Kabanata 17

1471 Words
"TEISSA, nagawa mo na ba 'yong project sa klase ni Prof Jel?" tanong ni Meg kay Teissa, isa sa mga kaklase niya sa majority ng subjects at bago rin niyang kaibigan sa university. Sandaling ibinaba ni Teissa ang highlighter na ginagamit niya para sa kanyang reviewer. "Malapit na. Baka bukas tapos ko na." Meg let out a dramatic sigh before she removed her thick eyeglasses to wipe it. "Mabuti ka pa." Isinuot nitong muli ang salamin. "Wala pa akong nasisimulan, girl!" "Naku, sa Byernes na ang deadline," paalala niya. Ngumuso ito. "Pwede ba akong magpatulong sa'yo mamaya after ng last class? Kahit doon na lang sa cafe sa labas natin gawin, please ililibre na lang kita ng kahit anong gusto mo." "Hindi na, Meg. Ano, magpapaalam na lang ako para matulungan kita." Kumunot ang noo ni Meg. "Magpapaalam? Akala ko mag-isa mo lang sa condo mo?" She swallowed the pool of saliva in her mouth. Hindi niya sinasabi sa kahit kanino ang marital status niya kahit na tinimbrehan na siya ng abogado na rehistrado na ang kasal nila ni Andres. Not that she's ashamed or something. Ayaw lamang niyang mayroong umusisa ng personal na buhay niya. Siguro dahil hindi naman talaga siya gaanong palakwento ng mga bagay-bagay patungkol sa sarili niya. Si Maia lang naman talaga ang nakakaalam ng lahat-lahat pagdating sa kanya, maliban lamang doon sa pagkakagusto niya kay Armani. "Uhm, magpapaalam pa rin ako kasi b-baka mag-alala sila." She forced a smile. "Saka kasi . . . may sundo ako." "Ah." Meg smiled. "Sige-sige tapos sabihan mo ako kung papayag, ha? Sabihin mo na lang bobo kasi ako at kakatayin ako ng tatay kong matador kapag bumagsak ako ngayong sem." Tumawa ito. Maging si Teissa ay natawa rin nang mahina. "Ikaw talaga, Meg." "Totoo naman. Kakatayin talaga ako no'n, Teissa kaya pakiusapan mo na sila. Hindi naman tayo magtatagal. Baka imbes na sa art gallery sa Paris ako mapadpad, maging per kilo ako sa amin." She shook her head while laughing softly. Aksidente naman siyang napatingin sa gawi ng kaklase niyang si Juvan. Nang makita kung saan nakatutok ang mga mata nito ay kaagad napaayos ng upo si Teissa. She fixed her button-down top and straightened her back. Biglang nagbalik sa isip niya ang ginawa ni Dayne na pamimwersa sa kanya noon. Bigla tuloy siyang pinagpawisan ng malagkit habang ang dibdib niya ay malakas ang pagtibok. Great. That's another reason to stay away from Juvan. Meg became busy chitchatting with another classmate of them. Bumalik naman si Teissa sa ginagawa hanggang sa natapos ang vacant period nila. Pagkatapos ng huling klase ay nagdesisyon na siyang sabihin kay Andres ang paghingi ng tulong ni Meg. She was hesitant at first. Baka kasi isipin nitong nakikipag-date siya. Sabi pa naman ni Maia ay maraming lalakeng TH. Kahit wala siyang ginagawa ay baka paghinalaan siya. Her phone vibrated after receiving a response from Andres. Andres: Until what time will you be working with your friend, baby? She pursed her lips and tried her best not to get too affected by the endearment he used. Inipit niya ang payong niya sa kili-kili saka siya nagtipa ng reply. Teissa: Hanggang seven kung okay lang. It didn't take long before Andres sent her a reply. Andres: Alright, baby. Teissa was tempted to say something yet she ended up deleting the entire message after Meg called her. Ibinulsa na lamang niya ulit ang kanyang phone saka na sumama sa kaibigan. "Anong gusto mo?" tanong ni Meg pagkarating nila sa cafe. Teissa checked the menu. Kaya lang ay dahil hindi naman siya gaya ng ate Tammy niya na palaging laman ng mga coffee shop sa kanila ay hindi niya alam kung ano ang dapat piliin. "Uhm, kung ano na lang din ang sa'yo." Nilabas niya ang kanyang wallet at binigyan ng limandaan si Meg ngunit tumanggi itong tanggapin ang pera. "Sabi ko 'di ba libre ko?" "Nakakahiya," she shyly replied but Meg insisted on paying for her drink. Nagpasalamat na lamang si Teissa. Nang maalalang susunduin nga pala siya ni Armani ay dinukot niya ang cellphone niya't nagtungo sa kanyang Messenger para i-chat ito. Meg peeked on her phone while she was typing a message for Armani, telling him that she will be home late. "Ang gwapo naman niyan! Sino 'yan, boyfriend mo?" usyoso ni Meg. Napalakas pa ang boses kaya pinagtinginan ng ibang tao sa cafe. Nahihiyang yumuko si Teissa. "K-Kaibigan ko." Tinaasan siya ni Meg ng kilay. "Kaibigan pero in-update mo kung anong oras ang uwi mo?" "Ano kasi, pareho kami ng condo building kaya isinasabay niya ako ng pag-uwi. Baka lang magpunta siya sa uni tapos wala ako." "Saan ba nag-aaral 'yan?" tanong ni Meg saka nito kinuha ang order nila. "Sa La Salle." "Ay La Sallista!" Meg grinned as they walked towards the empty table. "Bakit hindi mo jowain? Hindi ka naman susunduin kung hindi ka type!" Uminit ang pisngi ni Teissa sa kumento nito. "H-Hindi, ah? Magkaibigan lang kami saka m-may mahal na siya at . . ." Napalunok si Teissa. "Basta." Pilit pa siyang inusyoso ni Meg ngunit todo na ang naging pag-iwas ni Teissa sa mga tanong nito. Iniba na lamang din niya ang usapan hanggang sa tuluyan na silang naging abala sa paggawa ng project. It took them longer than expected. Naghihikab na si Meg nang magpasya silang umuwi. Nagpasalamat naman ito sa kanya habang papalabas sila ng coffee shop. "Diyan lang ako sa may sakayan ng pedicab. Malapit lang ang dorm ko. Ikaw ba?" tanong nito. "Sasakay na lang ako ng taxi. Hindi ko pa kabisado ang sakayan ng mga jeep dito," aniya. "Oh, sige mag-ingat ka. Salamat ulit, ha?" paalam ni Meg bago na nagtungo sa sakayan ng pedicab. Natanaw pa niya itong umalis bago siya tumawid para mag-abang ng taxi'ng masasakyan pauwi. Teissa was about to raise her hand to call a cab when she noticed someone familiar. His car was parked on the same spot where he often waits for her. Nakasandal ito sa asul na sasakyan habang ang mga mata ay nakatutok sa phone na tila nagtitipa ito ng chat. Mag-aalas otso na. Bakit nandito pa rin si Armani? Hinintay ba siya nito kahit na sinabihan na niyang mahuhuli siya ng uwi? Her phone buzzed. Dinukot niya iyon sa kanyang bulsa at tiningnan ang mensaheng natanggap. Armani: Still here but take your time. Just letting you know in case you wouldn't see me. She was about to walk towards Armani when a familiar guy suddenly called her name. "Teissa!" Patakbong lumapit si Juvan. Nang narating siya ay bigla na lamang itong umakbay kaya nagwala ang dibdib niya dala ng pagkailang at pag-aalala. Her eyes automatically looked at Armani's direction, only to realize that he was already staring at her. No. At Juvan, and judging by the way his jaw clenched, she knew he isn't liking what he's seeing. "Sama ka muna sa'min. Jamming lang kina Ranz," ani Juvan. Lumunok si Teissa nang makitang papalapit na si Armani sa kanilang direksyon. "H-Hindi na, Juvan." Pilit niyang inalis ang pagkakaakbay nito ngunit tila ayaw siyang pakawalan. "Sige na, ihahatid na lang kita--" "She said she doesn't wanna come. Do I have to repeat what she said or I'll just break your f*****g arm and drag you to the nearest police station, hmm?" Teissa's heart nearly jumped out of her chest when she heard Armani's gentle with an underlying anger voice. Nakaigting din ang panga nito at ang mga kilay ay halos magdugtong na sa tindi ng pagkakakunot ng noo. Lumunok si Teissa at dali-daling kinuha ang pagkakataon upang makawala sa pagkakaakbay ni Juvan. She went next to Armani to seek protection. Nang tila nadama ni Armani ang takot na nararamdaman niya ay sinalat nito ang kanyang kamay saka na siya hinatak patungo sa kotseng nakaparada. Akala ni Teissa ay sasakay na rin ito ng kotse matapos siyang papasukin sa shotgun seat kaya ganoon na lamang ang naging gulat niya nang balikan pa nito si Juvan. Dahil may kalayuan ang pwesto ng mga ito ay hindi na niya narinig ang pinag-usapan ng dalawa. All she could see is how Juvan tried to walk away as fast as he can. Tila ba natakot sa kung ano mang sinabi ni Armani rito. She watched Armani shake his head while walking towards his car. Nang makasakay ito ay pilit naglakas ng loob si Teissa upang kausapin ang binata. "Anong sinabi mo sa kanya, Armani? Parang . . . natakot sa'yo." "Just gave him something to fear about," he answered in a serious way before he reached for his seatbelt. "Uhm, did you tell him that we can sue him?" she asked. "Yeah . . ." His lips formed a meaningful smirk. "And that your husband will not hesitate to make his life miserable if he wouldn't stop . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD