Kabanata 5

1520 Words
Itinaktak ni Teissa ang alkansya niya sa kama hanggang sa wala na itong laman. Armani just left to go back to Manila but she promised to buy herself a phone as soon as possible. "Marami 'to pero ayaw mo bang magpabili na lang? Ang ate Tammy mo nga, eh palaging bago ang cellphone?" suhestyon ni Maia habang tinutulungan siyang bilangin ang ipon niya. "Hindi na. May pera naman akong naitabi. Ito na lang. Babawas na lang ako rito," sagot niya. Teissa grabbed some paper bills and started unfolding them so she could stack them. She hasn't touched her piggy bank for years. Halos araw-araw rin siyang naghuhulog doon dahil hindi naman siya magastos. Hindi ganoon kalaki ang baon niya dahil ayaw niyang humingi nang malaki, pero kahit na ganoon ay nagagawa pa rin niyang mag-ipon. She's actually saving it to pay-off the money that Armani used to save Islaw. Ngunit mukhang kailangan niya munang kumurot ngayon para makabili siya kahit iyong hindi naman kamahalang cellphone. "Kailan kaya babalik ulit si Clode?" tanong ni Maia sa kalagitnaan ng pagbibilang nila. "Hindi ko alam pero narinig ko sila ni Alta kanina na may pinag-uusapang clubhouse. Parang sasali yata sila sa brotherhood at magtatayo ng sarili nilang bakasyunan." Kumunot ang noo ni Maia. "Hindi pa ba sila masaya rito sa hacienda tuwing nagbabakasyon? Sayang naman kung hindi ko siya masisilayan palagi." "Hindi ko naman sigurado, Maia. Saka itatayo pa lang naman yata 'yong clubhouse, eh." Dinampot niya ang natirang pera at ipinatong sa nakasalansan na. "three hundred sixty four thousand lahat. Magkano 'yong maganda pero mura-mura lang?" Napakamot ng ulo si Maia. "Tinitipid mo na naman ang sarili mo, eh kaya mo na ngang bumili ng pinaka-latest na iPhone dito, eh." "Maia, para sa utang ko 'to kay kuya Armani. Kukurot lang ako ng pambili ng cellphone at idedeposito na ang iba sa bangko." Bumuntonghininga ito. "Tingnan na lang natin sa bayan kung ano 'yong maganda na mura lang. Mga magkano ang handa mong ilaan na budget?" "Pwede na ba 'yong sampung libo?" tanong niya. "Sige, pwede na 'yon pero magpasobra ka ng kaunti." Tumango siya. "Magbibihis lang ako sandali tapos tara na. Ikaw nang bahalang pumili, ha? Alam mo naman hindi naman ako marunong tumingin." Nag-thumbs up ito sa kanya. "Ako ang bahala." Nagpasalamat si Teissa sa kaibigan bago siya namili ng isusuot. They then put the money in a bag and left her room. "Tito Melchor?" tawag niya sa tiyuhin nang makasalubong ito sa hagdan. "May lakad ka ba, 'nak?" tanong nito. Sandali silang nagkatinginan ni Maia bago siya tumango. "Tito, pupunta lang po ako ng bayan kasama ni Maia. Bibili po sana ako ng cellphone." Napakunot ng noo ang kanyang tiyo. "Cellphone? Gusto mo na ng cellphone? Akala ko ayaw mo ng gadgets dahil masisira ang mga mata mo?" "Opo." Kinakabahan siyang ngumiti. "G-Gusto ko pong s-subukan na sana. Hindi ko naman po madalas gagamitin." Tila may naisip ang tito Melchor niya. "Do you wanna start using phones because of what happened last night, sweetheart?" he asked in a fatherly tone. Lumunok siya. "T-That's . . . one of the reasons, Tito." Lumamlam ang mga mata nito. "I'm really sorry if I wasn't able to protect you, Teissa. Mabuti na lang at sumunod kaagad sa inyo si Armani. Kung may nangyaring masama sa'yo, baka makapatay ako." Nadinig nila ang malakas na pagsara ng pinto ng kwarto ng kanyang ate Tammy. Sabay-sabay nila iyong nilingon bago bumuntonghininga ang kanyang tiyo Melchor. Bakas din sa mukha nito ang lungkot at pangamba. "Magpasama kayo kay Clara." Dinukot ng kanyang tiyo Melchor ang wallet nito saka inilabas ang isa sa cards na naroon. "You can use my card to buy your phone." Kaagad na umiling si Teissa. "Hindi na po, Tito. Gusto ko po sanang . . . manggaling sa sarili kong ipon ang ipambibili ko." Payak niya itong nginitian. "Huwag kang mag-alala, Tito. Sapat naman po ang dala ko saka hindi ko rin po kailangan no'ng mamahalin." Melchor sighed. "You're so like your mother." Hinaplos nito ang kanyang pisngi. His eyes glistened with longing as if he was seeing someone else while staring into her eyes. Melchor flashed a faint smile. "Mag-iingat kayo, Teissa." Pilit na lamang ngumiti si Teissa sa tiyuhin kahit na nakaramdam siya ng pagtataka dahil sa lungkot at pangungulilang nakaguhit sa mga mata nito. She didn't want to ask him about it so she just said goodbye and finally left with Maia. Sinamahan sila ng family driver sa