"YOU will use your maiden name until you graduate in college. Ang asawa mo na ang bahalang gumawa ng paraan upang mairehistro ang kasal ninyo pero nais niyang ibigay sa iyo ang singsing na 'to bilang simbulo ng pagiging mag-asawa ninyo."
Teissa silently let out a breath as she accepted the ring. Walang gana niya iyong isinuot sa kanyang palasingsingan saka niya tinitigan ang mga papeles na katatapos lamang niyang pirmahan.
The parts for her husband's details were still left empty. Siguro ay pinauna talaga siyang papirmahin nang hindi niya malaman kung sino ang kanyang napangasawa.
"He must be powerful or has a lot of connections for him." Basag siyang ngumiti sa abogado. "Kung hindi naman po ay hindi niya maiparerehistro ang kasal, 'di po ba?"
Dinampot ng abogado ang mga papeles. "Sabihin na lamang nating may mga kakilala siya at ang kanyang pamilya na kayang gawaan ng paraan ang mga ganitong bagay, hija." Hinawakan nito ang kamay niya't marahang piniga. "Huwag kang mag-alala. Kilala ko si Don Lino. Hindi iyon basta lamang papayag sa kasunduan kung hindi siya panatag na mapupunta ka sa mabuting kamay."
Pilit na lamang na ngumiti si Teissa. She wanted to avoid discussing about her grandfather. Ni ang mabanggit ito ay ayaw niya dahil mabilis niyang naaalala ang pagkawala nito. Hindi pa rin niya iyon matanggap hanggang ngayon kaya gabi-gabi pa rin siyang umiiyak.
Mukhang napansin ng abogado ang paglungkot niya kaya humugot ito ng hininga bago tuluyang tumayo. "Magkita na lamang tayo oras na nairehistro na ang kasal ninyo, hija."
Tumango na lamang si Teissa. She waited for him to leave her grandpa's study room before she decided to go upstairs. Kailangan na niyang iligpit ang mga gamit na bibitbitin niya sa Maynila.
Her husband wants her to stay in a condo he purchased for her. Malapit iyon sa university kung saan siya mag-aaral ng fine arts. Ang sabi sa kanya ng abogado ng kanyang lolo ay hindi naman sila magsasama ng kanyang asawa roon. Siya lamang ang maninirahan sa condo dahil bawal pa niya itong makilala hangga't hindi pa siya nagtatapos ng pag-aaral.
Teissa glanced at the door when she heard it opened. Her uncle Melchor came in with a hint of guilt in his eyes.
"Natawagan ko na ang Tita Mylene mo. Clode is on his way to take you to the condo where you will live." Bumuntonghininga ito. "Pasensya ka na, Teissa. If only--"
"Huwag . . ." She swallowed the lump forming in her throat. "H-Huwag n'yo po sanang sisihin si . . . si Lolo. N-Nasasaktan po ako kapag . . . sinisisi siya ni Tita Mylene kung bakit kailangan kong sumugal sa kasunduan."
Lumamlam ang mga mata ng kanyang tiyo Melchor. "Hindi ko sinisisi si Papa. Ang sarili ko ang . . . gusto kong sisihin, Teissa."
Napaangat siya ng tingin sa kanyang tiyuhin. "Po?"
Bumuntonghininga ito saka siya kinabig upang yakapin. Dama niya ang matindi nitong lungkot. Tila ayaw na ring magsalita pa tungkol sa unang nasabi kanina.
"Mag-iingat ka sa Maynila. Palagi mo akong tatawagan nang alam ko ang nangyayari sa'yo roon. Huwag kang mag-alala. Hindi ko pababayaan ang hacienda. Sisiguraduhin kong magiging masaya ka sa tuwing uuwi ka rito."
Nilunok na lamang ni Teissa ang basa sa kanyang lalamunan. Masakit pa rin sa kanya na lilisanin niya ang hacienda ngunit wala na siyang ibang pagpipilian. Her fate is no longer in her hands. May iba nang nagdedesisyon para sa kanya ngayon at kailangan niya iyong respetuhin alang-alang sa napagkasunduan.
Suminghot ang kanyang tiyo Melchor. "Lalabas muna ako nang makapag-empake ka."
Pilit itong ngumiti saka na umalis ng kanyang silid. Napaupo naman si Teissa sa kama bago siya nagpakawala ng malalim na hininga.
Her heart feels so heavy. Pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya dahil sa patong-patong na sakit na nadarama. She grieves for her grandpa's death, mourns for her freedom, and silently cries for the love she couldn't keep in her heart anymore.
Dinukot niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang Messenger niya. Armani kept her last message on read. Hindi tuloy niya alam kung galit ba ito sa kanya. Huli kasi nilang usap ay bago niya nalamang ipakakasal siya. Armani showed up during the funeral, but he didn't say a word nor look her in the eye.
Teissa pursed her lips as she clicked on his profile. Kumirot ang kanyang puso nang matitigan ang larawan nito. She misses him so much. Ngunit ngayong mayroon na siyang asawa, kailangan na niyang pag-aralan kung paano aalisin ang nararamdaman para kay Armani, gaano man kahirap gawin iyon.
Armani is her first love. The man of her dreams. The one who made her fragile heart feel the things she never thought she would feel at a young age. Magiging impokrita siya kung sasabihin niyang kaya niya itong kalimutan. Ngunit kahit naman anong gawin niya, hindi niya na maaari pang panatilihin sa kanyang puso ang pagmamahal niya para rito.
Teissa sighed before she continued packing her stuff. Dumating si Clode makalipas ang isang oras. Hindi na rin sila nagtagal dahil may pupuntahan pa itong gig pagkatapos siyang ihatid. They went on a long drive to Manila and then parted ways after Clode had dropped her at her husband's condo.
She spent the first day unpacking her stuff. Nang natapos ay nagbabad siya sa bath tub. Sinubukan niyang alisin ang lungkot sa kanyang dibdib ngunit habang tumatagal na nararamdaman niya ang katahimikan ng lugar, mas lalo lamang naninikip ang kanyang dibdib.
Mag-isa na lamang siya sa lugar na ito. Nagbago na ang lahat sa isang iglap . . .
She sighed and finished her bath. Tinuyo niya ang kanyang buhok at nagbihis para makapag-order siya ng pagkain sa restawran sa ibaba ngunit habang nag-aayos ng sarili ay tumunog ang phone line sa silid.
Teissa hesitated at first but she ended up answering the call. "H--Hello?"
"Hello, wife . . ." said the familiar baritone voice on the other line.
Napakunot ng noo si Teissa. Bakit parang kilala niya ang tinig na iyon?
Lumunok siya sandali. "I--Ikaw ba ang . . . ikaw ba ang nagpakasal sa akin sa papel?"
The man chuckled softly as if she just said something ridiculous. "I didn't just marry you in papers, Teissa. Things are just complicated right now but I assure you that our marriage isn't just going to be bounded by those papers."
Napakurap siya nang may init na nadama sa kanyang puso. The way he called her name, why did it sound so familiar? Saka ang mga salitang binitiwan nito, bakit parang nakakataba ng puso?
"Did you like the ring, love?" tanong nito ilang segundo matapos niyang matahimik.
Love . . .
Parang tinambol ang kanyang puso. His voice, that endearment, his effect, why did it all seem like it was coming from . . .
"Armani? I--Is that you?"
The man paused and all she heard on the other line was his heavy sigh. Bigla tuloy siyang tinamaan ng hiya. What was she thinking? Bakit niya naman iisiping si Armani ang kanyang asawa?
"I'm . . . I'm sorry. I thought you're someone I know. Ka--kaboses mo kasi."
Gusto niyang sampalin ang sarili. Ilusyonada yata siya! Si Armani pa talaga ang naisip niya? Napailing siya. Iba yata ang epekto ng lungkot sa kanya. Kung ano-anong kahibangan ang pumapasok sa kokote niya.
"It's fine. You don't have to say sorry," her husband answered in a breathy way before he cleared his throat. "How's your trip?"
Sumandal siya sa pader. "Ayos lang," she said, sounding dry and uninterested.
Narinig niya ang paghugot nito ng hininga. "I hope you liked the place."
Teissa ran her fingers onto her hair. "Uhm, yeah. Okay naman." She sighed. She hates it here. "Okay naman ang condo. Maaliwalas. Maganda."
"Good to hear that you liked it." He went silent for a few moments before he sighed. "Saan ka kakain ng dinner?"
"Uhm, may resto sa baba. Baka doon na lang. O-order lang sana ako kaso . . . parang mas gusto ko na lang bumaba at doon na maghapunan," sagot niya habang tinititigan ang sahig.
"Are you going now?" he asked.
"Y--Yes."
"Alright."
Bigla na lamang siyang binabaan ng kanyang asawa ng tawag. Napakunot tuloy ng noo si Teissa at maya-maya ay umiling. Looks like her husband isn't a fan of saying I love you's or take care before ending a call.
Good. Dahil hindi niya rin naman gustong magsabi nang ganoon sa isang lalakeng hindi niya kilala.
Teissa put the phone down and finished combing her hair. Nang matapos ay umalis na siya ng unit upang magtungo sa resto.
She casually walked in wearing a poker face. Wala naman sana siyang balak pasadahan pa ng tingin ang lugar kaya lang ay aksidenteng nahagip ng kanyang tingin ang isang bahagi ng resto.
Bigla na lamang siyang napahinto sa paghakbang nang makita ang isang pamilyar na bultong naroroon din at umo-order ng pagkain habang nasa mesa ang ilang makakapal na aklat.
Sinubukang kusutin ni Teissa ang kanyang mga mata dahil baka namamalikmata lamang siya. Ngunit kahit anong kurap niya ay talagang hindi ito naglalaho sa pwesto nito.
That built, those eyes behind his glasses, and those pursing lips. Hindi siya pwedeng magkamali. Kilala niya ang lalakeng iyon. Kilalang-kilala niya . . .
As if he felt her staring, his gaze drifted towards her before he flashed a sweet, genuine half smile like he didn't ignore her last chat to him.
"Armani . . ."