PAGKABABA ni Teissa sa first floor ay siya ring pagpasok ng magkakapatid na Reino De Alba.
They were all laughing about something. Ngunit nang magtama ang tingin nila ni Armani ay kaagad itong tumigil at ngumiti nang matamis sa kanya na para bang mas interesante pa ang kanyang mga mata kaysa sa pinag-uusapan ng mga ito.
God, she almost tripped. His hair was damp with sweat and his shirt was hanging on his shoulder like an expensive piece of cloth being modelled effortlessly. His v-line was so defined that no one would pay attention to his muddy jeans anymore.
Napalunok tuloy si Teissa. Why is this man such a walking temptation?
No. Not just Armani. Halos lahat ng magkakapatid na Reino De Alba ay pawang may mga itsura. Armani just happened to have fiercer, sharper features that made him look dangerously handsome especially when he's not smiling.
Armani's youngest brother, Argus, whistled before he spoke what sounded like Spanish. Hinampas naman ito ni Armani gamit ang face towel.
Argus chuckled. "What? I didn't say anything in particular."
Armani sighed while shaking his head. Imbes na pansinin ang kapatid ay lumakad na lamang ito patungo sa kanya habang isinusuot ang puting t-shirt.
"Lumayo-layo ka kay Arevalo. Nalilihis ka ng landas," dinig niyang sabi ni Armani sa bunsong kapatid na lalake bago tuluyang itinuon ang buong atensyon sa kanya.
Iniwas ni Teissa ang tingin sa hiya. Bakit naman kasi ganoon? Why is she starting to appreciate how his muscles are effortlessly flexing? Kailan pa siya nahumaling sa biceps at abs? Kung kailan may asawa na siya?
Gusto niyang bumuntonghininga kung hindi lang papalapit si Armani. Nang halos isang hakbang na lamang ang maging pagitan nilang dalawa ay halos mawala siya sa sarili. She almost moaned in satisfaction after his natural manly scent intoxicated her. Tila napakasarap nitong singhutin at naiinis siyang nais niyang gawin iyon.
Tiningala niya ito at sinalubong ang mapungay na mga mata. Oh, she could get lost in those pair of mysterious eyes. Parang lagi na lang siyang hinihipnotismo. Tila maging ang kumurap ay hindi niya na magawa pa sa tuwing nakatitig ito sa kanya.
"Wanna join me for breakfast in the gazebo?" tanong nito.
"'Yon! Akala ko matotorpe," dinig nilang asar ni Arevalo dahilan para tingnan ito nang masama ni Armani.
"You better drag your ass out of my sight before I send you back to Cagayan," seryosong banta ni Armani rito ngunit tumawa lamang ang mga kapatid bago sila iniwan upang siguro ay magbihis.
Armani sighed after his brothers went upstairs. "Sorry about that."
Tumango si Teissa. "Ayos lang. Uh, about breakfast, ano kasi . . ." Napakamot siya ng patilya. "Baka may magsabi sa asawa ko at . . . baka sabihin niya na may hindi ako magandang ginagawa so maybe it's a wrong idea to have breakfast with just the two of us?"
Napansin niyang tumaas ang parehong kilay ni Armani. He even pursed his lips together when he cleared his throat as if he's trying his best not to laugh.
Ano naman ang nakakatawa sa sinabi niya? Iyon nga ang sabi sa kanya noon ni Maia. Mabilis daw magselos ang mga lalake kaya dapat ay alam ng babae kung papaano dumistansya. Hindi lang palaging lalake ang didistansya sa pwedeng pagselosan ng kanilang nobya.
Armani cleared his throat. "You don't have to worry, Teissa. Your husband won't get jealous. Ako naman ang kasama mo at hindi ibang lalake."
"Huh? Dahil kilala ka niya? Ibig sabihin pwede rin akong sumabay sa mga kapatid mo, ganoon ba?"
"I doubt that." He smirked and looked at her lips. Maya-maya ay napansin niya ang pagtaas-baba ng adam's apple nito. "You happened to have a possessive husband, Teissa."
She pouted. "Bakit kapag sayo hindi nagseselos?"
His smirk became meaningful. "Like I said, it's me whom you are with . . ."
Napakunot na lamang siya ng noo. Why did it feel like what Armani just said meant something more?
Hindi na lamang siya nakipagtalo nang magpaalam itong maliligo na muna nang presentable ito habang nag-aalmusal kasama niya.
She went to the gazebo on her own. Habang hinihintay si Armani sa gazebo ay nakatanggap ng message request si Teissa mula sa kanyang kapatid. She opened it the instant she saw the message because she was so worried about her sister. Ngunit nang mabasa niya ang chat ay bumagsak ang mga balikat ni Teissa.
Tammy: Kailangan ko ng pera. Transfer the funds tonight and don't tell anyone I messaged you.
She sighed and typed a reply.
Teissa: Ate, kung nagiging problema mo ang pera ay pwede ka namang umuwi. Nandito sa hacienda lahat ng kailangan mo.
It didn't take long before Tammy responded.
Tammy: Huwag mo nga akong pakialamanan? Kung hindi ka malas, hindi ko naman kailangang magipit. Remember that this is all your fault.
Sumikip ang kanyang dibdib sa nabasa. Hindi na ba talaga siya mapapatawad ng ate Tammy niya? Palagi na lamang ba nitong ipapaalala sa kanya na siya ang dahilan ng lahat ng kamalasang nararanasan ng pamilya nila?
Ayaw niyang makipagtalo rito kaya sinabi na lamang niya ritong ipapadala niya ang halagang hinihingi ni Tammy. Her husband is the one giving her money. Hindi na lamang niya sasabihin dito nang hindi magalit sa kanya at kay Tammy.
Hindi na sumagot pa si Tammy sa chat niya kaya inilapag niya ang kanyang cellphone sa mesa. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Armani na bagong ligo na at amoy aftershave pa. Bitbit na rin nito ang tray ng kanilang almusal.
She tried her best not to get too drawn to his scent no matter how tempting it is. Kailangan niyang ipaalala sa kanyang sarili na mayroon na siyang asawa at hindi tama na may kakaiba pa siyang nararamdaman kapag nasa paligid si Armani.
"How was school, Teissa?" tanong nito bago dinampot ang tasa ng black coffee.
"Ayos naman. Medyo naku-culture shock lang ako kasi napakalaki ng pinagkaiba ng mga tao sa Maynila sa mga taga-rito sa Castañaz." Dinampot niya ang tinidor at nagsimulang pumutol sa pancake. "Ang tapang din kasi ng ibang prof."
Armani sipped on his coffee then placed back the cup on his saucer. "Don't worry. You'll get used to it."
"I hope so." She chewed her pancake. "Bakit pala kayo nandito?"
"We're converting some parts of the land into a ranch. 'Yong hindi masyadong natataniman. Gusto ni kuya Arevalo na mag-breed ng mga pangarerang kabayo."
"Is it my tito Melchor's business with the Reino De Albas?" nagtataka niyang tanong.
Umiling ito. "Tito Melchor has nothing to do with it, Teissa. Pero siya ang pinakanamamahala sa taniman."
"Well, then did my husband approve it?"
Hindi niya alam ngunit may kakaibang kislap na dumaan sa mga mata ni Armani nang sabihin niya ang mga katagang "my husband". Even his lips formed a ghost of a smile before he answered her.
"Yeah. Yeah, your man approved it. He thinks you might like Islaw to have more friends here." Tumikhim ito. "We can do horse back riding later if you want."
"Kaso hindi pa ako marunong, Armani pero pwede namang sumakay na lang ako ng kariton na hila ni Islaw." She smiled. "Pwede tayong pumunta sa may ilog kasama ang mga kaibigan ko tutal sasamahan nila ako mamaya sa may sementeryo."
Armani c****d a brow at her. "May I know who these friends are, hmm?"
"Sina . . . sina Maia lang naman at ilang kaklase namin noon sa high school."
"No boys?" tanong nito.
"Wala. Magpapaalam na lang din ako kay Andres. Siguro naman papayag 'yon." Napasimangot siya nang may maalala. "Oo nga pala, bakit hindi pa iyon tumatawag eh ang sabi niya tatawag siya?"
She felt Armani stiffened. Napatitig ito sa kanya at maya-maya ay tumikhim. "Maybe he's just busy or something." He sipped on his coffee.
Nagkibit-balikat siya. "Maybe. O baka may ibang babaeng inaatupag, 'no?" biro niya rito ngunit ganoon na pang ang gulat niya nang halos masamid si Armani sa kanyang sinabi.
"Why did you even think that?" kunot ang noo nitong tanong habang pinupunasan ng tissue ang bibig.
She chuckled softly. "Nagpa-practice lang ako. Alam mo na, baka kapag nagkita na kami ay ma-realize niyang hindi ako ang gusto niyang maging asawa kasi hindi ko naman kasing ganda ang mga babae sa Maynila."
Narinig niya itong bumuntonghininga. "Trust me, Teissa. Your husband will never choose another girl over you. He promised your grandpa that he's going to take good care of you and there's no way he's going to break that for another woman."
Basag na ngumiti si Teissa. "Sana nga, dahil kahit na sabihing pinagkasundo lang kami, alam kong masasaktan pa rin ako oras na maramdaman kong may iba ang asawa ko. Ganoon ang mga napapanood ko sa teleserye." She patted her chest. "Na-train ako ng mga palabas na pinanonood ng mga kasambahay. Pati na ng mga pelikula noon ni Tito Crude."
Armani chuckled softly then shook his head. Maya-maya ay napawi ang halakhak nito at napatitig sa kanyang mga labi habang may matipid na kurbang nakaukit sa mga labi.
Natatawa namang napakunot ng noo si Teissa. "Bakit, Armani? May dumi ba ako sa mukha?"
He sighed and leaned forward, his eyes staring intently at her lips. "It's frustrating to know that your husband didn't get to kiss you when you got married just because your lips are still off limits . . ." Napahugot ito ng hininga. "I bet he'd kiss you every minute if he's given a chance."
Napalunok siya nang may maramdamang kakaibang kuryente sa kanyang katawang naging dahilan para pagdikitin niya ang kanyang mga tuhod. "B—Bakit mo naman nasabi?"
Armani moistened his lower lip before meeting her gaze. "Because I'm unapologetically feeling that kind of frustration right now . . ."