bilihan ng cellphone. Maia helped her choose something that fits her budget. Nang makauwi ay itinuro nito kaagad sa kanya kung paano ang paggamit ng phone. "Madali lang pala," aniya. "Thank you, Maia." "Walang anuman. Ayan, na-add friend ko na rin si Clode para sa'yo. Friends na rin tayo. Ako 'yong one diyan sa list mo." She smiled. "Salamat. Hihintayin ko na lang na i-accept nila ang friend request ko." Maia nodded. "Una na rin muna ako, ha? Magsasaing pa ako, eh. Mag-video call na lang tayo mamaya para masubukan mo ang camera." Tumango siya't ihinatid na ang kaibigan sa ibaba. Nang makaalis si Maia ay nagpasya siyang bumalik sa kanyang silid. She explored her phone and then went to f*******:. Itinipa niya ang pangalan ni Armani sa search bar gaya ng itinuro ni Maia sa kanya. She then sent him a friend request before she visited his timeline. Armani doesn't share that much on his social. Kung mayroon man ay mga larawan lamang ng pamilya nito o kaya ay importanteng post lamang patungkol sa gobyerno, ekonomiya o hindi kaya ay tungkol sa law. Teissa clicked his profile picture and decided to save it. Nagpigil pa siya ng ngiti dahil kinilig sa gwapong larawan ni Armani. Naka-toga pa ito sa larawan at seryoso ang mukha ngunit talagang hindi maipagkakailang magandang lalake ito. She was about to check his other photos when a notification popped on top of the screen. Armani Reino De Alba accepted your friend request... She smiled and was about to check the notification when her phone rang. Napalaki siya ng mga mata nang makitang tumatawag sa kanya si Armani. Teissa felt conscious. Tumakbo siya sa tapat ng dresser at sinuklay nang mabilisan ang kanyang buhok. She then drew in a sharp breath before she nervously pressed the green button just like what Maia had taught her. Armani's face popped on the screen, making Teissa's heart pound harder than it should, but what made her jaw almost dropped was . . . the way he looks right now. Armani looked more mature and handsome when he's wearing his glasses. Naka-wax nang maayos ang buhok nitong naka-clean cut at medyo may kahabaan ang tuktok. He's wearing an ensemble of suit and tie, and Teissa will lie if she will say Armani didn't slay on his lawyer outfit. Nagpigil ito ng ngisi saka hinubad ang suot na salamin sa mata para punasan iyon sandali. "Why do you look like you've just seen a ghost, Teissa?" "Ahm..." She wanted to slap herself all of a sudden because of her reaction. Kinailangan pa niyang lumunok ng sarili niyang laway nang kumalma kahit sa totoo lang ay nanunuyo ang kanyang lalamunan. "Ano kasi..." She faked a smile. "Thank you sa... Sa pag-accept ng friend request ko," paglilihis niya ng usapan. Armani smiled with a hint of tease, his brow c****d a little. "Pang-ilan ba ako sa pinadalahan mo ng request, hmm?" "Mmm... Pangatlo dapat pero pangalawa ka na sa friends ko." "Sino ba ang mga nauna?" "Si Maia, si Clode tapos ikaw na kaso hindi pa tinatanggap ni Clode ang request ko. Si ate rin sana ia-add ko kaso hindi ko mahanap ang account niya." "I see." He moistened his lower lip. "Tammy mostly uses IG. She's not a fan of f*******: so she sometimes deactivates it." "Ah," sagot niya na lang bago sandaling lumunok. "A-Ano pala ang ginagawa mo? Baka nakakaistorbo naman ako." "Nah, I'm just studying a case, love," he said, yawning. Hindi tuloy niya masabi kung ano ang huling salitang sinabi nito. "Uhm, ano ulit 'yon, Armani?" salubong ang mga kilay niyang tanong kay Armani. Tinitigan siya ng inaantok nitong mga mata saka ito sumandal sa swivel chair at niluwagan ang necktie. His eyes seemed to sparkle as he pursed his lips together to suppress a smile. "So we're dropping the irritating big bro thingy now, hmm?" Napakurap si Teissa nang mapagtanto kung ano ang itinawag niya rito. "Oh, I'm so—" "Finally." He breathed in and stroke his hair towards the back. His lips curved for a ghost of a smile. "Sorry, what were you asking? Tinatanong mo ba kung ano ang sinabi ko?" Mahinang tumango si Teissa kahit namumula ang magkabila niyang pisngi. "Hindi ko masyadong nadinig ang sinabi mo kasi humikab ka." Armani flashed a small smile while staring at her as if he finds relief just by looking at her face. "I said I'm studying a case . . ." "Oh, uhm." Her cheeks felt hotter. "Nagkamali nga siguro—" "Love." He removed his eyeglasses then sighed. "I'm studying a case . . . love."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD