Kabanata 10

1739 Words
KUMURBA ang mga labi ni Teissa kahit pa namula ang kanyang magkabilang pisngi matapos siyang kawayan ni Armani. Her heartbeat went wild again after seeing his mesmerizing smile that seems to bewitch her all the time. Maging ang mga ingay sa paligid ay nawala at tanging ang nakakakuha na lamang ng buong atensyon niya ay ang binatang titig na titig sa kanya ngayon. "Teissa, come over here and join me," tawag ni Armani. Parang doon pa lamang bumalik ang konsepto ng oras para kay Teissa. Nahihiya man ay pinili niyang huwag biguin ang binata sa pagtawag nito. Tumikhim siya at naglakad patungo sa mesang inookupa nito habang pigil niya ang pagsilay ng mas malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Her cheeks blushed even more when Armani stood up to pull a seat for her. God, she almost tripped after seeing his overall outfit. Napakagwapo nito habang nakasuot ng suit and tie na tinernuhan pa ng salamin sa mata. He smells expensive, and stands like he's effortlessly declaring that he's someone who deserves respect. "K-Kumusta ka na? Hindi ko alam na nandito ka," nahihiya niyang sabi pagkaupo. He gave her a slight smile before he took a seat. Teissa couldn't help but gulp when his biceps flexed effortlessly after he stroked his hair towards the back. He even moistened his lower lip with the tip of his tongue while looking at her. Patago tuloy na napahigop si Teissa ng hininga. "My unit is on the twenty seventh floor," tugon ni Armani bago nito dinampot ang baso ng champagne. Napakurap si Teissa. "Twenty seventh? Doon din ang unit ko." "Is that so?" Sumilip ang multong ngiti sa mga labi nito kasabay ng pag-iwas sandali ng tingin, ngunit kahit noong sumisimsim na ito ng champagne ay nakikita pa rin ni Teissa ang maliit na kurba sa mga labi nito. Hindi niya alam kung bakit pero tila ba hindi ikinagulat ni Armani ang sinabi niya. Not that she still thinks that Armani is her husband. She wants to save herself from humiliation so she just assumed that Armani already knows because of her relatives. Sandaling tumikhim si Teissa. "Akala ko masama ang loob mo sa akin kasi hindi mo nire-reply-an ang huling chat ko." "Oh, that?" Humugot ito ng hininga bago pilit na ngumiti. "I just . . . I just got really busy. That's all." "Ah." Nahihiyang ngumiti si Teissa. "Sorry, nag-assume kaagad ako." Armani straightened his back before he cleared his throat. "What do you want for dinner? Let me order for you, Teissa." Nilapag nito ang baso sa mesa bago bahagyang niluwagan ang necktie kaya aksidente niyang napansin ang bago nitong singsing. A plain gold ring . . . Napababa siya ng tingin sa suot niyang singsing. It's . . . almost identical. "Teissa?" tawag ni Armani nang walang nakuhang tugon mula sa kanya. Napabalik siya ng tingin sa mga mata nito. "Uhm . . ." Napakamot siya ng kanyang patilya bago niya dinampot ang menu na nasa mesa. "Ngayon pa lang ako kakain dito kaya hindi pa ako pamilyar sa mga pagkain." "Why don't you try their chicken alfredo?" suhestyon nito. She flashed a shy smile before she nodded. "That sounds great." Muli siyang napasulyap sa singsing nito. Is it the same? Parang hindi naman. Ayaw naman din niyang mag-assume. Armani called the waiter and ordered for them. Habang nagsasalita ito ay hindi niya maiwasang mamangha habang pinagmamasdan si Armani. He's very classy from the way he speaks to the way he sits. His aura screams dominance and power that even in a sea of elites, she knows Armani will still stand out. Muli ay nabaling sa singsing na suot nito ang kanyang atensyon. She tried to recall a memory of him wearing the ring before. Pero bakit parang ngayon lamang talaga niya iyon napansin na suot ni Armani? "Do you want anything else?" She was caught off guard when he suddenly looked at her. Mukhang nahuli pa siya nitong nakatitig na naman sa singsing kaya kaagad na siyang umiling at umiwas ng tingin bago pa nito mapansin ang pagpula ng kanyang pisngi. Matapos magpaalam ng waiter ay muling bumaling sa kanya si Armani. Ibinaba nito sandali sa bakanteng silya ang mga aklat saka itinuon ang buong atensyon sa kanya. "How are you?" he asked in his gentle voice that she's grown too familiar with. Pilit niyang nilunok ang tila namuong bara sa kanyang lalamunan dala ng hiya saka niya sinalubong ang nakatutunaw na tingin ni Armani. Those eyes, it's both fascinating and scary to know what power it has over her. Tila kaya siyang pasunurin sa isang titig lamang o hindi kaya ay kayang silipin hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso. "I'm fine, I guess . . ." She shifted to her seat. "Medyo malaking adjustment lang ang gagawin at hindi ako sanay sa syudad." Napansin niyang napunta sa kanyang wedding ring ang tingin nito. She noticed how his jaw slightly moved as the sparkle in his eyes faded. Tila hindi nito nagustuhan ang nakita sa kanyang daliri dahil napansin niyang dumilim ang ekspresyong nakapinta sa mga mata nito. Armani inhaled a sharp breath as he tapped his fingertips on the table. "How are you coping up?" he asked. Ang tinig ay mas seryoso na ngayon. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Teissa. "With lolo's death?" His eyes glistened with guilt as he flashed a bitter smile. "With being married." Hindi kaagad nakakibo si Teissa. Bakit ganoon? Even in his tone, there was an underlying sadness she didn't know where really came from. "A-Ayos lang." Bumuga siya ng hangin bago pilit na ngumiti rito. "Wala naman din akong choice. I have to do it for the hacienda and for those who work for us." Isinangkal ni Armani ang siko nito sa armrest ng silya saka nito hinaplos ang panga gamit ang dulo ng mga daliri. Ang mga mata ay tila nag-oobserba habang nakatitig sa kanya. "What can you say about being married to your husband?" She sighed and looked at him again. Doon niya napansin kung gaano kaseryoso si Armani sa tanong nito na tila ba hindi siya pwedeng hindi sumagot. Pakiramdam tuloy niya ay nasa witness stand siya habang ito ang abogado. It's like she's being compelled to tell him the truth and nothing but the truth. "Well, it's only just been a few days at isang beses ko pa lamang naman siyang nakakausap. He bought me a condo and . . . he's not the type who says take care by the end of the call which is good, I think. Since hindi naman talaga namin mahal ang isa't isa." He lifted a brow. "But what if he'll start saying it to you once you're already comfortable with him?" "Eh 'di okay lang din. Wala namang masama. Asawa ko naman siya. Sabi nga niya ay . . . hindi lang daw kami sa papel mag-asawa." She faked a scoff. "Ang weird lang pakinggan no'n dahil hindi nga kami nagkita bago ako pumirma ng marriage contract." She saw his eyes twinkled with something in a split second. Maging ang sulok ng labi nito ay kumurba nang bahagya at ang ekspresyon ay tila umaliwalas. "What about your ring? Nagustuhan mo ba?" Napakunot siya ng noo sa tanong nito nang maalala niya ang tanong ng kanyang asawa. Bakit ganoon? Bakit pareho sila ng tanong ni Armani? Tumikhim ito nang tila mahalatang napaisip siya. "I'm just curious. No need to answer it if you're not comfortable." "No, no it's fine. I uh . . ." Tiningnan niya ang singsing. "Honestly, I like it. It's simple. Hindi takaw pansin gaya ng gusto ko. I just think it's expensive." "Well, it's worth the price, I think?" He lifted his glass of champagne and sipped before he spoke again. "Kung ikaw ang pagbibigyan ng singsing, dapat pa yata ay triple ang halaga." "Hindi mo naman ako kailangang bolahin. Isa pa, ano naman ang halaga ng singsing kung . . ." Napabuntonghininga siya at mapaklang napangiti habang nakatitig sa singsing. "Kung ako lang din naman ang nagsuot sa sarili ko?" Tumikhim ito. "Does it matter? 'Yong hindi siya mismo ang nagsuot sa'yo ng singsing?" "Oo naman." Bahagyang kumirot ang kanyang dibdib. "Bata pa ako pero . . . hindi naman ibig sabihin ay wala na akong pangarap na kasal." Napansin niyang natigilan ito mula sa muling pag-inom. Natahimik din ito ng ilang sandali bago umayos ng upo at humugot ng malalim na hininga. "Why? What's your dream wedding, Teissa?" Her dream wedding? Inalala niya ang mga panahong pumapasok siya sa movie room sa mansyon para panoorin nang paulit-ulit ang wedding video ng kanyang lolo at lola. She will never forget how she cried the first time she saw it. Her lolo and lola's love was so pure and unconditional that even the lenses captured it. She wants that. Not just that kind of wedding but the love her lolo and lola shared. Naging payak ang kanyang ngiti ngunit maging ang mga mata niya ay kumislap dahil sa alaalang iyon. "I . . . I want a church wedding like what lolo and lola had. Hindi masyadong marami ang bisita. Iyon lang mga malalapit sa akin at sa pakakasalan ko. My wedding gown will be inspired by Filipiniana while my groom would wear a barong. I want it to be intimate, mula sa wedding ceremony hanggang sa reception. I want the priest to be Father Magbanua from our parokya dahil siya ang nagbinyag sa akin. Gusto ko iyong reception sa may kamalig. May mga bumbilyang maliliit na nakasabit sa ceiling na mukhang mga alitaptap. Si Islaw, gusto ko siya ang sakyan mula sa gate ng hacienda hanggang sa venue ng reception, tapos magsasayaw kami ng groom habang lahat ng bisita may hawak na lusis." Mahina siyang natawa habang umiiling. "Medyo weird lang pero 'yon ang gusto ko kung . . . kung nagkaroon ako ng pagkakataong pumili ng pakakasalan." Armani stared into her eyes as if he imagined her dream wedding exactly how she pictures it on her mind. "It's perfect, Teissa. I would love to see you in that Filipiniana wedding gown someday." She gave him a shy smile. "Kung pakasalan ako sa simbahan ng asawa ko," biro niya. Armani's lips stretched wider as he lifted his glass of champagne near his lips. "Oh, don't worry he will." He sipped on his glass while staring at her. "He definitely will . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD