Kabanata 8

1835 Words
The whole Catañaz grieved for the death of Don Marcelino Mercado. Everyone remembers him as the strict but loving politician who opened his hacienda to the jobless people of Castañaz. Ang iba ay sinabing malupit ito sa masasama, habang ang ilan ay naalala naman ang pagiging basagulero nito bago nito nakilala ang asawang si Teresa. Kung si Teissa ang tatanungin, hindi niya natatandaang isa itong pulitiko o haciendero. She remembers him as the loving grandpa who sheltered her in his arms during her parents' funeral. Ang taong nagparamdam sa kanyang sa kabila ng sinasabi ng mga taong may dala siyang kamalasan ay ito pa ang pinakaswerteng lolo sa mundo dahil naging apo siya nito. Teissa hugged her knees tighter when she heard another series of knocks followed by Clara's voice. Pang-ilang balik na iyon ng kasambahay ngunit wala talaga siyang lakas para buksan man lamang ang pinto. "Teissa, hindi ka pa rin ba lalabas? Kahit sana kumain ka man lang. Nag-aalala na kaming lahat sa iyo," bakas ang pag-aalala nitong sabi sa labas ng pinto. She pursed her lips and refused to answer. Ilang araw nang nakaburol ang kanyang Lolo, ngunit mabibilang pa lamang sa mga darili ang beses na lumabas siya ng kwarto. She's scared that if she'd see her grandpa inside his coffin, his death will finally sink into her mind. She's not ready. Hindi pa niya kayang tanggaping wala na talaga siyang lolo. "Teissa, kahit kaunti lang, oh? Pati si Maia nag-aalala na rin sa'yo," pakiusap muli ni Clara ngunit itinungo lamang ni Teissa ang kanyang ulo. Clara left after getting no response from her. Pinunasan niya naman ang kanyang mga luha saka niya sinalat ang kanyang sketchbook. Teissa flipped the pages and started drawing her grandpa's smiling face, but when her tears begin to wet her sketch, she ended up putting away her sketchbook again. Her grandpa was her first supporter. The man who first taught her how to draw a flower when she was younger. Ngayong wala na ito ay pati ang hilig niya sa pagguhit ay tila unti-unti na ring namamatay. Nagpalipas siya ng maghapon sa loob ng silid. Nakailang balik na rin ang kanyang Tiya Mylene sa kanyang kwarto para yayain siyang kumain ngunit hindi talaga siya napilit ng mga ito. Nang magtakip-silim ay roon lamang siya lumabas, ngunit imbes na sa lamay ang punta ay humakbang ang mga paa niya patungo sa sapa. Hindi niya talaga kaya. Makita pa lamang niya ang kumpol ng mga tao ay naninikip na ang dibdib niya. She wanted to deny this part of her reality. The part that says her grandfather will never be around anymore. Teissa sat next to Islaw and rested her back on his big belly. Wala naman siyang reklamong natanggap mula sa kalabaw, tila maging ang hayop ay dama ang lungkot ng buong hacienda. "Islaw . . ." Suminghot siya. "Bakit gano'n, ano? Bakit kailangang mamatay ng mga tao? Ni hindi man lang nagkita ulit sina Lolo at ate bago siya kinuha ng Diyos." Her tears freely fell down her cheeks while she stared at the twinkling stars up above. Kung hihiling ba siya sa bawat isa roon, ibabalik kaya ng Diyos ang buhay ng kanyang lolo? Pumikit ang kanyang mga mata kasabay ng impit niyang paghikbi. Mayamaya ay nadama niya ang paglapit ng kung sino kaya mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha. She looked at the man walking towards her direction. Nang maaninag niya ang malungkot na mukha ni Armani ay kaagad siyang umiwas ng tingin. Takot na ipakita rito ang lungkot na nakapinta sa kanyang mga mata. Teissa heard him sigh before he sat next to her. Hinaplos pa nito ang katawan ni Islaw bago nito binasag ang katahimikang bumabalot sa kanila. "Hindi ka pa raw kumakain sabi ni Clode," may pag-aalala nitong sabi. Humugot siya ng hininga habang pasimpleng pinupunasan ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. "Hindi ako nagugutom." Nadama niya ang pagtitig ni Armani. "Hindi mo pwedeng pabayaan ang sarili mo. Siguradong malulungkot si Don Lino kung malalaman niyang nagpapalipas ka ng gutom." Basag niya itong nginitian. "Malalaman pa ba niya?" Hindi ito nakasagot ngunit malinaw sa mga mata nitong nakatitig sa kanya ang matinding awa. Teissa suddenly felt guilty for asking him that. Ibinaling niya na lamang sa sapa ang kanyang tingin saka niya nilunok ang namuong bara sa kanyang lalamunan. "Masyadong mapanakit ang mundo, pero dahil kay Lolo, nakatikim ako ng kapayapaan." She inhaled a sharp breath when her eyes swelled with tears. "Sabi nila, may kakambal akong malas kaya namatay ang mga magulang ko. Pinipilit ko sa sarili kong hindi 'yon totoo, pero ngayong pati si Lolo ay wala na, ang hirap lalo na kumbinsihin ang sarili. . . " Basag siyang ngumiti. "Parang 'yong saya na pwede kong matikman sa buhay ay ganyan lang. Parang sa mga bituin lang. Kakarampot . . ." "Teissa. . . " He gently wiped her cheek with the back of his fingers. "Lahat ng tao may kanya-kanyang oras. It's not true that you bring misfortune to others, dahil hindi mo naman kontrolado ang buhay ng ibang tao. Don Lino had reached his prime years. He lived a great life, and now it's time for him to rest." Teissa swallowed the lump in her throat before she flashed another broken smile. "Paano naman ang mga naiwan niya? Hindi pa kami handa. Hindi pa ako handa." "No one ever gets ready to bid goodbye to someone we know we'll never see again, but we have to keep moving no matter how hard it is to continue without them by our side." He tucked her hair behind her ear. "I've read something really nice today." She sniffed. "Ano 'yon?" pagsabay niya sa pag-iiba nito ng usapan. "The book said healing does not mean improvement nor growth. Healing means knowing that we are whole, with just a few broken parts we should learn to put back." Hinaplos nito ang katawan ni Islaw. "Your grandpa's death may have shattered a certain part of you, but if you will slowly put the pieces back together, someday, it wouldn't hurt that much anymore. Hindi man mag-improve ang sitwasyon, hindi man siya bumalik, you'll get by because no part of you was actually taken away. You were just broken by his death. Naniniwala akong gusto niya ring makitang magpatuloy ka kahit masakit." Teissa forced a smile. "Thank you, Armani." He smiled back before he inhaled a deep breath. "I cannot promise you that everything's going to be alright soon. What I can promise you is that you will always have a shoulder to lean on as you go through this." Marahan siya nitong hinatak upang pasandalin sa dibdib nito. "You will never grieve alone, Teissa." Teissa swallowed the lump in her throat before she thanked him. Hindi man napawi ang kirot, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil mayroon siyang nasasandalan na alam niyang naiintindihan ang pinagdaraanan niya. They remained silent and just admired the starry skies while she's silently grieving, until Clara went panting to call her. "Kanina pa kita hinahanap, Teissa. Tawag ka sa mansyon at may mahalaga kayong pag-uusapan ng abogado ng Lolo mo." Tumango siya at hinayaan si Armani na tulungan siyang makatindig. Sinabayan din sila nito sa paglalakad patungo sa mansyon, ngunit habang naglalakad ay