa ka pa naman sa bahay, baka maulit pa ‘to.”
Hindi ko na mawari kung sino ang mga nagsasalita. I was so scared but also bothered by my dream. I called someone Siv in my dream, why would I do that? Siv is my husband, not the man on my dream who seems going to kill me.
I couldn’t remember his face clearly.
“LULUWAS KA ng Maynila?” takang tanong ni Mayor sa akin matapos makausap ang asawa nito. Sumimsim ito ng kape at taka akong tinignan. “Pag-aaralin ka raw habang nagtatrabaho sa restaurant namin?”
Sinulyapan ko ang asawa nito. She is strict and intimidating, she is not like by the people here in our area. Hindi daw malapit sa tao si Mayora, mahirap daw siyang pakisamahan. Habang ang Mayor naman namin na siyang nasa posisyon ang siyang magaling sa mga tao at pakikisama. That is why everyone was a bit surprised that I am close to the wife.
“I do not know how to be a good mother, darling. Pero kay Faye ay mas napalapit ako sa anak natin. Kaya naman tutulungan ko siya na makapag-aral, sasampahan din natin ng kaso yung lalaking yun.”
Hindi naman umalma roon ang asawa niya bagkus ay tinignan ako.
“Sigurado kana ba riyan, Fayette? Mahirap ang buhay sa syudad. Delikado rin.”
“Delikado kahit saan ka magpunta. Kahit saan naman may mga taong mapagsamantala. Look what just happeend,” parinig ni Mayora at nagkibit balikat, nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti ito. “Faye is very close to our son, sa lahat din siya lang ang malapit sa akin dito. Bukod roon, noon ko pa nakikitaan si Faye na gustong magsumikap, nababawalan lang naman ng asawa niya kaya hindi makagalaw ng maayos.”
WHEN I MOVED to the city, I was a bit amused to feel something familiar. The bustling life, the tall buildings, and the busy people around. Each time I see people with nice dresses, food, and materials that I don’t see on the island, I couldn’t help but admire them.
I didn’t know how the lifestyle in the city became easy to adjust. I suddenly feel alive and excited.
“Faye! Table number 13,” ani ng staff kaya agad kong kinuha sa counter ang tray at hinanap ang lamesa. It was a table of girls who are wearing uniforms. Nagtatawanan sila nung nag-excuse ako para ilapag ang order sa lamesa.
“You look so pretty!”
Natigilan ako at napangiti sa puna ng isang babae, kaya naman ay napabaling sila sa akin.
“Oo nga! You are so pretty naman.”
Nahihiya akong ngumiti. Hindi na bago na makarinig galing sa iba ng ganung papuri, simula dumating ako rito ay naririnig ko rin yan, kadalasan sa mga lalaki. But to hear it from girls, it si a different kind of feeling of compliments.
“Faye!” tinawag ako ng Boss ko kaya nagmamadali akong lumapit sa kanya.
“May balita na ho ba sa asawa ko?” agad kong tanong, galing siya ng isla. Galing siya kay Mayor. Kaya umaasa ako na may balita kahit papaano.
“Wala pa. Sasabihin ko sana kung pwedi ka mag-overtime ngayon. Wala ka namang pasok bukas diba?”
Napalunok ako at pilit na ngumiti sa narinig na wala pang balita kay Siv.
“Ayos lang ba? Wala naman kadalasang order kapag gabi, kape lang naman ang mga pinupuntahan dito ng mga customers.”