Four

1145 Words
Third Person's P.O.V Nagtungo si Reid sa opisina ng tiyuhin niya. Pumunta siya sa Bright Light Inc. at sinalubong naman siya ng mga tao dito. Ito kasi ang agency kung saan siya nagsimula. Ito rin ngayon ang sumusuporta sa kanya at sa grupong kinabibilangan niya. Umakyat siya sa 9th floor ng building at dumiretso sa opisina ng Vice President. Bago siya kumatok ay narinig muna niya ang sigawan sa loob. Tila may komusyon na nangyayari. "Ilang beses ko na bang hiniling iyan? Bakit ba hindi niyo 'ko mapagbigyan? Ang dali-dali lang naman ng gusto ko ah?" Boses ng babae, isang babaeng kilalang-kilala niya. "I'm so sorry talaga Cindy pero hindi talaga pwede. Pinayagan na kita sa tatlong MV nung nakaraan. Hanggang doon na lang yun." mahinahong sagot ng kausap. "Kung hindi niyo ako pagbibigyan makikipagdate ako kay Douglas Reyes!" matapos ang mga salitang iyon ay marahas na bumukas ang pinto. Mabilisang tumalikod si Reid upang hindi siya mamukhaan ng babaeng lalabas. Nang masigurong wala na ito ay dali-dali siyang pumasok sa loob ng opisina at ni-lock ito. "What does she want again?" bungad niya sa lalaking nakatungo sa mesa. "She wants the agency to confirm the two of you are dating." walang ganang sagot ng lalaki. Naupo si Reid sa sofa sa gilid ng maliit na opisina at marahang isinandala ng ulo sa sandalan. "Tito Alvin, I demand a vacation. Tutal naman last stage na rin namin kagabi, right?" Matagal bago nakasagot ang tiyuhin, ngunit ikinatuwa naman nito ang sagot ng huli. "Okay, saan mo ba gustong magbakasyon?" napaupo agad si Reid. "Where do you think is the best?" "Ano bang klaseng bakasyon ang gusto mo?" "One word lang, Tito: MAPAYAPA." "I know a place." * Gabi bago ang graduation ni Yzzy. Nasa kusina siya at inihahanda ang oatmeal face pack na ilalagay niya sa mukha niya overnight. Nang matapos ay umakyat na siya sa kwarto niya. "Odette, why are you still up? Maaga ka pa bukas ah?" nakasalubong niya ang Papa niya na kakauwi lamang galing sa trabaho. "I'm on my way to bed, Papa. Goodnight." humalik siya dito at pumasok na sa loob. Naupo siya sa harap ng mesa niya at sinimulang ilagay ang face mask na ginawa. Makalipas ang ilang sandali ay natapos na siya at lumakad papunta sa switch ng ilaw para patayin ito. Ngunit bago niya mahawakan ang switch ay may narinig siyang malakas na putok na kasunod ay ang pagkabasag ng kanyang bintana. May bagay na mabilis na lumilipad and pumasok sa loob ng kwarto niya mula sa basag na bintana. Dumaan ang isang arrow sa tabi mismo ng tenga niya at tumama sa pader. Sa takot at gulat ay hindi siya nakagalaw. Nahanap na lamang niya ang malay niya ng marinig niya ang Lolo niya na pumasok. "Odette, what happened here?" "Oh gosh! Odette, are you alright?" "Tumawag kayo ng pulis!" Yan ang naririnig niya sa paligid niya. Marami pang boses at ingay pero di pa rin siya makapagsalita. "Od-Odette." nilingon niya ang ama na nakatayo sa likod niya. "Congratulations to you, my dear White Swan. I am planning to send a gift to you tomorrow." Matapos basahin ang note na nakatali sa dulo ng arrow ay kinuha naman ng Papa niya ang isa pang note na nakalagay sa bandang ulo ng arrow. "It feels good knowing you'll be a cold dead body tomorrow. Wanna share my happiness?" Bumagsak sa sahig si Yzzy dahil sa mga narinig. Maraming tanong ang nasa isip niya. Bakit siya? Anong nangyayari? Bakit may ganito? Ano bang gusto niya? Anong gagawin niya? Sinubukan niyang tumayo ulit ngunit bumagsak siya ng walang malay. ~ Sa mismong Graduation, umakyat si Yzzy sa stage para kunin ang kanyang mga awards. Ngunit agaran din siyang bumaba, sinalubong saka pinalibutan ng mga body guards niya. Ayaw man niya ng ganitong set-up ay wala na siyang magagawa. Para ito sa buhay niya. "I now Congratulate all of you, the graduates of year 2019-2020!" Nagpalakpakan ang lahat. Nag-iyakan at nagyakapan ang magkakaibigan. Nagyakap sila Yzzy at mga kaibigan niya bago siya at ang kanyang mga magulang ay humalo sa maraming tao at palihim na lumabas ng building. Pumunta sila sa open grounds dahil doon sila susunduin ng chopper na maghahatid daw sa kanila sa Korea. Dahil sa death threat ay napag-desisyunan na ilipat muna si Yzzy sa ibang bansa hanggang matapos ang bakasyon. Unang pinapasok si Yzzy sa chopper na dapat susundan ng ina. Ngunit pag upo niya sa sasakyang ito ay may nagtakip sa ilong niya mula sa likod tsaka siya nawalan ng malay. ~ Nagising si Yzzy sa basang bagay na dumadampi sa mukha niya. Nang minulat niya ang kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang nguso ng isang golden retriever. "Arf~ Arf~" "AHHHHHHH!" napa-atras si Yzzy at nalaglag sa kamang hinihigaan. "Arf~ arf~" Sinilip niya ang aso. Nakaupo lang ito sa kabilang side ng kama habang tinitingnan siya ng nakalawit ang dila. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar ang lugar. Para itong isang lumang cabin, tulad ng mga nakikita sa pelikula at mga palabas na Souvenir Shops na nasa tabi ng dagat. Old, Rickety and Dark. Pero maayos naman ang paligid. May mesa, lababo, ref, kama, cabinet at iba pang bagay na makikita sa isang normal at maliit na bahay. Speaking of dagat... "Oh my gosh! WAVES!" Tumakbo palabas ng bahay si Yzzy, sinundan naman siya ng golden retriever. Sinalubong siya ng kulay asul na langit at tubig. Maririnig ang nakaka-relax na pagtama ng alon sa dalamapasigan at mga bato. "WAAAAH!!! I'm on a 'ffin beach!" manghang sabi nito sa sarili. Matapos malibot ang paningin sa paligid, doon niya lang narealize kung anong nangyayari. "WHAT THE FUDGE??!! WHY THE H*LL AM I HERE?!!" "Arf~ Arf~" * "Tito, I've arrived already. But where would I stay?" "There is a small cabin there. Ni-ready ko na yung mga gamit mo doon. Don't worry." "Alright. See you soon. Bye." Binaba na ni Reid ang telepono at lumakad na papunta sa may beach. Nandoon daw kasi yung cabin na tinutukoy ni Tito Alvin niya. Nang makita niya ito ay nagustuhan niya agad. Mukha itong simple at tahimik. Just the right thing he is looking for. Lumapit na siya dito at akmang bubuksan ang pinto. Ngunit bago niya maikot ang door knob ay may narinig siyang kakaiba. May... May umiiyak? Agad-agad siyang napa-atras at dali-daling dinial ang number ni Tito Alvin pero No Network Connection na siya. Napalunok si Reid ng malalim bago siya unti-unting bumalik sa pintuan ng cabin. Nandoon pa rin ang pag-iyak at pag-hikbi kanina. Pero nilakasan niya ang loob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Mabagal niya itong sinilip upang tingnan kung may tao ba sa loob. At tama nga ang hinala niya! May tao nga! Nakahinga siya ng maluwag. Pero sandali lang iyon dahil nagulat naman siya sa pag-sigaw nito. "WHO THE H*LL ARE YOU?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD