MY EYES NARROWED as I watched Siv busy grilling the fish, napangiti ako habang pinapanuod siya sa harapan ko, nakaupo ako sa duyan at abala sa crochet na gagawin kong keychain para maibenta sa mga turista.
He was half-naked, wearing only a pair of loose pants that looked rugged and heavy, as if they had weathered years of work and sun. The warm light brushed against his tanned shoulders, making them glow softly. Napaangat siya ng tingin sa akin, and when his eyes met mine, he offered a small, easy smile.
I couldn’t help but smile back. If my memory serves me right, sanay na akong palipat-lipat kami ng lugar, hindi nagtatagal na pumirmi sa isang lugar. But somehow, this place… this has been the longest we’ve stayed.
“Malapit na itong matapos, gutom kana ba?” tumayo siya at lumapit sa akin. Yumuko at hinalikan ako sa labi, gumalaw pa ang duyan nung dumiin ang halik niya sa akin. Napangiti ako lalo at pinakita sa kanya ang ginawa ko.
“Ano naman yan?” marahan siyang humalakhak at hinawakan iyun.
“It’s a basketball ball.” Nawala ang ngiti niya at tinitigan yun. “Keychain, natapos ko na. Balak kong gumawa ng iba pang disenyo, may naisip ka bang maganda?”
“Para sa mga turista?” sinuyod niya ng tingin ang mga nagawa ko. Kinuha ang nasa hita ko na keychain, it was a red lips keychain. Isa pa roon ay korona. “You should make it what the island have. Seashells, beaches, and nature itself. Something that reminds them of this place.”
Umihip ng marahan ang hangin. Coconut trees swayed lazily, their leaves brushing against each other in a rhythm only the island understood.
“That is a good idea!” I exclaimed and chuckled.
“Maganda ‘to.” Kinuha niya yung hugis puso na ginawa ko tsaka ako hinalikan sa pisngi.
NAPABALING AKO sa hampas ng mga alon habang pinapanuod ko ang malaking bangkang de motor na napasabay sa alon ng dagat. Inayos ko ang suot kong cardigan na mahaba. Masayang nagkukuwentuhan pa sina Tino at Fred, ang dalawang kaibigan at laging kasama ni Siv sa pangingisda.
“Aalis na kami.” Hinarangan ni Siv ang harapan ko kung saan ko tinitignan ang bangka.
May pag-aalala ko siyang tinignan. Hinila niya ako para mayakap, ramdam ko ang lamig ng panahon maski may init namang nanggagaling sa araw. But still, the ocean was already giving hints that the next few days’ weather might not be so kind. The waves were a little rougher than usual, rolling in with a heaviness that didn’t match the calm blue sky. Kaya talagang nag-aalala ako.
Bago pa man siya lumapit kina Tino at Fred at hinawakan ko ang dulo ng damit niya. Agad niya akong hinawakan sa siko at kumunot ang nuo.
“Huwag na kaya kayong tumuloy? Parang hindi maganda ang panahon?”
Napasulyap si Siv sa dagat at bumagal ang baling sa mga kasamahan. Umakyat na sila ng bangka nung balingan ako ni Siv at binigyan ako ng ngiti. Hinawakan ang pisngi ko at hinalikan sa nuo.
“Ganyan naman talaga ang dagat, bukas kalmado na yan.” Napahinto siya saglit at muling sinulyapan ang mga dala nila. “Tsaka nakabili na kami ng maraming yelo, masasayang lang yan kung ipagpapaliban namin ang paglaot.” Marahang humaplos ang kamay sa pisngi ko.
“Pero, Siv…”
“Magiging maayos kami, babalik ako pagkatapos ng dalawa o tatlong araw.” The assurance is not what I need, it doesn’t even help me a bit. Especially when the water reaches our feet, it is evident how much the water’s force and impact is strong. “Mag-iingat ka, kapag natatakot ka ay papuntahin mo si Saddie, sasamahan ka niya sa bahay. Nasabihan na siya ni Fred. Pumayag naman.”
Tumango ako.
“May tinabi na rin akong pera, kung sakaling kulangin ka. Kunin mo na lang sa cabinet ko. Alam mo naman yun diba?” Tumango ako muli at ngumiti. Maybe I just don’t want him to leave, because I am scared when he is not around, especially at night. Nasanay na ako ng lubos sa kanya.
SINABIT KO ang mga keychain na ginawa ko, inayos ko yun lalo na at dagsaan na ng mga turista. Naging maayos naman ang panahon kinabukasan. Naging maayos din naman ang unang gabi ko mag-isa sa bahay.
“Fayette, pnagtitinginan ka ng mga dayo,” bulong ni Saddie sa akin at mahina pa akong siniko. Napasulyap ako sa grupo ng mga lalaki na nasa cottage at nag-iinuman. Their white skin, without any trace of scars or dryness emphasizing they came from a comfortable life. The branded things they have and wearing is already another reason to make my judgment right about them. “Mabenta ka talaga sa mga lalaki! Ang ganda ganda mo kasi, napakasuwerti ni Siv sayo! Kaya naiintindihan ko kung bakit seloso iyung asawa mo, pantasya ka ba naman ng mga kalalakihan sa bayan natin! Pati dayo ay nama-magnet mo pa!”
I suddenly had the urge to secretly glance at myself in the mirror on our souvenir shop, kung saan paminsan minsan ay nakatambay ako para mai-display ang mga ginawa ko. Hindi naman ako katangkaran ng babae, but because of my body and right proportion makes me look taller. I look younger at my age, Saddie is 24, but I look younger at her.
“Magkano rito, Miss?” the man approached me with a grin on his lips. Hinawakan niya ang mga keychain at kunwaring tinignan. I do not know why I have this skill to read their intention and have the idea that I can instantly go along and play with them.
“100 pesos.”
Nagsilapitan na ang mga kaibigan nito kaya medyo napaatras na ako. I gestured Saddie to entertain them. My loyalty is only for Siv, siya lang ang kaya kong pagkatiwalaan.
NAGISING AKO sa malakas na katok sa pintuan, kumalabog ang dibdib ko at napaupo bigla. I was panting hard when a dream appeared again. I was running for my life, nabalik lang ako sa wisyo nung marinig muli ang sunod-sunod na katok.
“Fayette! Buksan mo! Faye!” Saddi’s desperate voice goes along with the rough sound of the wind and a few drops of rain. Madaling araw na pero ang kalangitan ay sobrang dilim.
Nagmamadali akong tumayo at binuksan ang ilaw, narinig ko agad ang ingay ng mga tao sa labas nung buksan ko ang pintuan. Agad akong niyakap ni Saddie at napahagulhol, kinabahan ako lalo pa nung makita ang mga tao ng bayan na nagmamadaling lumapit sa tabing dagat.
“Buhay pa ba? Hindi na humihingi! Dalhin niyo na sa ospital.”
“Tawagan niyo si Kap.”
“Sino yung nawawala?”
Nanlamig ang katawan ko at tinulak si Saddie para maharap siya ng maayos.
“Anong nangyayari?”
“Patay na ang asawa ko. Wala na siya!” she cried in front of me, I want to hold her when she could no longer maintain her stance from weakness. Pero hindi ko rin kaya dahil nanghina na ako.
Kinuha ko ang cardigan at sinuot iyun. Patakbo akong lumapit sa nagkukumpulang mga tao roon. Tinulak ko sila hanggang sa makadaan. Napasinghap ako at napaatras nung salubungin ako ng sira-sirang bangka at katawan ni Fred na wala ng buhay.
“May bagyo, hindi nakayanan ng sasakyan nila ang lakas ng alon. Tatlong araw simula mawasak ang bangka nila, nawawala pa yung dalawa.”
Napatakip ako ng kamay sa bibig at umiwas ng tingin.
“Si… Si Siv?” tanong ko at nilapitan ang mangingisda na pumalaot din, nauna lang sila bago sumunod sina Siv. “Nasan siya? Nakita niyo ba siya?”
“Fayette, sira na yung bangka nila nung makita namin. Wala na roon sina Tino at Siv, samantalang si Fred ay nakagapos sa kahoy pero sa lakas ng alon, lamig at gutom. Hindi na rin niya nakayanan. Nalunod siya.”
Mariin akong pumikit at napailing. Hanggang sa napahagulhol at hindi makapaniwala sa balitang natanggap. But part of me was hopeful that Siv could be alive, that his body had not been found yet. And he might survive.
NAKAUPO LANG ako sa gilid nung makita ang asawa ni Mayor na papalapit sa gawi ko. Agad akong napatayo at inayos ng kaonti suot ko. Lalo pa at kanina pa akong wala sa sarili.
“Kung hindi ka komportabli rito sa evacuation center ay pwedi ka sa bahay.”
“Tapos na po yung bagyo, uuwi na rin ako at aayusin ang bahay.”
They said that it had a storm surge, so I already expected that the water from the sea would reach the house. And I was expecting to clean it now that the storm already went out. Niyakap ako ni Mayora.
“I’m sorry for what happened to Siv. We will try to find him.”
SA PAGBALIK KO ng bahay ay katulad ng mga kasamahan ko ay bumagsak ang balikat ko at nanlumo. Wala na ito, nasira na ng bagyo. Wala ng haligi o kahit ano, tanging pagbagsak na nito ang nakikita ko. Ilan pa rito ay tinangay na ng dagat.
“Wala na rin yung bahay niyo, Fayette!” ani ng kapitbahay ko. “Wala rin si Siv para maayos yan. Saan kana ngayon?”
Hindi ako makasagot, tulala lang na nakatitig doon.
“Humingi ka ng tulong kay Mayora, baka mapaayos niya yung bahay mo. Lalo pa at nawawala yung asawa mo ngayon.”