NAGING malaking palaisipan kay Teissa ang sinabi ni Armani sa restaurant dalawang linggo na ang nakararaan.
Kapag sinusubukan niyang tanungin ang binata kung ano ang ibig nitong sabihin, napapansin niyang iniiba rin kaagad ni Armani ang takbo ng kanilang usapan kaya inisip na lamang niyang maaaring may alam ito tungkol sa kanyang asawa ngunit hindi rin maaaring magkwento dahil sa kasunduan.
She still doesn't want to entertain the idea that Armani is her husband. Hindi naman siya ganoon kailusyonada para isipin na pipiliin siya nitong mapangasawa.
Armani, after all, is a fine young man. He can have every woman he wants. Modelo, artista, mayayamang babaeng hindi kailangang isuko ang kalayaan para isalba ang kanilang lupain.
She's definitely not the type of girl Armani would settle for so she's saving herself from humiliation and heartbreak.
Alam niya namang friendly lang si Armani dahil kapatid siya ni Tammy. Isa pa, nasabi na nito noon na naaalala nito si Arida sa kanya. That's probably his way of letting her know that she's only a younger sister to him.
She's technically married to someone else now. At kahit na hindi niya pa nakikita ang kanyang asawa, ayaw niyang bumali ng isang sagradong relasyon dahil para sa kanyang lolo ay napakaimportante ng kasal. Tradisyunal man ang kasal niya o hindi. Bunga man ng pag-ibig o hindi.
Besides, her husband is a sweet guy. Araw-araw siya nitong tinatawagan para siguruhing maayos ang lagay niya. May mga pagkakataon din na kapag nalulungkot siya dahil nami-miss niya ang lolo niya ay gumagawa ito ng paraan para gumaan ang kanyang pakiramdam tulad ngayon.
"Pakipirmahan na lang po dito, Ma'am. Bayad na po 'yan," anang delivery boy na may dalang pizza, isang tub ng ice cream, at bungkos ng mga bulaklak galing sa asawa niya.
Teissa signed the receipt and thanked the delivery guy. Nang maisara niya ang pinto ay kaagad niyang kinuha ang card na nasa bulaklak.
Hindi napansin ni Teissa na sumilip na pala ang multong ngiti sa kanyang mga labi matapos mabasa ang mensaheng, "I can't be there but let's watch a movie together, wife".
She smelled the flowers and put it down. Hindi naman nagtagal ay nag-ring na ang telepono gaya ng inaasahan. Alam niyang ang asawa niya iyon kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip na sagutin.
"Hello?"
"Did you like the flowers, hmm?"
"Yes. Salamat ha?" nahihiya niyang sagot.
"Anything for you." Tumikhim ito. "Open the TV and go to Netflix. Let's watch the same movie."
"Okay." Dinampot niya ang remote at sinunod ang sinabi nito. "Anong title uhm . . ."
"Why?" may lambing nitong tanong nang mapatigil siya sa pagsasalita.
Sandali siyang nag-isip. "Ano kasi, hindi ko pa rin alam ang pangalan mo at minsan nahihirapan ako. Hindi ko alam ang dapat na itawag sayo."
"You know I can't tell you my name yet, baby."
She bit her lower lip. Why is she starting to like the endearment he's using?
Narinig niya itong bumuntonghininga. "Who's your favorite hero?"
Kinutkot niya ang laylayan ng kanyang t-shirt habang tinitimbang kung sasagutin ito dahil baka mamaya ay tawanan siya pero sa huli ay pinili ni Teissa na magsabi ng totoo.
"Si . . . Si Andres Bonifacio."
"Well then call me that way for now."
Napakunot ng noo si Teissa. "Huh? Sigurado ka?"
"I was expecting you to say Steve Rogers or Peter Parker but Andres Bonifacio sounds good, too." Mahina itong natawa. "Let's just hope I don't die the way he did, hmm?"
"Ay, huwag na baka hindi ka rin kumportable ayos lang naman—"
"It's fine, baby. It sounds special since he's your favorite."
"Si—Sigurado ka?"
"Yes," he said in a breathy way. "What do you wanna watch?"
Tuluyan na siyang namili ng panonoorin nila. Natuwa naman si Teissa dahil sa tuwing may nagugustuhan itong bahagi ng movie ay sinasabi sa kanya. Para na rin silang nanonood nang magkasama, at sa totoo lang, mas lalong nagiging kumportable si Teissa dahil sa effort nito.
When the movie was finished, napahikab si Teissa dala ng antok. Wala siyang klase bukas kaya balak niya sanang umuwi ng Castañaz para dalawin ang mga tao sa hacienda at pati ang puntod ng mga pinakamamahal niya. Ngunit bago iyon, kailangan muna nga pala niyang makapagpaalam sa asawa.
"Uhm, A—Andres, pwede ba akong pumunta ng Castañaz bukas? Hanggang sa Linggo sana ako roon."
Napansin niyang natahimik ito sandali na tila nag-iisip kaya kinabahan siya na baka hindi siya payagan.
"Sinong susundo sayo?" he asked after a few moments of silence.
She stood up and went to the kitchen to get herself a glass of water. "Wala eh pero madali lang naman sigurong mag-bus?"
"It's not safe, Teissa."
Bumagsak ang kanyang mga balikat sa pag-aakala na hindi siya papayagan ng asawa kaya sasabihin niya na sanang hindi na muna siya tutuloy ngunit muli itong nagsalita.
"I'm gonna ask someone to pick you up just to make sure you'll be safe. Anong oras mo gustong bumyahe?"
Umaliwalas ang kanyang mukha dahil sa narinig. "Talaga? Thank you, Andres! Kahit mga alas kwatro na lang ng madaling araw kung ayos lang."
"You don't have to thank me. Alright, go to bed so you won't miss your trip."
She pursed her lips for a moment. "Sige. Goodnight."
"Goodnight, Teissa. I . . ."
Napakunot siya ng noo nang marinig niya itong bumuntonghininga na tila nahihirapang sabihin ang sinasabi kanina. "Ano 'yon, Andres?"
"Nothing, baby. Sleep tight. I'll call you tomorrow."
Napatitig na lamang si Teissa sa phone nang maputol ang tawag. Pang-ilang beses na ba iyon na parang may nais sabihin ang asawa niya pero hindi rin nito naitutuloy na parang tinatamaan ng hiya.
She just sighed and shrugged the thought away. Hindi niya ito pipilitin kung may hindi pa handang sabihin.
Kung anuman iyon.
GAYA NG SINABI ng asawa niya ay mayroon ngang sumundo kay Teissa para ihatid siya sa hacienda Mercado. Nagpakilala ang lalakeng Alec. Isa umano sa mga kaibigan ng asawa niya.
Alec is a young man probably just a couple years younger than Armani. He's intimidating in a sense especially when he's not really such a great talker. Hindi naman suplado ngunit tila ilag na makipagkwentuhan nang matagal. Isa pa, bakit pakiramdam niya ay nakita niya na ito noon?
"We'll take a car from here to the building where the helicopter is."
Napakunot siya ng noo. "Helicopter?"
Tumango si Alec. "We'll take the helicopter from there to hacienda Mercado."
Nanlaki ang mga mata niya. The Mercados may have the money but she didn't think they are that rich to take helicopter rides from Manila to Castañaz. Sino ba ang napangasawa niya at bakit parang napakamakapangyarihang tao?
Hindi na lamang siya nagkumento. Naging tahimik din siya habang nasa byahe sila patungo sa building ng tingin niya ay isang pharmaceutical company. Nakahilera sa basement ang iba't ibang mamahaling sasakyan at big bike. Nang may madaanang pamilyar na sasakyan ay napakunot siya ng noo.
"Is that Clode's car?" she couldn't help but ask.
Tumango lamang si Alec. "Yeah." Pinindot nito ang elevator button. "Let's go, Teissa."
Sumama na lamang siya kay Alec patungo sa helipad. Tinulungan naman siya nitong maisuot ang lahat ng straps at helmet bago ito nagtungo sa pilot seat.
Teissa was in total awe when the helicopter went up. Sila lamang ang sakay at iyong co-pilot ni Alec. Hindi niya pa nararanasang sumakay ng ganoon kaya naman halos nakatanaw lamang si Teissa sa labas buong byahe hanggang sa marating nila ang hacienda Mercado.
Nang tumigil ang helicopter ay tinulungan siya ni Alec na makababa. Sinalubong naman siya ng mga tauhan sa hacienda na halatang nanabik din sa kanyang pagdating.
"Aalis na rin kami, Teissa. I hope you enjoyed the trip," ani Alec.
Bumaling siya sa dalawa at nagpasalamat. Nang makaalis na ang mga ito ay sumama siya sa mga tauhan patungo sa kanilang mansyon.
She noticed some new furniture inside the mansion. Maging ang mga hindi naipa-repare ng kanyang lolo na bahagi ng mansyon ay napansin niyang gawa na kaya hindi niya naiwasang magtaka.
"Pinaayos ho ba nina tita Mylene?"
Umiling ang kanyang dating yaya. "Hindi, anak. Ang asawa mo ang nagpaayos."
Napakurap si Teissa. "Ang asawa ko? Kilala niyo ho ang asawa ko?"
Napansin niyang nanlaki nang bahagya ang mga mata ng matandang babae, ngunit mayamaya ay umiwas din ng tingin. "Ah eh, hindi pa nga, anak eh bawal daw malaman? Sina Armani lang at mga kapatid niya ang nagpupunta rito para sa negosyo."
"Negosyo? Ano hong negosyo?"
"Sila at si Ser Melchor na ang namamahala sa mga taniman. Naglagay na rin ng kwadra para sa mga bagong dating na kabayo saka imported na mga baka." Alanganin itong ngumiti. "Baka kasosyo nila ang asawa mo?"
"S—Siguro nga ho," nasabi na lamang niya kahit pakiramdam niya ay hindi nagsasabi nang totoo ang matanda. If only it wasn't her yaya who never lied to her, iisipin niya talagang may hindi tama sa mga sinabi nito.
"Halika na, anak nang makapagpalit ka bago ka mag-almusal."
Hinayaan niya na itong igiya siya patungo sa mansyon. Naiakyat na rin sa kanyang silid ang maliit na travel bag niya kaya naman hindi na siya nahirapan.
"Pakisabi naman po kay Maia kapag nakauwi na siya na gusto ko po siyang makita," bilin niya bago umalis ang mga katulong.
She shut the door and walked straight to the bathroom. After taking a shower, Teissa decided to go to the veranda to watch her favorite scenery.
Nilanghap niya ang sariwang hangin kasabay ng pagsara ng kanyang mga mata. Ngunit ilang sandali pa lamang siyang nakapikit, ilang halakhak na ang umagaw sa kanyang pansin.
Her eyes opened and and it almost popped when she saw the group of men riding the stallion horses. Hindi siya maaaring magkamali lalo na nang mapakatitigan ang nauuna at nakasakay sa puting kabayo.
Armani . . .
Napalunok siya nang hindi namamalayan. His toned upper body was in full glory and his lips were stretching for a carefree grin. Kumikislap ang pawisang balat nito sa pagtama ng sinag ng araw. Good God, why can't she take her eyes off of him?
Nagtawanang muli ang mga ito nang may sabihin si Arevalo. Mayamaya ay tila napansin siya ni Argus kaya itinuro siya kay Armani.
Her heart stomped when she saw how Armani's lips formed a sweet smile. Maya-maya ay kumindat ito sa kanya saka muling pinatakbo nang matulin ang kabayong sinasakyan.
Napaawang ang mga labi ni Teissa habang nakasunod ng tingin sa papalayong si Armani.
Did she see it right? Did Armani just wink at her?
Nahagod niya ang nag-alburotong dibdib. This isn't good. May asawa na siya at kahit balik-baliktarin niya pa ang mundo, hindi na siya maaari pang kiligin sa pagkindat na iyon ni Armani . . .