A U B R E Y
A month had passed at hanggang ngayon naaalala ko parin ang sinabing yun ni Danica. Ano naman kung ex ni Spencer si Vance, magkaibigan lang naman kami at nasa kanya na yun kung lalagyan niya ng malisya ang pagkakaibigan naming yun. Hindi narin ako mabibigla kung bukas o makalawa sugudin ako ni Spencer dahil lang sa nagseselos siya kay Vance.
Sabado at wala kaming pasok ngayon kaya naisipan ko na ring maghanap ng part time. Si Preston naman ay may part time na bilang isang bartender sa isang sikat na bar kaya madalas siyang wala sa bahay tuwing gabi. Common sense naman kelan pa nagkaroon ng bar na pang umaga?
Nakaupo ako ngayon sa isang bench para magpahinga madami-dami na din kasi akong napuntahan na tapos ang init init pa sa Pilipinas. I was browsing on the internet when an article caught my attention. It is about how our planet is slowly dying at totoo naman. Dahil kahit saang angulo mo pa tingnan konti nalang ang pag-asang maisasalba pa natin ang mundo. Nagiging sakim at hayok ang tao sa pera at pagbabago kaya wala na silang pakielam kung may masasaktan ba sa kanilang mga gawain.
Hindi naman masama ang pagbabago pero kung ang pagbabagong 'yon ay hindi na nakakabuti sa tao at mundo mas mabuti pang tumigil nalang tayo. If we continue on doing these things 'wag na tayong magtaka kung tuluyan nang magunaw ang mundo.
"Look who's here" isang matinis na boses ang narinig ko at bumungad sa akin si Spencer.
"Spencer."
"What are you doing here bakit ganyan ang--" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling nagsalita."--itsura mo."
Okay am I being judged here? Bakit ganyan siya makatingin kala mo naman napakaganda niyang nilalang.
"I am looking for a job" walang gana kong tugon.
"A job? Really? edi ba ang yaman yaman niyo, so why look for a job kung marami ka namang pera diba?"
"FYI pera ng magulang ko, hindi pera ko at mauubos yon kung hindi kami magtatrabaho, Spencer" paliwanag ko sa kanya.
As if naman na nakikinig talaga siya by the look of her face nakuknwari lang naman siyang may pake and it really sucks. I just hate her face.
"That's so sad" she said faking a symphatetic look.
Hindi ko nalang siya pinansin at tumayo na para umalis. Ayoko nang panisinin pa kung ano ang sinabi niya dahil baka hindi ako makapagtimpi at kung ano pa ang masabi ko sa kanya.
ONE THING is for sure mahirap maghanap ng trabaho kaya hanga na ako kay Preston dahil sa tiyaga niya sa paghahanap. I'm so tired dahil hapon na ngayon at hanggang ngayon wala paring tumatanggap sakin. I am a mess right now at kung may makakakita naman sakin na kilala ako siguro aakalin nila na namumulubi na ako dahil sa itsura ko. Wala na sa ayos ang damit ko at ang kulot ko namang buhok ay buhaghag na.
NOW HIRING! nagningning ang mata ko dahil sa nakitang poster sa isang cafe.
This might be my lucky day after all isip ko.
Wala ng pagaalinlangan pang pumasok agad ako para mag-apply binati naman ako ng isang babaeng waitress na nakasuot ng isang cream brown mini pencil skirt na may cute na apron at white na blouse.
"Excuse me, hiring pa po ba kayo?" kuha ko sa atensyon niya.
"Ay opo. Mag a-apply po ba kayo?"
"Oo eh"
"Sige po papakausap ko na lang po kayo sa manager namin" naka ngiting sagot niya.
Iginaya niya ako hanggang marating namin ang pinto malapit sa cashier kumatok siya ng tatlong beses bago kami pinapasok sa loob. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Luther na nakaupo sa isang swivel chair habang nakasuot ng salamin.
"Sir may maga-apply daw po" nagtaas siya ng tingin at nagulat ng makita ako.
"Aubrey?" gulat na tanong niya.
"Hi" alanganin ko namang sagot.
"Thank you, Kass" pasalamat niya dun sa waitress bago ito lumabas.
"Ikaw ang manager dito?" gulat kong tanong sa kanya.
"Nope. Actually this is my mom's ako lang yung pinaghahandle niya" tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.
"Please take a seat. So ngayon ka pala nagumpisa ng job hunting?" tanong niya sa akin.
Umupo ako sa silyang nasa harap niya bago siya sagutin."Oo eh, ayaw ko na sanang patagalin pa alam mo namang mahirap na ang buhay naming ngayon"
"Kung ganon naman pala edi sige tanggap ka na" walang pag aalinlangan niyang sabi.
"Tanggap? as in pwede na akong magtrabaho?" takang tanong ko sa kaniya.
Tumango siya bilang pagsang-ayon."Si Kass na ang bahalang magbigay ng susuotin mo. SIya na rin ang bahala sa pagtuturo sayo kung ano ang dapat mong gawin dito sa café"
Pagkalabas ko sa opisina ni Luther ay pumunta na ako kay Kass para magpasama sa locker ng mga employee. Tinuro niya sa akin kung saan ang magiging locker ko at binigyan na rin ng uniform at sinuot ito. Lumabas na kami at inumpisahan na niya akong turuan ng mga dapat gawin sa pagwe-waitress niya muna ako inilagay dahil baguhan palang ako.
Hindi maadali ang pagiging waitress ko kahit pa pagkuha ng orders at pase-serve palang ang ginagawa ko. Sikat ang cafe specially sa mga college students at oficce workers na malapit sa place kaya sobrang nakakapagod.
L U T H E R
I was observing her while she is working at pansin ko na determinado talaga siya sa ginagawa niya kahit pa ito ang unang beses niyang magtrabaho. Tinanong ko si Kass kung anong masasabi niya kay Aubrey at hindi naman ako nadisappoint dahil kahit si Kass ay nagustuhan ang ipinapakita nito sa first day of work.
6 pm na ng lumabas ako sa office para umuwi. Since 10 pm pa naman nagsasara ang café hinahayaan ko na sila Kass para magsara. I saw Aubrey cleaning up a table after the customer left. Lumapit ako sa kanya pero hindi niya agad ako napansin kaya naman kinalabit ko nalang siya tenga.
"What the f---"
"Bawal po ang namumura dito ate" biro ko sa kanya.
"Im sorry bakit mo naman ba kasi ako ginulat?" tanong nito sakin habang inaayos yung mga gamit niya sa pagilinis.
"Wala naman gusto lang kitang ayain mag dinner since this is your first day"
"Wow naman ganti ka ba talaga sa mga empleyado mo?"
"Nope, just for you cause you're special"
Tinawanan nalang niya ako at pumasok na sa locker room. Hindi naman matagal ang naging paghihinntay ko I saw her wearing the same jeans and shirt she wore since afternoon.
I lead her to the parking lot where my car is and open the car door for her. After a thirty minutes drive we arrived at the restaurant that is owned by Vance parents.
"Good evening sir, ma'am, table for two?" nakangiting tanong ng isang waiter.
"Yes please" dinala niya kami sa isang table malapit sa bintana kung saan tanaw ang beach.
Matapos kunin ng waiter ang orders namin ay naiwan nalang kaming dalawa. Nakatingin lang si Aubreys sa labas habang pinagmamasdan ang payapang alon ng tubig.
"Siguro kung nandito pa sila papa hindi nila kami hahayaang magtrabaho ni Preston"
"Aubrey kung nasan man sila alam nating masaya na sila doon"
"Alam mo minsan ang unfair ng mundo. Kasi kung sino pa yung mabait sila pa yung kinukuha agad ni Lord. Bakit hindi nalang yung masasamang tao yung kunin Niya diba? Bakit kailangan magulang ko pa" nakita ko ang konting butil ng luha na pumapatak sa kanyang mga mata.
Hindi parin siya nakakalimot. Masakit parin para sa kanya. Kahit naman kami nasaktan dahil kaibigan ng mga magulang namin ang parents nila.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa hinaplos ito para ipakita na magiging ayos lang ang lahat.
"Kahit sabihin man nating unfair si God hindi natin alam kung ano ang plano niya para sa atin. Everything that is happening is part of his challanges that we must survive. Alam kong sobrang bigay ng mga pangyayari pero kailangan nating tanggapin yun, Aubrey. Nasa masayang lugar na sina tita kasama ang Panginoon. Tapos na ang mission nila dito sa mundo kaya kinuha ibinalik na sila ng Panginoon kung saan sila nararapat. Aubrey pinahiram lang satin ni Lord ang buhay kaya kailangan nating pangalagaan ito dahil hindi natin alam kung kelan ito babawiin sa atin ng Panginoon"
Inilapit ko ang silya ko sa kanya para yakapin siya. I cup her face and started wiping off ther tears. I let her cry in my chest at walang pakielam kung mabasa pa ang damit ko dahil sa luha.
Hush now sunshine everything will be alright.