napansin niyang tila hindi na maipinta ang mukha ni Armani. Tila mayroong bumabagabag sa kalooban nito. Pagpasok pa lamang ng mansyon ay napansin na ni Teissa ang galit na nakaukit sa mukha ng kanyang tiya Mylene habang kausap ang abogado ni Lolo. "She's eighteen for goodness' sake!" may kalakasan na ang tinig na sabi ng kanyang Tiya Mylene. The lawyer heaved a sigh. "Wala tayong magagawa, Mylene. Either you will honor the agreement your father had made or you will have to leave the hacienda in seven days." "Fine! Ako ang makikipag-usap sa mga trabahador na mawawalan ng trabaho!" Napakunot ng noo si Teissa. "Ano hong nangyayari? Bakit aalis ng hacienda? Mahal na mahal ni Lolo ang hacienda at ang mga trabahador. Bakit aalis?" Bumaling sa kanya ang tiyahin. "Teissa, it's okay. Gagawa ako ng paraan para makahanap sila ng bagong mapagtatrabahuhan." Umiling siya. "Hindi ho, tiya. Hindi ho pwedeng umalis tayo rito. Nandito ho lahat ng alaala ni Lolo. Bakit ninyo hahayaang mawala? Ano ho ba ang problema?" Lumamlam ang mga mata ng kanyang Tiya Mylene. Tila hindi nito alam kung papaano ba ipaliliwanag sa kanya ang sitwasyon kaya sa huli ay ang abogado na lamang ang nagsalita. "Nagkaroon ng malaking problema noon ang lolo mo. Bilang kabayaran sa pagtulong sa kanya, isinanla ang hacienda sa tumulong sa kanya. Nagkaroon sila ng kasunduan na oras na mawala si Don Lino, dalawa lamang ang pwede ninyong pagpilian. Ang ibigay ang buong hacienda sa pamilya ng taong tumulong sa kanya o ang ipakasal ang pinakabata niyang apo sa anak nito." Napakurap si Teissa. "Pinaka. . . batang apo?" Her chest tightened as she unconsciously met Armani's eyes. "A—Ako?" Her Tita Mylene held her arms. "Hindi mo kailangang gawin. It's okay, Teissa. I'd rather see us lose the hacienda than allow you to get trapped in a marriage that you didn't want." Pinasadahan niya ng tingin ang lahat habang nagwawala sa takot ang kanyang dibdib. It feels like the fate of Hacienda Mercado and all its workers lie in her hands. Kung pipiliin niya ang kanyang sarili ay pakiramdam niya'y nagiging maramot siya. Isa pa, kaya ba niyang iwanan ang mansyon? Kaya niya bang lisanin ang lugar na puno ng mga alaala ng kanyang Lolo? Teissa's eyes swelled with tears as she stared at Armani's gloomy eyes. Hindi niya kaya. . . kahit pa alam niya sa sarili niyang mayroon nang nagmamay-ari ng puso niya. "Teissa, 'nak?" Her tita Mylene wiped her tears. "Listen to me. It's okay." Pilit itong ngumiti habang nangingilid ang mga luha. "It's okay. You don't have to make the sacrifice. You . . . you deserve genuine love. You deserve to be with someone who will see the goodness in you. Someone who . . . who will love you as much as we all do. As much as your grandpa loves you." Tumulong muli ang mga luha ni Teissa kasabay ng basag niyang pagngiti. "Hindi ho ba . . . nakakamalas naman ang pagmamahal ko, Tita? Ang . . . presensya ko?" Umiling-iling ito. "That's not true. Sweetheart, that's not true." Suminghot si Teissa. "A-Ayos lang po, Tita. Hindi rin ho kaya ng kunsensya ko na mawawala ang Hacienda sa atin dahil . . . dahil lang gusto kong m-maranasan ang . . . n-naranasan ninyo." Impit siyang napahikbi. "A-Ayos lang po." Her aunt sobbed. "Teissa . . ." She took one final look at Armani before she finally turned to their family lawyer with a heavy heart. "Magpapakasal ho ako." Her heart sunk as she saw Armani walked out of the house. "M-Mawala na ho ang kalayaan ko h-huwag lamang ang haciendang mahal na mahal ni Lolo. . . "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD