Kabanata 16

1318 Words
"KAYO na po muna ang bahala kay Islaw, ha?" bilin ni Teissa sa kanyang Tiyo Melchor nang maisakay nito ang travel bag niya sa sasakyan ni Armani. Inakbayan siya nito at pinatakan ng halik sa tuktok ng kanyang ulo. "You take good care of yourself, sweetheart." "Opo, Tito. Mag-iingat po ako palagi." She looked at Maia. "Mag-chat na lang tayo o kaya video call." Maia nodded with a smile. "Ingat ka lagi, friend." Hinayaan siya ng kanyang tiyuhin na malapitan si Maia. They hugged each other before Teissa finally waved goodbye to everyone. Nagpaalam na rin si Armani sa mga ito bago siya pinagbuksan ng pinto sa shotgun seat. "Armani, let's talk for a bit," dinig niyang tawag ng kanyang tiyuhin bago pa man naisara ni Armani ang pinto ng kotse. Teissa rolled the window down and peeked her head out to see Armani and her uncle. Lumayo ang mga ito at nag-usap. She could see Armani nodding while her uncle speaks. Maya-maya ay sumulyap ang dalawa sa kanya bago tinapik ng kanyang tiyuhin ang balikat ni Armani. "Sige ho, Nong," dinig niyang paalam ni Armani bago naglakad palapit sa kotse. Umayos naman siya ng upo at hinintay itong makapasok ng sasakyan. "Parang ang seryoso ng usapan ninyo ni Tito," saad ni Teissa habang isinusuot ni Armani ang seatbelt nito. Armani gave her a small smile. "Nagbibilin lang siya. He was also asking about Tammy." "Nagmi-message ba si ate sa'yo?" hindi niya napigilang itanong. Umiling ito. "Kay Argus lang ako nakikibalita." Marahan na lamang na tumango si Teissa. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung gaano ba katindi ang galit ni Tammy sa lolo Lino nila para hindi man lamang ito umuwi noong namatay ang Don. She felt bad because she knew their grandpa loved Tammy so much yet Tammy didn't even visit nor joined them in his funeral. Napapaisip tuloy siya. Ano kaya ang posibleng pinag-awayan ng mga ito para hindi umuwi si Tammy kahit na namatay na ang kanilang Lolo? "Ready to go?" agaw ni Armani sa kanyang atensyon. Teissa inhaled a sharp breath before she forced a smile. "Yeah." Tuluyang pinatakbo ni Armani ang kotse. Teissa stuck her hand out of the window and felt the cold breeze touching her palm as the car moved in a slow and steady pace. Bumilis lamang ang patakbo ni Armani nang malampasan nila ang heganteng gate at naging patag na ang daan. She looked at Armani after rolling the window up. "Maraming salamat pala sa pagsabay mo sa'kin pabalik ng Maynila. Hindi ko na kailangang abalahin pa si Clode." "My pleasure." Sinulyapan siya nito. "Clode is kind of busy, too." "May gigs na ba siya? Recordings?" Umiling ito. "No, but it's his turn now. They're currently planning the design of his own cabin in the clubhouse." "Clubhouse? 'Yon yata 'yong narinig kong pinag-uusapan nila ni Alta noong huling pyesta." Bahagya niyang inianggulo ang katawan niya paharap kay Armani. "Kasali ka rin doon?" "Yeah. Kaming magkakaibigan at 'yong isang kapatid ng kaibigan namin." He smiled at her. "It's a place for the brotherhood intended for bachelors. Dapat hindi na ako kasali but considering some circumstances, they still considered me." Kumunot ang noo ni Teissa. "But . . . you're still a bachelor, right?" Humugot ito ng hininga. "Let's just say I already have plans to exchange vows with my girl in a church a few years from now so technically, I'm officially out of the market yet the chief still considered me, provided that I'll move up as a senior member of the club after I declare my, well, for the lack of a better term, official resignation as a bachelor." Nakaramdam ng kirot sa puso si Teissa. Oo nga pala. Nabanggit nitong balak na nitong mag-settle down kapag hindi na issue ang career nito at ng babaeng mahal. Humugot siya ng malalim na hininga. "Siguro . . . sobrang ganda niya para makuha niya ang atensyon mo." Armani stared at her with admiration. His lips formed a sweet smile as if there was something running inside his mind. "She is. She definitely is . . ." Pilit na ngumiti si Teissa. "Well, I'm . . ." Napahugot siyang muli ng hininga. "I'm very happy for you." Tumikhim siya't sinalat ang unan na nasa backseat. "Pwede bang . . . umidlip muna ako?" "Sure." He smiled. "You can lower your seat so you'll get comfy." Tumango na lamang siya't inayos ang kanyang pwesto. Hindi naman talaga siya matutulog. Ayaw lang talaga niyang ipakita rito ang pananamlay niya dahil sa pagkirot ng kanyang dibdib. Teissa sighed then shut her eyes. She pretended to be asleep while Armani was driving. Kaya lang ay sa haba ng byahe ay hindi naman niya kayang magtulug-tulugan ng ilang oras. She ended up pretending to wake up. May pagkusot pa ng mga matang nalalaman at kaunting paghikab. "What? Palabas pa lang tayo ng Isabela?" she asked after she saw the huge signage. Armani ran his fingers onto his hair. "Yeah." Sinulyapan siya nito. "You wanna listen to music?" Tumango siya. Binuhay naman ni Armani ang stereo at pumili ng awiting pwede nilang pakinggan habang nasa byahe. She could hear him hum some of the songs. Minsan naman ay mahinang sumasabay kapag gusto ang kanta. Teissa thought of something to talk about so Armani wouldn't get bored. "Armani, ilan kayong myembro no'ng brotherhood n'yo?" "Currently, there are twelve of us. We still don't know if we'd open slots for new members," sagot nito. "Buti ka pa marami kang kaibigan. Ako, halos lima lang yata. Si Maia ang pinakamatalik kong kaibigan sa kanila. 'Yong ibang naging kaklase ko, either naniniwalang malas ako o kaya ay takot sa ate ko." "There is nothing to be terrified about Tammy. Maybe they just have bad intentions towards you that's why they're scared of her." Sinulyapan siya nito nang tumigil sandali sa intersection ang sasakyan. "Sa university ba, may mga bago kang kaibigan?" "May mangilan-ngilan na. Mga galing din ng probinsya." "No boy friends at the moment, hmm?" Ngumuso siya. "Si Armani kamo, hindi naman ako cheater para magnobyo pa kahit kasal na. Hindi ako gano'n kahit hindi ko pa nakikilala nang personal si Andres." "No, no I mean kaibigang lalake," pagtatama nito. "Ah, hmm meron dalawa pero hindi ko sila gaanong ka-close." Tumaas ang kilay nito. "Really?" Tumango siya. "Oo. Si Juvan kasi, palagi niya akong tinatabihan tuwing lunch. Si Ranz naman, okay lang. Mahiyain. He's really good with video editing. Nagpa-part time siya habang nag-aaral." Tumikhim ito. "So this Juvan guy, he's flirting with you or something?" "Hindi naman siguro? Sadyang mahilig lang tumabi sa upuan ko kapag nagla-lunch kami. Nililibre rin niya ako palagi kahit sinasabi kong kaya ko namang magbayad ng lunch ko." Napansin niya ang paghugot nito ng matalim na hininga. "What time do you usually take your lunch, hmm?" "Eleven thirty hanggang twelve thirty. Bakit?" Armani moistened his lower lip as he tapped his fingertips onto the steering wheel. Maya-maya ay bumuntonghininga ito. "Let's have lunch everyday." Kumunot ang noo ni Teissa. "Pero malayo ang La Salle sa university ko. Traffic pa." "Doesn't matter. I promised your uncle that I'll look after you. Pareho rin naman tayo ng condo na tinutuluyan. I can give you a ride home and to the uni everyday." Napakurap si Teissa. "S-Seryoso ka ba?" "Yeah." Sandali siyang nag-isip. Maya-maya ay bumuntonghininga. "Gusto ko sana kaso baka iba ang isipin ni Andres, Armani. Pasensya ka na. Hindi sa nag-iinarte ako. Ayaw ko lang na iba ang isipin ng asawa ko." "I won't--" Napahugot ito ng hininga't umiwas ng tingin. "I understand. Try asking him first then tapos kung . . . kung pumayag, we can do that." "Okay, pero hindi ko ipapangako, ha? Baka mamaya hindi pumayag, eh." Armani nodded. "But I know he will." He heaved a sigh then spoke under his breath. "He surely will . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD