HINDI napigilan ni Teissa ang maawa sa kapatid na si Tammy dahil sa narinig na pagtatalo nito at ng kanilang lolo Lino noong nakaraang linggo. Alam naman niyang naghihigpit ang Lolo nila para rin sa kapakanan ni Tammy ngunit nasasaktan pa rin siya para rito.
She sighed as she closed the envelope. Bumawas siya ng pera sa ipon niya para ibigay kay Tammy. Alam kasi niyang unang araw ng OJT nito ngayon. Kilala niya si Tammy. Siguradong hindi sasapat ang allowance na ibinigay rito dahil binawasan upang hindi makagala, kaya lang ay gusto rin niyang kahit paano may sapat na pera ang kapatid lalo at medyo malayo sa hacienda ang ospital na papasukan nito.
Kinakabahan man ay nagtungo siya sa kwarto ng kapatid. Pagsilip pa lang niya sa pinto ay matalim na kaagad ang titig nito sa kanya. Tila makita pa lamang siya ay kumukulo na kaagad ang dugo.
"What?" asik nito nang maibaba ang uniporme.
"Uhm, ate . . ." Nalunok niya ang sarili niyang laway dahil sa pagtaas ni Tammy ng kilay sa kanya.
Tammy folded her arms in front of her chest when Teissa wasn't able to answer. "Are you here to waste my time? Again?"
Teissa shook her head before she swallowed her fear. Lumapit siya sa kapatid at inilagay sa palad nito ang sobreng naglalaman ng pera pati na ang maliit na sulat. She knows Tammy so well. Kung sasabihin niya nang harapan ang mga salitang isinulat niya kanina sa papel ay siguradong maiirita lamang ito.
"Kasi . . . naghihigpit si lolo sayo. Ang sabi ni Manang ay . . . binawasan ang allowance mo para hindi ka makagala pagkatapos ng OJT mo. Inipon ko, ate baka . . . hindi ka kasi sanay na bawas ang . . . baon mo."
There are still a lot of things that she wanted to say but Teissa just decided to leave Tammy's room as soon as she could. Bumuga siya ng hangin at nagpasya na lamang na lumabas ng mansyon para puntahan si Islaw. Naupo siya sa tumbang puno at inilabas ang kanyang cellphone para tingnan ang bagong mensahe ni Armani sa kanya.
Teissa smiled when she saw the photo Armani just sent her. Kuha iyon ng sandamakmak na law books na kasalukuyang binabasa ng binata. Tila kahit patapos na ito sa susunod na buwan ay todo pa rin ang pagsusunog ng kilay.
She pursed her lips and typed a chat for him, wishing him good luck. Sumagot naman ito kaagad kaya sandali lamang niyang naialis sa screen ng phone ang atensyon niya.
Armani Reino De Alba: I feel ten years older because of law school.
Napangiti siya nang hindi namamalayan habang nagtitipa ng sagot.
Teisa Mercado: Nasa klase ka. Dapat hindi ka nagcha-chat, eh.
Her phone vibrated after a minute.
Armani Reino De Alba: I have priorities.
Her heartbeat doubled. Armani has been giving hints in the past weeks. Kapag wala itong pasok ay sa hacienda dumidiretso. They would visit her parents' grave or take a walk around the hacienda.
Madalas ay sakay rin sila ng kariton na hila ni Islaw para magtungo sa ilog, ngunit sa kabila ng nagiging takbo ng kanilang samahan ay pinipigilan ni Teissa ang umasa. Sabi nga ni Maia sa kanya, hangga't hindi ito nanliligaw ay hindi siya dapat mag-isip na gusto rin siya nito dahil masasaktan lamang siya.
They exchanged a few more chats before she decided not to respond anymore so Armani can focus on his class. Bumalik na lamang siya sa mansyon na mabagal ang lakad. Dinarama ang sariwang simoy ng hangin sa kanyang bawat hakbang.
Malapit na siya sa mansyon nang matanaw niya ang kapatid na umiiyak habang patakbong nagtungo sa sasakyan nito. Sinubukan pa itong habulin ng kanilang Tiyo Melchor ngunit sumakay na si Tammy ng kotse at nagmamadaling umalis.
"A-Ate!"
Napatakbo si Teissa para habulin ito ngunit nakalayo na nang tuluyan ang kotse.
Nag-aalala siyang bumaling sa kanyang tiyo. "Tito, ano pong nangyari? Bakit umiiyak si ate?"
Her uncle sighed. "Get inside, sweetheart. I'll go after your sister."
"Sasama po ako--"
"No, Teissa." Gumuhit ang matinding lungkot sa mga mata nito. "Ako na lang muna. Ako ang dapat umayos nito."
Gusto pa sana niyang magpumilit na sumama ngunit tuluyan nang umalis ang kanyang tiyuhin. Napasunod na lamang siya ng tingin sa sasakyan habang hindi alam kung ano ang dapat maramdaman.
She went inside and tried to wait for her sister to return, but she didn't. Tammy ran away and refused to come home no matter how hard they all tried to convince her. Awang-awa tuloy siya lalo sa kanyang lolo Lino na sinisisi ang sarili nito sa nangyari.
TEISSA sighed as she stared at the empty plate next to her. Dama niya ang pagtitig ng kanyang tiyo Melchor sa kanya dahil mukhang nahahalata nitong wala siyang ganang kumain.
Her grandfather put down his utensils. Sabay-sabay silang napabaling sa matanda nang pilit na itong tumindig gamit ang baston.
"Pa, you barely touched your food," paalala ng kanyang Tiyo Melchor sa ama.
Sumenyas ito na tila sinasabing pabayaan lamang ito. "Sige na, kumain lang kayo r'yan. Busog na ako."
Bumagsak ang mga balikat ni Teissa. Walang ganang kumain ang kanyang lolo magmula noong lumayas ang ate Tammy niya. Madalas niya rin itong nakikitang malayo ang tingin at may lungkot sa mga mata. Awang-awa tuloy siya rito. Ang tiyo Melchor naman niya, tila palaging hirap makatulog sa gabi dahil palaging naiisip ang ate Tammy niya.
Everyone of them worries about Tammy. Kahit na sinasabi ni Argus na ligtas naman ito ay hindi nila maiwasang mag-alala. Lalo na siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang tunay na dahilan kung bakit ba ito nagdesisyong lumayas.
She sighed and tried to eat as much as she still can. Nang matapos kumain ay pumanhik siya sa itaas para hanapin ang kanyang lolo.
Gusto niya itong pasayahin kahit papaano ngunit ganoon na lamang ang pagkabasag ng puso niya nang makita niya ito sa silid ni Tammy. Hawak nito ang isa sa mga picture frame na naka-display sa silid ng kapatid niya habang may mga luhang nangingilid sa mga mata.
Teissa swallowed the lump in her throat before she finally went in. Kaagad na nagpunas ng luha ang kanyang lolo saka ito pekeng ngumiti.
"Apo . . ."
She forced a smile before she held onto her grandfather's arms. "Lo, bumabagsak na ang katawan mo dahil hindi ka gaanong kumakain. Nag-aalala na po kami sa'yo."
Humugot ito ng hininga saka siya inakbayan. "Huwag mo na akong intindihin. Malakas pa ako sa kalabaw." Basag itong ngumiti bago ibinalik ang tingin sa picture frame na hawak. "Tingnan mo, apo. Sa kabila ng malaking tampo ni Tammy sa akin, itinatabi pa rin pala niya rito ang paborito naming larawan."
Teissa stared at the photograph. Kuha iyon noong pangatlong birthday ng kanyang ate Tammy. Buhat ng kanilang Lolo Lino ang kapatid niya habang parehong nakakulay pink ang mga ito.
"Miss na miss ko na ang ate Tammy mo, apo. Minsan naiisip ko, kung ako na lang kaya ang naunang nawala imbes na ang Lola Teresa ninyo, magiging rebelde kaya si Tammy? Siguro ay hindi." Nangilid ang mga luha nito. "Pasensya na, apo. Sa lahat ng pagkukulang ko. Lalo na sa paghihigpit ko sa inyong magkapatid. Ayaw ko lang na mawala kayo sa tamang landas, kaya lang siguro ay tama ang ate Tammy mo. Sumobra na ako at hindi ko na namalayang . . . nasasaktan ko na siya."
Teissa swallowed the lump in her throat. Hinagod niya ang palad sa dibdib ng kanyang lolo saka siya pilit na ngumiti. "Nami-miss ka rin niyan ni ate, Lo. Ipagdasal na lang po natin bukas na maliwanagan na ang isip niya nang umuwi na siya."
Basag itong ngumiti. "Iyang polo ko, ang ate Tammy mo ang pumili niyan. Gustong-gusto niya iyon dahil pareho kami ng kulay ng damit." Suminghot ito. "Sa tingin ko ay kasya pa iyon sa akin. Iyon na lamang ang isusuot ko bukas kapag nagsimba tayo."
She gently nodded. "Halika na po, Lo. Ihahatid na kita sa kwarto mo nang makapagpahinga ka na."
Hindi na ito nakipagtalo pa. Ihinatid niya ito sa silid nito at pinainom ng gamot. Inalalayan din niya itong makahiga sa kama saka niya inayos ang kumot nito, gaya ng kung paano rin siya nitong kinukumutan noong maliit pa siya.
"Apo, pakiabot mo nga ang larawan," pakiusap nito.
Teissa's chest tightened as she handed the picture frame to her grandfather. Nagpaalam na rin siya rito ngunit bago niya naisara ang pinto ay nakita pa niyang hinalikan nito ang bahagi ng larawan kung nasaan ang mukha ng kanyang kapatid. Niyakap nito ang frame pagkatapos saka ito tuluyang pumikit.
Malungkot na lamang na isinara ni Teissa ang pinto. She wiped the tears that are building up in the corners of her eyes before she pulled her phone out to chat Armani.
Ibinalita niya rito ang nangyari. Maya-maya ay tumawag ito sa kanya. Dali-dali naman niyang sinagot ang tawag ni Armani habang mabagal na naglalakad patungo sa sarili niyang silid.
"Where are you?" he asked in his gentle baritone voice.
"Papunta na ng kwarto. Nasa school ka pa?"
She heard a sigh. "No, love." Aksidente siyang napatingin sa ibaba ng hagdan at nasalubong ang tingin ng bagong dating na si Armani. His lips formed a small smile as his eyes glistened with relief. "Found you."
Napangiti na lamang si Teissa habang nananatili ang titig sa binata. Maybe Armani's presence could never take away all of her problems, but his company during these tough times is everything she could ever wish for.
She inhaled a sharp breath. "Would you . . . let me draw you?"
"Sure." His eyes softened as his lips curved for a sweeter smile. "But you're gonna owe me a date . . ."